Chapter 30

1.1K 68 14
                                    

Aphrodite's POV

"Aphrodite ano na? Gogorabels na tayo!"

"Saglit lang! Nagsusuot pa ko ng sapatos eh!"

Alas kwatro na ng umaga nang gisingin ko sya para mag jogging. Maliban sa pagjo-jogging ay may iba pa akong gustong ipagawa sa kanya.

Isinisintas ko na ang sintas ng sapatos ko nang agawin nya ito mula sa akin at sya mismo ang nagsintas.

Napatingin ako sakanya. Magkalapit ang mukha naming dalawa ngunit ang tingin nya ay nasa sapatos at ako ay nakatingin sa makinis nyang mukha.

Nanghihinayang ako sakanya. Alam mo yun? Ang gwapo nya as in kaso bading. Sa 7.8 Billion na tao dito sa mundo dumagdag pa sya sa mga sayang na tao.

Isa sya sa nagpapatunay na walang taong perpekto. Gwapo sya kaso ang kamalian nya bakla sya, yung iba naman lalaki nga kaso di kagwapuhan. Yung iba naman may kotse na pero nangangarap pang magkaroon ng sarili nilang helicopter. Paano pa kaya yung mga taong motor lang ang meron? Paano pa kaya yung bike lang ang meron? Isipin nyo na lang yung mga lumpo na nakaupo lang at nangangarap na makapag bike, makapag drive ng motor, makapag drive ng kotse diba?

Lahat ng tao may kamalian, may isang patak ng pagkakamali ba? Sapat na ang mga dahilang yun para masabi nating walang taong perpekto sa mundo.

"Oh yan, gora na tayo!"

Pag labas namin sa kwarto ko ay nakasalubong namin si Manang na kagigising lang. Napatingin sya sa aming dalawa. Pinagmasdan nya kami mula ulo hanggang paa. Sinipat nya pa kung tama ang nakikita nya at hindi panaginip lang.

"Oh bakit ang aga nyo naman nagising? Atsaka bakit ganyan ang suot nyo? Sabado ngayon ah?" sunod-sunod  na tanong nya sa amin.

"Ah Manang may pupuntahan kami ngayon. Sige Manang, una na kami!"

Umalis na kaming dalawa. Hindi pa man kami masyadong nakakalayo sa Mansion ay hinihingal na ako. Bwisit!

Patagal ng patagal ay naging matunog na ang paghinga ko. Para akong kakapusin ng hininga. Ang bilis na rin ng tibok ng puso ko.

"Uy girl ayos ka lang?"

Huminto sya kaya napahinto na rin ako. Napahawak ako sa dibdib ko. "Magpahinga muna kaya tayo?"

Gaya ng sabi nya ay nagpahinga muna kami saglit. Nang umayos na ang pakiramdam ko ay muli kaming nagjogging.

"Hanggang saan ba 'tong tatakbuhin natin ah?"

"Basta. Medyo malayo pa, kaya chill ka lang." Sabi ko sakanya.

Para daw hindi boring habang nagjo-jogging kami nire-review nya ako. Alam mo yung nakakamangha sa kanya? Lahat ng tanong saulo nya miski ang mga sagot.

Kahit papaano'y nakasagot ako sa mga tanong nya. Sabi ko sa inyo genius talaga ako eh, hindi ko lang talaga masyado ginagamit ang katalinuhan ko. Naka reserve sya para sa exam.

Tiningnan ko sa phone ko kung anong oras na. 4:54 na ng umaga. Akala ko isang oras na ang nakakalipas hindi pa pala.
Habang tumatakbo kami ay may natatanaw akong kung ano sa di kalayuan. Sinipat sipat ko ito, dahil sa medyo madilim pa ay hindi ko ito makita ng ayos.

Papalapit na kami ng papalapit at nakikita ko na kung ano yun. Putangina, isang puting aso. Naka abang sya sa gilid at animoy inaabangan kaming dumaan.

Hindi kaya habulin kami nito. Pasimple akong lumipat sa kaliwa kung saan malayo sa aso.
Iba pakiramdam ko asaong yun kaya naman sinabi ko yun sakanya.

"Jusko! Aso lang yan, hindi tayo hahabulin nyan. Tss napaka duwag mo naman!" Tanging sagot nya sa akin. Hindi na ako umimik hangang sa palapit na nga kami sa asong tinutukoy ko.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now