Chapter 27

1.1K 54 12
                                    

Aphrodite's POV

Nang maka-uwi na kami ni Trojan ay agad akong naligo dahil pinagpawisan ako ng bongga sa gym kanina.

Alas siyete na ng gabi ng ako'y tawagin ni bakla. Nagpapakuha 'raw sya ng cookies at gatas nya. Ang tamad talaga ng baklang 'yon, kukuha lang pagkain nya iuutos pa.

Dala ko ang tray na naglalaman ng cookies at gatas na inutos nya sa akin. Pupunta sana ako sa kwarto ni bebelabs ko kaso bigla naman akong inutusan ni Trojan. Hay nako. Ang tagal naman ng day off ko, para naman may time kami para sa isa't isa.

Pumasok na ako. Nakita ko syang nakaharap ng salamin habang naglalagay ng face mask sa mukha nya. Edi ikaw ng may pang skin care.

"Sir eto na yung cookies at gatas nyo."

Lumingon sya sa akin atsaka naupo sa study table nya. Binuksan nya ang lamp nya.
"Lagay mo lang dyan."

Ibinaba ko ito gaya ng utos nya.

"Ayoko namang masabihan ng liar kaya naman re-reviewhin kita dahil nangako kay bro." Seryoso syang lumingon sa akin. Sinenyasan nya ako na maupo sa  tabi nya.

Matapos nya akong aralin ay binigyan nya ako ng tanong na kailangan kong sagutin habang sya naman ay nakatutok sa laptop nya. Nang matapos ko itong sagutan ay ibinigay ko sakanya ito.

Tungkol iyon sa Death Penalty, kaya naman masyado akong napa-isip sa tanong na yun. Kailangan kong sagutin ito ng malinaw at maayos dahil ang sabi nya sa akin kapag nasagot ko raw yun ng maayos ay pwede na akong umalis. Kasama daw kasi sa exam ang tanong na yun. Sineryoso ko ang pagrereview ko ngayon dahil ayokong bumagsak. Hindi naman ako Scholar para di masyadong seryosohin ang pag-aaral ko.

Kapag bumagsak ako hindi ko alam kung kakayanin ko pang pag-aralin ang sarili ko. Ngayon pa nga lang hirap na ako pero pilit kong kinakaya dahil pinangako ko sa sarili ko at sa magulang ko na magtatapos ako kahit na anong mangyari.

Tumingin ako sa wall clock. Alas dyis na pero heto parin kami nagre-review. Antok na antok na ako, jusme. Ganito ba sya mag-aral? Todo puyat talaga? Jusko inaantok na ko. Papikit-pikit na ako habang nakikinig sa sinasabi nya.

Pinilit kong iminulat ang mata ko upang makinig sakanya ngunit makinig pa. Gustuhin ko mang makinig sa sinasabi ng baklang 'to ngunit hinihila na ako ng antok.

Trojan's POV

"So girl ang ibig sabihin ---"

Ano ba yan, dada ako ng dada dito tapos hindi naman pala sya nakikinig. Tinulugan ako ng bruha. Bagsak na si gaga.

Niyugyog ko sya sa balikat para magising sya pero mukhang mahimbing na ang tulog nya kaya naman hindi ko na sya ginising pa.

"Bruhang 'to tinulugan ako."

Inimis ko na ang mga papers, notebooks at kung ano-ano pa na nakakalat dites sa table ko. Muli akong naupo sa tabi nya. Kung hindi lang ako nangako at naawa sakanya hindi ako magtya-tyaga na turuan sya. Buti na lang at hindi sya slow, madali lang syang matuto.

I look at her. I pulled her hair out of her face. Now I just noticed that she has a look too. She has a look too but she's not my type. Duh!

It felt like I was being hypnotized by her lips. It was as if I was being pulled closer to her and someone was whispering to me to kiss her. I closed my eyes while coming closer to her.

"Ay puke!"

Inis kong kinuha ang phone ko na nagcha-charge nang bigla itong tumunog, senyales na may nag-text.

Si Justine.

OMG! Nagtext sya! First time 'to ah? Ano kayang kailangan nya?
Nakangiti kong tinignan ang message nya ngunit agad din itong nawala nang akin itong mabasa.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now