Chapter 29

1K 61 3
                                    

Aphrodite's POV

Excited akong pumasok ngayon kasi ang target kong pra-practicin ko kay Trojan ay ang kanyang lakad. You know, dapat yung medyo siga ang lakad hindi yung nagla-lava walk, cat walk at kung ano-ano pang walk ang naimbento sa mundo na ginagawa nya sa tuwing lalakad sya tapos kumekembot-kembot pa.

Nang matapos magpa-quiz ni Sir Aljohn ay ibinigay na nya sa amin ang five minutes. Saktong vacant namin ang sunod kaya mahaba-haba ang time ko sa pagtuturo sakanya.

"Uy be anong sagot nyo sa number five?"

"Letter C sagot ko. Hindi nga ako sure dun eh."

"Hala bakit sakin letter A?"

"Mali mga sagot nyo. Letter B ang sagot."

"Sabi ko na nga ba yun yung tamang sagot eh. Binura ko pa bwisit!"

Tinext ko si bakla na sa rooftop kami magkita. Sa rooftop kung saan walang katao-tao. Walang makakakita sa aming dalawa. Isinilid ko na ulit sa bulsa ko ang cellphone ko.

"Ah guys, mauuna na ako ah."

"Aphro, wait samaha---"

"Hindi na, magkita na lang tayo mamaya. Bye!" Sigaw ko habang tumatakbo palayo sa kanila. Bawi na lang ulit ako kay bebelabs. Alam ko namang hindi sya magtatampo, naiintindihan nya naman siguro ako.

Hingal na hingal ako nang makarating na ako sa rooftop. Ang dami kasing hagdan bago makarating sa pinakatuktok. Malawak dito kaya pwedeng-pwede naming practicin ang paglalakad nya. Inilabas ko ang Ipad atsaka pinindot ang notes.

OPERATION: Make him straight.

1. Tamang pagsasalita with his manly voice.

2. Tamang paglalakad. Dapat hindi kumekembot-kembot.

3. Buy new clothes para mas convincing. Itapon lahat ng bra, panty, tube, shorts, gown, dress at kung ano-ano pang pambabae nyang damit na meron sya sa cabinet nya.

4. Hire a girl who can pretend as his girlfriend. Dapat magaling umarte.

5. Boxing. Training para kapag nakipag-suntukan sya hindi malamya, hindi sya mabubugboh sarado. Tsaka para magka-muscle sya. Kapag may muscles, mas convincing sa paningin ng Lolo nya na lalaki talaga sya.

Sakto na siguro 'to. Sana magwork. Kapag hindi nagwork 'to, paktay ako. Mawawalan ako ng trabaho. Kapag talaga epektib ang pagpre-pretend ni bakla, lilibre ko tropa ko!

"Nakakapagod jusko!"

"Ang aga mo ah?" Sarkastiko kong sabi sa kanya. Tumingin ako sa relo ko. Late na sya ng limang minuto.

"Tss. Busy kasi ako and I almost forgot na magkikita nga pala tayo ngayon. Bakit ba dito mo naisipan na dito magpractice ha? Lalaki binti ko sa pag-akyat dito eh!" Angal nya at itinaas pa ang binti nya upang ipakita sa akin na lumaki ito kahit hindi naman.

"Ang arte mo. Oh sige, bumaba ka na hindi na kita tutulungang bwisit ka!"

"Eto naman hindi mabiro, ayos nga dito eh malawak. So anong gagawin natin dito?"

"Tss. Isa pang angal hindi na kita tutulungan dito sa problema mo. Bahala kang isako ng lolo kapag dumating na sya!" 

"Wait, how did you know about that?"

Shet. Wrong move Aphro! Tanga tanga mo talaga girl! Anong isasagot ko?

"Si Dad, ako at si bro lang ang nakaka-alam tungkol dyan. Paano mo nalaman na uuwi ang lolo ko ha?"

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now