Chapter 22

1.3K 70 29
                                    

Aphrodite's POV

Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang naghugas ng plato na pinagkainan namin. Baka kase sabihin nya pinapasweldo nila ako ng malaki tapos hindi ko ginagawa ng maayos ang trabaho ko.

Tahimik akong naghugas ng mga plato habang sya naman ay nililinisan ang kanyang kotse kasama ang aso nyang si Buddy.

Nagtingin ako ng pwedeng makain sa ref nila, baka may chocolates sila dito HAHAHA!
Ilang araw na akong nagcra-crave sa matamis eh.

Konti na lang ang makakain dito. Naubos na ang mga gulay dahil nailuto na namin kanina. Mukhang kailangan ko ng mamalengke. Nagbihis ako ng maayos.

Lumabas ako upang humingi ng money kay bakla. Ilang araw pa silang mawawala kaya kailangan ko ng mamalengke. Jusko ilang oras pa lang ang nakakaraan namimiss ko na si bebelabs ko.

So sad.

Kung kailan naman kami nagkakamabutihan ni Yojan saka naman ako iniwan dito sa kakambal nya. Hayst.

Nasaan na ba yung baklang yon? Ang laki kasi ng bahay nila hindi tuloy kami magpangita! Umikot pa ako upang hanapin sya. Nagtungo ako sa garden nila, nagba-bakasakaling makikita sya don.

Mula dito sa salamamin dito sa loob ay natanaw ko sya na nagdidilig na ng mga halaman nila. Lumabas ako at nilapitan sya.

"Sir Trojan."

Nakapamewang kong tawag sakanya. Nang sya'y lumingon sa akinh direksyon ay biglang nag slowmo ang lahat.

Fck.

Ang hot nya. Nakasando lang sya at pekpek short. Ang kanyang damit ay basa na ng tubig kaya naman bumakat na ang kanyang six packs nyang abs.

Kusang napatingin ang aking makasalanang mata sa ibang parte ng kanyang katawan.

Putangina daks si bakla!

"Hoy girl, sara bibig. Laway mo oh tumutulo. Eww!" Saad nya dahilan para mapasara ang aking bibig at punasan ang aking laway na tumulo nga.

Gago nakakahiya! Agad kong hinigop ang laway ko atsaka muling humarap sakanya.
"Ah sir, ano kase...yang ano.."

"What?"

"H-Hihingi sana ako ng pera pambili ng gulay atsaka ng mga pang sahog , ubos na kase eh."

Tangina nauutal ako.

"Wait, samahan na kita." Aniya sabay alis upang magbihis.

Naiwan ako kasama ang aso nya. Nilapitan ko ito at hinimas-himas. Ang cute cute ng aso nya, ang balbon kase tsaka yung mata nya itim na itim.

"Hay nako, buti ka pa Buddy ang bait bait mo hindi tulad ng amo mo. Napaka antipaktikong bakla!" Binuhat ko sya at pinanggigilan.

Hindi naman sa pinanggigilan na kinurot-kurot, binalibag at kung ano-ano pang pananakit. Alam mo yung gigil kapag nacu-cute an ka?

Napailag ako akala ko kase kakagatin nya ako yun pala didilaan nya ako. Kapag ako naman kinagat ng asong 'to kakagatin ko rin sya para fair!
Gagawin ko syang adobong aso!

"Sa tingin mo magiging lalaki pa sya Buddy? Matutulungan mo ba ko sa misyon ko?" Tanong ko sakanya at hinimas ulit ang kanyang ulo. Ang lambot ng balahibo nya, napaka fluppy!

Ang sarap nyang yakapin! Tumahol sya sa akin ng dalawang beses. Sagot nya ba  yun sa tanong ko? Pero ano ba yung sagot nya? Oo or hindi?

Dalawa yung tahol nya. Baka Oo? Dalawang syllables kase yon pero pwede ring hindi kase dalawang syllables din yon? Hay nako Buddy! Ang gulo mo naman kausap eh! Pareho kayo ng amo mong bading na napakasungit.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now