CHAPTER 12

1.3K 75 7
                                    

( PLEASE LISTEN TO THE MUSIC 'RIVER FLOWS IN YOU' WHILE READING THE SPOKEN OF ANDY )

————————————————

Aphrodite's POV

"Pwede ba akong humingi ng favor sayo?"

Napatingin naman ako sakanya. "Sure. Ano ba yon?"

"Kasali kasi ako sa Spoken Poetry Contest 2020."

Sa sandaling yon, yung kanina kong tuwa ay napalitan ng lungkot. May naalala lang akong isang tao na di ko na dapat inaalala pa.

Napayuko ako atsaka ngumiti sa kawalan. Isa sya sa happy memories ko na nagpapalungkot sa akin.

Hindi naman ako dati mahilig sa mga tula pero may isang tao na nagpabago ng isip ko na ang mga tula ay isang napakagandang sining at dapat bigyan ng pansin.

Just like what I said earlier he's my happy pill, kaso nag-expired na.

Naa-alala ko pa nung binibigyan nya ko halos araw araw ng mga tula. At lahat ng iyon patungkol sa akin, ako lang ang paksa. Kaya naman kilig na kilig ako sakanya. Inlove na inlove ako sakanya, sya lang kasi yung taong naka appreciate sa kung anong meron ako. Tanggap nya kung ano lang ako at yung mga imperfection ko.

Masaya kami, sobrang saya namin— dati. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sakanya para pagiwan nya ako. Basta ang sinabi nya lang sakin, ayaw na nya at sawa na sya sa akin. Wala akong ibang nagawa kung hindi tanggapin abg katotohanan. Pinalaya ko sya, okay lang sa akin. Wala eh, tanga eh. Ilang buwan ang nakalipas at muli syang nagparamdam sa akin.

Tuwang-tuwa ako nung gusto nyang makipag kita sa akin. Akala ko makikipag balikan sya pero akala ko lang pala. Binigyan nya ako ng isang magandang papel. Hulaan nyo kung ano?

Hindi sya bill ng mga nagastos nya sa akin at hindi rin sya bill ng kuryente. Isang invitation. Oo invitation.

Invited ako sa kasal ng fiance nya. Kita ko sa mga mata nya na masayang masaya sya kasi sawakas ikakasal na sya. Ikinasal sya sa anak ng kumare ng nanay nya.

Dati ayaw nya. Pinaglalaban nya talaga sa pamilya nya ang relasyon naming dalawa pero wala na pinatulan na nya yung fix marriage.

Sabagay, sino ba naman ako? Hindi na nga kagandahan, hindi pa mayaman. Nagmamahal lang naman ako. Nagmamahal lang.

"Aphro okay ka lang?"

Shet. Kausap ko nga pala si Andy kung saan saan na dumako itong isip ko.

"O-Oo. Sorry, iniisip ko lang kung anong susuotin ko bukas." pagsisinungaling ko.

"HAHAHA! Wala kasi akong kasama bukas eh, busy sina mama sa babuyan namin." sabi ni Andy.

"Wag kang mag-alala. Support ka namin bukas. Kung gusto mo pagawan ka pa namin ng tarpaulin eh." pagyayabang ko sakanya at natawa naman sya.

Nagpaalam na sya na matutulog na sakto namang pumasok si Trojan na pinapatuyo ang buhok nya.

Humiga na ako at pinilit makatulog.

                       ~●~●~●~

"Hoy bruha. May liptint ka?"  tanong sa akin ni Trojan habang nagsusuklay ako. Kunot noo ko naman syang nilingon. "Bakit?"

"Malamang pahingi ako." aniya sabay irap. Konti na lang dudukutin ko na mata nyan tas aadobohin ko.

"Eto oh." sabi ko sakanya. Hindi ako tumayo, iniaabot ko lang yung liptint. Sinamaan nya lang ako ng tingin. "Mag-adjust ka aba, baka nakakalimutan mo amo mo parin ako!"

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon