Chapter 32

1K 62 9
                                    

Aphrodite's POV

This is it pancit! Ngayon na ang uwi dito sa Pilipinas ng grandpa nina Trojan kaya naman ang lahat ay abala sa paglilinis ng buong Mansion.

Ang garden ay binago na ng style. Mas pinaganda pa ang garden, naglagay sila ng magagandang bulaklak. Ang swimming pool ay nalinis.

Pinalitan ng bagong ilaw ang chandelier nila. Nilinis din ang dalawang kwartong matagal ng nakalock sa tabi ng kwarto ni Sir Antonio. Napag-alaman kong kwarto pala ng lolo nila yun. Ang nakakapagtaka lang, bakit dalawang kwarto ang pinalinis sa kanila, siguro may bisita syang kasama. Marami ring pagkain ang niluto nila.

Naligo na ako atsaka nagbihis ng magandang damit. Ang magandang damit lang naman na meron ako ay ang palagi kong sinusuot. Skirt atsaka T-Shirt. Nakatiklop ang manggas nito.

Nang matapos kong magbihis ay nagpunta naman ako sa kwarto ni bakla dahil kanina pa syang hindi lumalabas ng kwarto nya. Kumatok ako atsaka pumasok.

Nakatalikod sya sa akin kaya naman ang makisig nyang likod lang ang kita ko sakanya. Nakatapis naman ang bewang nya ng puting tuwalya. Mukhang kaliligo nya lang din.

Naghahanap sya ng damit ng susuotin nya. Kapag hindi nya ito gusto ay inihahagis na lang nya ito sa kama nya.

"I dont know what to wear." Dinig kong wika nya atsaka humarap sa akin na busangot ang mukha. 

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa abs nya hanggang sa baba. Agad kong iniwas ang tingin ko at itinikom ang aking bibig. Bwisit! Kusang tumitingin pababa ang mata ko. Napaka makasalanan.

"Anong tinatayo-tayo mo dyan? Tulungan mo kaya ako?"


Naghanap ako sa mga damit nya ng pwede nyang suotin. Yung damit na bagay na bagay sa kanya. Yung mag mumukha syang lalaki.

Kinuha ko ang isang long sleeves na puti and then isang pantalon na medyo dark ang kulay. Kumuha na din ako ng belt atsaka iniabot sa kanya.

"Yan. Bagay sayo yan. Magbihis ka na." Wika ko. Taas kilay naman nya akong tiningnan atsaka nag cross arm.

"Bakit?"


"Paano ako magbibihis kung nandyan ka?"



Ay oo nga 'no? Napapahiya naman akong lumabas ng kwarto nya. Tsk. Nag-inarte pa sya. Parang hindi ko pa nakikita yung pinakatatago nya ah? HAHAHA!

Ano kayang suot ng baby ko? Pumunta ako sa kabikang kwarto atsaka kumatok. Kumatok ulit ako pero walang sumasagot kaya pumasok na ako. Ni isang anino nya wala akong nakita sa loob ng silid nya. Saan kaya nagpunta yun? Isinarado ko na ang pinto.

Sa pinto naman ni Trojan ako kumatok. Pumasok na ako. Nakita ko syang naka-upo sa kama nya. Takip-takip nya ang mukha nya gamit ang kanyang kamay. Anong nangyari sa baklang 'to? Hindi nya ba bet yung napili kong damit?

"Hoy bakla okay ka lang?"

Umiling sya habang takip parin ang kanyang mukha. Umiiyak ba sya? Hindi naman siguro tsaka anong ikaiiyak nyan?

"Bakit? Anong nangyare?" Muli kong tanong sakanya. Sa sandaling iyon nilapitan ko sya at hinawakan ang kanyang kamay. Nanlalamig ang mga ito.

Dahan-dahan ko itong inalis sa mukha nya. Hindi naman pala sya umiiyak. "Ano bang nangyare? Sabihin mo."

Ngayon ko lang naramdaman ang panginginig ng mga kamay nya. Medyo namamasa din ito. Hindi naman siguro sya pasmado 'no?

"Bitch, I-I'm nervous."

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now