Chapter 33

1K 60 5
                                    

APHRODITE'S POV

Hindi ko na talaga alam ang gagawin at sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag 'to kay Yojan. Hindi ako makatingin ng daretso sa kanya. Alam kong nagulat sya sa mga pangyayaring 'to. May balak naman akong sabihin sakanya ang totoo pero hindi ako makahanap ng magandang timing eh.

Kasi naman 'tong si Trojan eh! Bakit kasi ito pa yung naisip nyang paraan eh. Bwisit!

Simula ng ipakilala ako ni Trojan sa kambal nya ring lolo nya ay hindi na ako umimik pa. Hindi naman na kasi ako maka-relate sa usapan nila. Usapang mayayaman ba. Wala naman akong alam tungkol sa company company nila.

Hindi ako nainform na kailangan pala na nandito ang buong pamilya ni Sam, the traitor. Balak ko pa mandin syang ireto kay Trojan tapos tra-traydurin nya lang pala ako. Tss.

"Uuwi na agad kayo?"

"Ah oo, tsaka gabi na rin. Alam mo naman ako? Ayokong wala akong ginagawa. I always need to work for the company." Sagot naman ng tatay ni Samantha. 

"Ah ganon ba? Oh sya sige. Yojan, ihatid mo na sila." Nakangiting wika ni Uncle Grandpa. Yiee nakiki Uncle Grandpa hindi naman kamag-anak. HAHAHA!

Pero malay mo naman diba? Malay mo bukas ikasal na kami ni Yojan diba? Oh diba ang lakas ng imagination.

Kami na lang ni Sir Antonio, Uncle Grandpa, Lolodad at Trojan ang naririto sa lamesa. Feeling ko tuloy part na ako ng pamilyang Elisher. HAHAHAHA!

"By the way, Anton napag-isipan nyo na ba ang ganap para sa susunod na Sabado?" Nakangiting tanong ni Lolodad. Medyo nalilito pa ako sa kanilang dalawa, wala kasi akong makitang pinagkaiba nilang dalawa maliban sa damit nila. Mula buhok hanggang sapatos ay pareho sa kanila.

Kaya ko lang nalalaman na si Lolodad yung isa dahil sa damit. Pareho parin naman sila sa damit pero ang pinagkaiba lang ay ang kulay nito. Pula ang kay Lolodad at ang kay Uncle Grandpa naman asul kaya sapat na yun para malaman ko kung sino sa kanila si Lolodad at Uncle Grandpa.

"Hindi pa masyado Dad. These few weeks kasi I'm really busy doing my job." Tugon naman sakanya ni Sir atsaka sumubo ng kanin.

"Good yan pero don't forget Yojan and Trojan's Birthday. Ilang araw na lang kaarawan na naman nila."

"Yes Uncle."

"Haaay. Sebastian patanda na tayo ng patanda. Isipin mo yun ang kambal nating apo, dati binubuhat-buhat lang natin pero ngayon they're turning 18 now." Parang nahihiwagaang sabi ni Lolodad habang nakatingin kay Trojan at Yojan na kadarating lang.


"Tama ka. Parang kahapon lang ganyan ako kagwapo tulad nilang dalawa." Natawa naman kami sa simabi nya. Mahahalata naman sa mukha nilang dalawa na gwapo rin sila noong mga panahon nila eh. Ngayon pa nga lang may itsura na paano pa kaya nung mga bata pa sila?

"Loko-loko ka talaga Silas."


"Sandali nga? Saan ba kayo nagkakilala hija?"

Shet. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, hindi namin 'to napractice ni Trojan. Hindi naman kase namin ine-expect na ako ang gaganap bilang girlfriend nya.

"Sa Campus po."

"Sa Coffee Shop."


Bigla kaming nagkatinginan ni bakla dahil sa magkaiba naming sagot. Ako naman kasi yung tinatanong hindi sya. Bakit pa kasi nakisabat-sabat 'tong bwisit na baklang 'to.  Baka mahalata kami dahil sa kagagahan nya. Hija ba sya? Hija ba sya?

"Teka? Saan ba talaga?" Nalilitong tanong ni Uncle Dad.

Nilakihan ko ng mata si bakla. Makuha ka sa tingin gaga ka! Ngunit imbis na matakot ay nilakihan nya rin ako ng mata. Aba! Napaka attitude ha.


Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now