Chapter 58

944 44 13
                                    

APHRODITE'S POV

"Cheska! Maupo ka nga. Kanina pa akong nahihilo sayo!" dinig kong sigaw ni Piolo kay Cheska na kanina pang palakad-lakad. Agad naman itong naupo ng padabog. Pinagmasdan ko si Melly na tulala pa din habang si Mellissa at Dave ay mahinang nagu-usap.

Sunod kong pinagmasdan sina Uncle Grandpa at Lolodad na parehong naka upo sa sofa at tila malalim ang iniisip. May benda ang braso ni Uncle Grandpa dahil nanlaban daw ito nung sapilitan nilang kinuha si Sir Tonio.

Grabe! Gusto kong pumalakpak dahil sa galing nilang um-acting kaso ayoko sirain ang pagco-concentrate nila sa pag acting. Ang galing nila promise! Napaka realistic nilang umarte. Ilang araw kaya nilang pinag practice-an yan? Hindi sila natatawa o napapangiti. Para silang mga professional na artista dahil sa galing nila. Miski yung luha nila kanina napaka realistic, parang galing taga sa puso. Para bang may pinaghuhugutan ganon?

Ganoon ba ka-special ang birthday ko para mag plano ng isa pang malupitang surprise? Pfft. HAHAHA! Akala siguro nila maniniwala pa ako sa mga arte-arte nila. Ha! Alam ko namang isu-surprise nila ulit ako tulad kanina. A-acting na lang din ako na kunwari ay nasurprise.

Infairness, ang effort nila.

Tumayo ako upang pumuntang kusina upang ikuha sila ng tubig dahil alam kong pagod na sila eh. Pagpunta ko sa kusina ay nagtago ako at sumilip  ng konti. Gusto kong makita kung anong ginagawa nila kapag wala ako sa harap nila. Pero ni isa sa kanila ay walang nagbago ang posisyon at ekspresyon ng mukha.

Kumuha ako ng tubig para sa kanilang lahat dahil wala dito yung mga katulong namin. Ewan ko kung saang lupalop nagtatago sina Manang. Isa-isa ko silang binigyan. Syempre pinapakiramdaman ko pa din sila.

Hay nako! Mukhang wala silang balak magpahuli sakin. Kakapagod ha! Baka nga totoo yung sinasabi nila? Pero hindi naman siguro. Nasaan na ba yung mga baklang yun? At sumama pa talaga si Yojan ah. Tsk.

Saan ba kasi nila dinala si Trojan at ang tagal nila? Kainis naman kasi! Ang sweet na namin kanina, kinikilig na ko eh!

Lumapit ako kay Justine na kausap si ano. Teka ano ngang pangalan nito? Ah basta sya yung anak ng dating driver ng kambal.

"Justine, inom muna kayong tubig oh. Baka pagod na kayong um-acting --- este mag-usap," singit ko sa kanila sabay abot ng dalawang basong tubig. Taka naman nila akong tiningnan bago kunin ang tubig na inia-abot ko sa kanila. Shete naman kasing bibig 'to eh, ayan tuloy iniisip na siguro nila na alam ko na yung surprise nila.

Eh kung kuntsabahin ko kaya 'tong kumag na 'to na sabihin na sakin yung  surpise? Bahagya akong umusog palapit kay Justine. Naga-alala naman nya akong tinignan. Ano ba Justine! 'Wag mo nga kong tignan ng ganyan! Sorry ka may Trojan na ko hehe.

Nang sabihin kong sabihin na nya sakin ang surprise nila ay kumunot ang noo nito. Nagkatinginan naman silang dalawa.

See? Kitams? Tama ang hinala ko!

"A-Ano bang sinasabi mo Aphro? We're not jokin ---"

"Sabihin mo nga sakin, nandun ba sa loob ng malaking box na yun si Trojan?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Tila nagulat naman sya sa sinabi ko.

"Box? Anong box?" Dine-deny pa eh.

Tila naalarma naman ang iba nang marinig nila yung sinabi ni Justine. Dine-deny pa ng kulogong 'to, eh halata namang si Trojan ang nasa loob 'non. Pero matangkad si Trojan at malaki ang katawan kaya paano naman sya magkakasya don? Baka regalo nila yun para sakin?

"Eto oh!"

Pumunta ako sa kusina upang ituro sa kanya yung tinutukoy kong kahon na may red na ribbon.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now