Chapter 40

1.1K 61 2
                                    

APHRODITE'S POV




"OWEMJI! Talaga? Hindi nga seryoso?" Excited kong sigaw bahang niyuyugyog si Trojan.





"Oo nga, kulit." Aniya sabay talikod sa akin tapos type ulit sa laptop nya.

Owemji! Hindi ko aakalaing makakapunta na ako sa Puerto Galera! Sa buong buhay ko kasi hindi pa ako nakakapunta sa Puerto, Palawan, Boracay at Tagaytay. Syempre, wala naman akong pera para makapunta dun.

Ang sabi daw kasi nina Lolodad ay gusto nilang magbakasyon kasama ang buong pamilya at ang ilang malapit na kaibigan ng mga Elisher. Ilang taon na din daw kasi simula nung makapagbakasyon sila sa Boracay at Tagaytay. Sana all diba? HAHAHAHA!

So ayun na nga, bukas na ng umaga ang alis namin. Mas maaga, mas maganda raw. Kasi kapag maaga kaming makakarating dun ay pwede pa kaming mag-gala pagdating dun.

Shems. Ano kayang susuotin ko? Eh kung mag two piece kaya ako para maakit ko si Yojan? First time kong makakarating dun kaya naman susulitin ko na 'no!

Tumawag na si Sir Antonio sa Dean ng AUE para i-excuse kami ng ilang araw. Sabay-sabay na lang kaming kukuha ng hand outs namin kapag naka-uwi na kami.

Hmmm? Ano kayang susuotin ko? Try ko kayang maghanap ng pang summer na damit sa mga dating damit ni Trojan? Lumapit ako sa kanya atsaka inilapit ang mukha ko sa harapan nya par sakin sya tumingin.

"Psst. Bakla, bihisan mo ko bukas?"

"Wtf? Wala ka bang kamay para ---"

"Tongek! Ang ibig kong sabihin eh, ikaw pumili ng dadalhin kong damit para bukas. Gusto ko yung sexy para mapansin ako ni Yojan." Nakangiting wika ko sa kanya. Hindi ko mapigilang ngumiti sa sobrang excited para bukas! Shete! Baka hindi ako makatulog nito.


Sinamaan nya ako ng tingin. Inilapat nya ang buong palad nya sa mukha ko atsaka inisod paalis sa harapan nya. Grabe, ngayon ko lang na-realize na ang laki pala ng kamay nya dahil sakop na sakop nito ang buong mukha ko.

"Tsk. Don't talk to me." Maikling sagot nya sa akin atsaka kunot ang noong nag-type ulit sa Laptop nya.

Napa-pout tuloy ako. Haaaay! Wala ata akong masusuot na maayos bukas ah? Hayst. Baka hindi pa ako makasama. Char!

Padabog akong tumayo atsaka nagtungo sa veranda nya. Grabe, ang sama ng ugali nya. Pasimple kong kinuha ang phone ko at dahan-dahang isinarado ang pinto dito sa veranda para hindi nya marinig.



Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Yojan simula nung  araw na nag-away ang magkapatid. Sa totoo lang, naluluha ako sa tuwing kakausapin ko sya tapos iiwasan nya ako na parang wala ako sa paligid. Gago, ang sakit kaya non.


Minsan iniisip ko na lang na nagtatampo lang sya at gusto lang ng suyo ko pero sinasampal talaga ako ng katotohanan na ayaw na nya talaga sakin at ang masaklap pa dun ay wala ng kami dahil lang sa hindi malaman na dahilan. Nyeta, eto na naman ang pisteng luha ko.


Agad kong hinanap ang pangalan nya sa contacts ko at nagdadalawang isip kung tatawagan ba sya o wag na lang. Nakapikit kong pinindot ang call button. Shit, eto na nagri-ring na.



Itinapat ko na sa tenga ko ang phone ko habang naghihintay na sagutin nya. Kinakabahan ako puta. Napakapit ako ng mahigpit sa bakal na nagsisilbing harang dito sa veranda.

"Hello?"

Nang marinig ko ang boses nya ay tila nawalan ako ng hangin sa buong katawan. Parang umurong bigla ang dila ko. Namimiss ko lalo ang boses nya.  Shit. Anong sasabihin ko? Anong sasabihin ko? Aphro isip, isip, isip!


Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ