Chapter 14

1.3K 72 10
                                    

Aphrodite's POV

Jusko day! Bakit ko ba ginagawa 'to? Tanginang buhay 'to. Para sa pera! Basang-basa na ko ng ulan tapos bahagya ko pang maitulak tong Van.

"Ma'am konti na lang! Natatanaw ko na yung gasolinahan!" rinig kong sigaw ni Manong.

Konting tiis na lang Aphro, matatapos din 'tong pagpapahirap sayo. Madilim na at tanging ilaw lang ng mga sasakyan ang nakikita ko. Wala pa silang street lights dito kaya naman medyo madilim.

Basang basa na ko jusko!

Huminga ako ng malalim atsaka itinulak ang sasakyan. Bumilis na yung takbo ng Van dahil tumatakbo na din ako habang itinutulak ang Van.
Konting-konti na lang! Hooo!

Napasalampak na lang ako sa sahig nang makarating na kami sa gasolinahan. Napatingala ako sa langit. Lord, matapobre po ba ko nung past life ko para maghirap ako ng ganito?

Ramdam ko yung tibok ng puso ko. Medyo nagmamanhid din yung paa ko dahil sa pagtakbo ko. Tapos yung tuhod ko ramdam ko ang panginginig.
Tangina, isipin mo yun tinulak ko yung Van mula sa malayo papunta dito sa gasolinahan?

Deserved kong patayuan ng statue tulad ng kay Dr. Jose Rizal. Hoo! Kapagod shet. Di ako makatayo at talagang hinang hina ang buong katawan ko. "Ma'am okay lang kayo?"
napa angat ako ng tingin. Si Manong. Mag dala syang payong.

Sa sobrang pagod pati bunganga ko ayaw gumalaw kaya naman nag thumbs up na lang ako. Feeling ko nagmalfunction 'tong utak ko. Nahulog na ata sa daan yung turnilyo ng utak ko. HAHAHA jusko. Inalalayan na ko ni Manong na tumayo at sumakay sa Van. At as usual diring-diri si bakla.

Kelan ba hindi nandiri yang baklang yan? Araw araw naman ata eh. "Oh my gosh yung upuan ng Van mababasa!" aniya.

Hindi ko na lang sya pinansin. Wala ako sa mood makipagsagutan sa baklang yan. Pagkaupo ko ay naghanap ako ng pwedeng ibalot sa katawan ko kaso wala ko makita kaya naman bumaluktot na lang ako sa sobrang ginaw tapos idagdag pa yung aircon ng Van. Oh diba? Ang lamig.

Hindi na ko magtataka kung magkasakit ako nito kinabukasan. Konting sandali pa ay nakaramdam na ako ng antok. 

See you tomorrow lagnat!

Bumangon ako sa pagkakahimlay ko sa Van — teka? nasa Van parin ako? Tiningnan ko kung anong time na.

10:30 AM pa lang pala — hala 10:30 AM na?!

Hirap akong bumangon dahil bigla akong nahilo atsaka ang sakit ng ulo ko. Paktay ako nito kay Sir. Tonio. Nako late na ako! Pinilit kong bumangon at naglakad papasok ng Mansion ng mga Elisher.

"Grabe ang lamig ngayon." sabi ko sa sarili ko. Hindi ata ako sanay sa Aircon kaya ganito.

Inabot na pala ng umaga ang tulog ko sa Van? Hindi nanaman ako naka-uwi jusko. Sayang ang binabayad ko sa renta ko sa apartment ko, di ko naman masayado nauuwian. Kumatok ako sa pinto at agad naman itong nagbukas.

"Oh hija? Ayos ka lang? Bakit parang namumutla ka?" anang sakin ni Manang. Ngumiti lang ako sakanya.

"Goodmor— Hatchu!" agad naman napalayo si Manang sa akin. Agad namang hinawakan ni Manang ang noo at leeg ko. Agad syang nagulantang.

"Ay susmiyo! Ang init mo. Magpahinga ka muna dun sa Guest Room. Hintayin mo ko at dadalhan kita ng gamot mo ha?"

"Ano ka ba Manang, okay lang ako. Lagnat laki lang yan hehe." pagagalitan pa sana ako ni Manang nang biglang may sumingit na isa pang kasambahay dito ng mga Elisher.

"Aphro, pinapatawag ka ni Sir Trojan sa kwarto nya." wika nito. Agad naman akong naglakad papa-akyat.

Si Manang talaga ang OA. Lagnat laki lang siguro 'to o kaya naman tinutubuan ako ng ngipin.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon