Chapter 56

950 39 4
                                    

STAN'S POV

Mabilis kaming nagtungo sa likod ng resthouse kung saan namin ibinaon noon lahat ng mga armas na meron kami. Pare-pareho naming hinukay ang mga ito.

Napapailing na lamang ako habang naghuhukay dahil kami din mismo ang sumira sa patakaran at pangako namin na kahit kailan ay hindi na kami hahawak ng kahit anong baril bilang parte ng aming pagbabagong buhay nina Trojan.

Ngunit heto kami't kanya-kanyang kumukuha ng gamit upang maprotektahan ang sarili sa susuungin naming gulo.

Nilingon ko si Trojan. Walang emosyon ang kanyang mukha habang tinititigan ang mga baril na nakuha nya. Talaga ngang bumalik na ang dating Trojan na nakilala namin. Tuluyan na ngang naglaho ang Trojan na lambutin at walang araw na hindi naka kolorete ang mukha. Nagbalik na sya.

Lahat kami'y pare-parehong tahimik at nagiipon ng tapang at lakas ng loob sa loob ng maikling oras. Matapos nito ay nagpaiwan muna sya sa kanyang kwarto. Pagkalabas namin sa kwarto nya ay saka lang kami nakahinga ng maluwag.

Kanina ay halos mangilabot kami sa bawat pagsigaw ni Trojan. Hindi kami makahinga ng ayos kanina, lahat ay pigil ang hininga dahil sa kanya.

"Shuta, nakakatakot sya." Kabadong pag-amin ni Geraldine habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang dalawang kamay.

"Okay lang kaya si Tito? Sana ay walang mangyaring masama sa atin. Tangina talaga!"

"Guys kalma. Huwag kayong mag-panic ---"

"Paanong hindi mag-papanic bakla ha? Nasa peligro si Tito! At eto, eto!" Itinuro nya ang mga baril na nasa kanya.

"Pumasok na naman tayo sa isang malaking gulo na ikapapahamak ng ilan sa atin! Tangina kasi ni Trojan eh! Hindi na ba sya nadala? Namatay ang nanay dahil sa kagaguhan nya tapos unulit na naman nya ngayon.

Balak nya ba tayong pataying lahat?!" sigaw sa akin ni Kimboy. Sa inasal nyang yon ay ang dahilan para mapataas ang kilay ko.

"Anong gusto mong gawin natin? Hayaan si Trojan na lumaban mag-isa? Tanga ka ba? Kung naduduwag ka ay umatras ka na lang hindi yung ang dami mong sinasabi! Lahat tayo may kasalanan sa pagkawala ng nanay nya. Huwag kang pa-victim, ginusto nating lahat 'to. Masyado kang nagpla-play safe." Balik kong sigaw sa kanya. Hindi ko dapat iyon sasabihin dahil alam kong lalo lang kaming magkakainitang dalawa ngunit hindi ko napigilan.

Masyado akong nadala sa galit ko. Totoo naman yung nga sinabi ko. Kasalanan namin 'to.

Alam naming malaking gulo ang papasukin namin pero tinuloy namin dahil sa ideya na mapapasunod namin ang nga taong gusto naming pasunurin. We used it to manipulate the others and we're now regreting that fucking idea.

"Hoy ano ba kayo? Ngayon pa ba kayo mag-aaway? Umayos nga kayo. Para kayong mga bata!" Awat ni Geraldine atsaka pumagitna sa aming dalawa. Kita ko ang pagngisi ni Kimboy saka nya itinulak si Geraldine.

"Oh bakit Geraldine? Hindi ka ba naduduwag? Eh wala pa nga tayo sa gera kabado ka na!"

Malakas nyang itinulak si Kimboy palayo sa kanya. Pare-pareho kaming nagkakainitan na dahil sa mga nangyayare.

"Oo natatakot ako! Natatakot ako para sa sarili ko. Na kahit alam kong mali pinapasok ko kasi kaibigan ko kayo eh, hindi ko kayang hayaan kayong lumaban habang ako nagpapasarap buhay. Nilunok ko pride ko para sa inyo! Oh ano? Tangina! Happy ka na?!" Sigaw din ni Geraldine habang tinutulak sa balikat si Kimboy.
  

Sasabat pa sana ako sa kanila ngunit biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Trojan. Daretso lang itong nakatingin. Puno ng galit ang mga mata nya. Nakakakilabot sya kapag seryoso ang mukha. Para akong bata na biglang natiklop sa kanya. Sa pagkapit pa lang nya kanina ng mga baril ay makikita mo agad na handa syang pumatay mailigtas lang ang tatay nya.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now