Chapter 15

1.5K 78 5
                                    

Trojan's POV

I woke up 4 AM in the morning and they're not awake yet.  Argh!My head hurts.

Bumaba na ako para kumain. Eksakto namang kalalabas lang din ni Manang sa kwarto nya. "Goodmorning hijo." aniya.

"Morning." tanging tugon ko sakanya. Naupo na ako sa dinning, nakahalumbaba ako sa lamesa habang naghihintay sa breakfast. Kahit masakit pa ulo ko ay inisip ko parin kung paano ako nakauwi dito?

Tsk. Nevermind. I don't care kung sino man ang naghatid sakin dito. Kamusta na kaya si Aphrodite? Nagising na kaya sya?

Argh! You're so stupid kase eh! Kagabi pa ako binabagabag ng konsensya ko. Magso-sorry ba ako or hahayaan ko na lang? Teka? Bakit ako magso-sorry eh sya naman ang nauna? Ha! Bahala sya!

"Ouch!"

Muntikan na akong sumubsob sa table nang biglang tanggalin ni Manang ang kamay ko sa pagkakahalumbaba. Sinamaan ko sya ng tingin. Pasalamat talaga si Manang at di ako pumapatol sa matanda eh atsaka buti na lang love ko sya.

"Oh ke aga aga gasumot na mukha mo? Sige ka papangit ka nyan." wika nya.

Duh! Kahit anong mangyari hinding hindi ako papangit no! I took care of my skin very well that's why I'm the most beautiful on our campus.

"Mukhang malalim iniisip ng alaga ko ah? Hulaan ko? Iniisip mo si Aphrodite ano?"

"Thinking of her? No way! I'm not guilty kaya. Tsaka di ako nagaalala sakanya no, si Manang talaga. Gosh." sunod-sunod na sabi ko.

Hindi ko kaya sya iniisip! I'm just cursing her. I'm not that type of girl na mabilis maguilty no!

At oo tama ka ng basa, girl kaya ako. Subukan mong umangal lalandiin ko jowa mo!

"Mukha ngang di ka guilty at nagaalala sakanya." anang nya.

Diniinan nya pa talaga yung salitang 'GUILTY' at 'NAGAALALA'

"Hay nako Trojan, minsan kailangan mo din ibaba ang pride mo kapag nakakasakit ka na ng ibang tao wag ka lang mapahiya. Subukan mong ibaba pride mo. Wala namang mawawala kung ita-try mo diba? Hinding hindi ka tatantanan ng konsensya mo hangga't hindi ka humihingi sakanya ng tawad."

Humingi ng tawad? Nako Manang, hindi ko magagawang humingi ng sorry sa isang Loser.

"Mabait na bata naman yang si Aphrodite kaya sure akong patatawarin ka nya. Itry mo lang? Promise hindi nakakamatay ang humingi ng tawad sa taong nasaktan mo." dagdag nya pa. Tinapik nya pa ako sa balikat bago umalis at nagtungong kusina.

Nang dahil sa sinabi nya lalong naguluhan utak ko. My gosh! Yung braincells ko nagkakagulo na! Manang kasi eh!

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako atsaka nagbihis. At dahil SSG Officer ako kailangan kong suotin yung Polo Shirt na may tatak na 'SSG PRESIDENT'

Sinusuot namin yun tuwing Monday. Pinaka hate ko pa naman sa lahat yung may kaparehong damit. Tss.

What kind of clip kaya ang susuotin ko ngayon? Nagtingin ako ng magandang clip sa cabinet ko kaso lahat ng iyon ay nagamit ko na. Wala na ba akong bagong clip? Gosh.

Bibili na lang ako mamaya. Siguro ipo-ponytail ko na lang buhok ngayon. Nang maiponytail ko na ang hairlalu ko ay medyo nilabas ko yung baby bangs ko para cute.

"Waaah. Why so cute self?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

6 AM ako dumating sa school. Konti  pa lang ang estudyante ngayon dito. I'm so fresh! Naglagay ako ng lipbalm para sa lips ko. Mamaya na ako maglakagay ng liptint kapag marami na ang tao.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now