CHAPTER 10

1.5K 83 19
                                    

Aphrodite's POV

Ilang araw na normal ang lahat. Kung ano nangyare nung isang araw, ganon lang din kahapon.

Pero kahapon lang yun dahil iba ngayong araw! Sinabi kase sakin ni Mr. Elisher na ako daw ang isasama nya kay Trojan pauwi sa probinsya nila. Like wtf? Ser r u serious? HAHAHA. So ayon nga, excited na excited ako.

Nag impake na ako ng mga damit ko. Sabi sakin ni Mr. Elisher, three days daw kaming  magi-stay dun kaya naman nagplano na ko ng gagawin ko dun sakanila. Okay na kaya tong dala kong damit? Hmm okay na siguro 'to!

Mamaya pa ang balik ni Trojan dahil dinala nya daw yung excuse letter naming dalawa. So ayon, sobrang nae-excite lang ako para sa araw na to at sa susunod pang mga araw.

Damit? Check. Toothbrush? Check. Towel? Check. Tablet and Cellphone? Check. Make ups? Check na check!

Oh yeah, may dala akong make up sa probinsya. Malay mo kase nandun yung tamang tao para sa akin. Dapat maganda ako no!

Habang Inaayos ko ang gamit ko, may kumatok na agad din namang pumasok. Si Yojan. "Aww, you're really going to leave me." sabi nya with sad tone.

Ano ba Babe, wag ka na malungkot ichachat naman kita palagi ih. Ay charot! HAHAHA umiiral nanaman ang katalandian ko.

Naupo sya sa kama ko kung saan nakapatong ang gamit ko. Tumingin ito sa akin sabay pout. Shet, ano ka ba naman Yojan. Wag kang magpa-cute, lalo kong nafafall.

"Wag ka na malungkot, mabilis lang naman lumipas ang three days eh." sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Kahit na! Mawawalan na ako ng magandang kasabay pag papasok." aniya pa. Hay nako, kahit anong papuri mo sakin hindi ako magpapaiwan tsaka alam ko namang maganda ko. HAHAHAHA!

"Wala akong lima, Yojan." sabi ko sakanya atsaka isinarado na ang bag na dadalahin ko sa province nila. I'm so excited!

Natigilan lang kaming dalawa sa paguusap nang may kumatok sa pinto. Niluwa non ang isa sa katulong nila dito. "Ma'am Aphrodite?"

"Yes?"

"Hinahanap na po kayo sa baba ni Sir Trojan."

Bumaba na ako. Hanggang sa labas ng gate nila ay kasunod ko si Yojan na ngayon ay seryoso na ang mukha. Nang makasakay na kami sa Van ni Trojan ay kumaway muna ako sa bintana bago umalis.

Feeling ko maga-abroad ako HAHAHA! Kung makapag-paalam kasi sila sa amin parang ilang taon kami mawawala. So ayon, ang tahimik namin sa loob.

Ilang oras kaming tahimik sa loob. Tanging ang ubo lang ni Trojan ang naririnig ko dito. Grabe, mukhang mapapanis laway ko dito.

Kaming dalawa lang ni Kuya Driver ang maingay sa loob. Si Trojan kase, natutulog lang sa buong byahe. Kung magigising man sya, iinom lang ng tubig tapos magcecellphone.

Konti na lang daw ay makakarating na kami sa paroroonan namin. Binuksan ko ang bintana ng Van at doon ko nakita ang ganda ng tanawin dito sa Probinsya nila.

Malayong malayo 'to sa Manila na mabaho, maalikabok, maraming sasakyan, masyadong polluted area dun. Dito marami kang makikitang puno. Makikita mo yung ganda ng bundok dito.

Nagpicture picture ako ng konti, remembrance man lang na nakapunta ako dito sakanila. Pagbaba namin sa Van ay maraming tao ang sumalubong sa amin.

Lahat sila niyakap si Trojan. Para silang buong baranggay sa dami. Ang cute lang nila tignan. Parang miss na miss talaga nila si Trojan, mukhang matagal syang di nakabisita dito sakanila.

Nang matapos silang magkamustahan ay napatitig sila sa akin habang naka ngiti ng nakakaloko. "Oh apo, bakit hindi mo sinabing kasama mo ang nobya mo?" sabi ng matanda na yumakap sakanya kanina. Lola nya siguro.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن