Chapter 36

1K 67 8
                                    

TROJAN'S POV

Kahit palagi akong nagsusungit sa kanya naawa parin naman ako sakanya lalo na ngayon. Hindi ko alam kubg bakit nasasaktan ako ng ganito kahit hindi ako yung iniwan. Halo-Halong emosyon ang nararamdaman ko.

Galit, lungkot, saya, awa at kung ano-ano pa. Naiyukom ko ang aking kamay habang pinagmamasdan syang umiiyak ng dahil sa kapatid kong gago. Nasasaktan akong makitang ganito sya. Hindi ako sanay na ganito sya. Mas gusto ko yung palagi syang nakangiti at tumatawa.

Tsk. Bakit ba may mga taong ipinanganak na walang puso? Anong silbi ng mga katulad nilang walang ibang ginawa kundi ang manloko. Ha! Grabe.

Lumuhod ako para magkapantay kami. I look at her eyes full of tears and pain. Hindi ko alam kung anong masamang espirito ang sumanib sa akin para punasan ang luha nya sa parteng ibaba ng kanyang mata. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na gawin yun dahil gusto ko rin naman — wait what?!

N-No. I mean I was ahmm argh! Nevermind.

Tumingin sya sa akin habang umiiyak. Para akong sinuntok sa dibdib sa nakikita ko ngayon. Inaamin ko, nasasaktan akong makita syang umiiyak.

She suddenly hug me tight. So I hug back. I let her hug me because I know she need a hug too. I rubbed her back. I let her cry until she settled down. Within a minutes the rain had subsided, so I decided to bring her home.

Nang makasakay na kami sa kotse upang umuwi ay tinawagan ko si Geraldine.

"Hello?"

"Oh bakla? Nasaan ka na ba? Ikaw na lang kulang dito sa conference room. Ano 'te pa-VIP?"

"Hindi ako makakapunta kaya kayo munang bahala dyan. I have something to do right now."

"Hala sya! Gaga kailangan ka dito, saka mo na gawin yan!"

"Kunin mo laptop ko sa bag. Nandun lahat ng new project for the Campus. Kayo na bahalang magpaliwanag sa mga Officers. Balitaan nyo na lang ako mamaya. Bye."

In-end ko na ang tawag bago pa sya sumagot. Nilingon ko si Aphrodite na ngayon ay naka-upo sa tabi ko habang ang ulo nya ay nakadikit sa bintana ng kotse at nakatingin lang sa labas.

Pugto na ang mata nya kakaiyak. Hanggang ngayon ay umiiyak sya pero hindi na ganon kanina, ngayon ay tahimik lang syang umiiyak sa tabi.

"Ma'am okay lang ---"

"Shut up." Sabi ko kay Buknoy na anak ng dati naming driver. Siguro mga kasing edad lang din namin sya pero hindi na sya nag-aaral dahil sa hirap ng buhay nila kaya nagtrabaho na lang sya.

Nanahimik na sya. Kita naman nyang hindi sya okay tapos tatanungin kung okay lang. May saltik lang? Tss.

Nang makarating na kami ay bumaba na ako. Iniintay ko syang bumaba pero mukhang wala sya sa wisyo nya. Tulala lang syang umiiyak.

I sigh. I want to comfort her but I don't know how. Hindi ko alam kung paano sya kakausapin ngayon baka kapag kinausap ko sya lalo syang umiyak so I stay silent.

Kinatok ko ang binta. Agad naman nyang pinunasan ang luha nya atsaka bumaba ng kotse. Nauna syang maglakad habang ako naman ay nakatingin sa kanya habang sinusundan sya kung saan sya pupunta. Alam kong umiiyak sya kahit nakatalikod sya sa akin.

Pumunta sya sa kwarto nya. Hindi nya ata napansin na kasunod nya ako. Pagkasara na pagkasara nya ng pinto ay narinig ko ang malakas na paghikbi nya. Parang nadudurog ang puso dahil sa nakikita ko sa kanya.

Nakatayo parin ako dito sa harap ng kwarto nya. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang makita syang nagkakaganito.  Naiyukom ko ang aking kamao dahil sa galit na naramdaman ko ng maalala ko ang kapatid ko.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now