Chapter 28

1.1K 58 8
                                    

Aphrodite's POV

"Class Dismiss!"

Nagmamadaling lumabas ng room namin si Sir na akala mo'y may late na sa meeting. "Be samahan mo nga ako sa C.R, kanina pa kasing parang sasabog ang pantog ko kakapigil sa ihi ko." Sabi ni Mellissa sa akin habang magka-cross ang kanyang binti dahil sa pagpipigil.

"Sina Melly na lang ang isama mo, inutusan kasi ako ni Sir Atom na ilagay 'tong mga hiniram nyang book sa library."

Sya nanghiram tapos sa akin iuutos. Tamad talaga eh 'no? Mema utos lang talaga. Limang librong makakapal pa ang napili nyang hiramin, jusko. Daig ko pa ang may bitbit na barbell.

"Sige be samahan nyo ko, di ko na talaga kaya!"

Hinila na nya sina Melly at Cheska. Kaming apat na lang nina Yojan ang nandito. "Oh girl, hintayin ka na lang namin sa Cafeteria ah. Gogora na kami ni Dave, babush!" Aniya atsaka umalis.

"Tulungan na kita ---"

"Nako hindi na, sumama ka na sa kanila. Hintayin nyo na lang ako dun, saglit lang naman ako."

"Are you sure?"

Tumango naman ako bilang tugon. "Fine, bilisan mo ah?" aniya pa at lumabi. Paran tanga, nagpapacute sa akin. Pinisil ko ang pisnge nya.

"Ikaw talaga. Sige na, bye!"

Naglakad na ako paalis. Pilitin ko mang hindi isipin ang sinabi sa akin ni Sir Antonio kanina ay kusa ko itong naiisip. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ako. Wala pa akong plano. Ang hirap masyado ng sitwasyon ngayon. Paano ko gagawing lalaki agad si bakla nang hindi nya nalalaman na set-up lang ang lahat ng ito para magtino sya?

Argh! Dapat maka-isip na ako. Aphro, mag-isip ka! Masyado ng kinalawang ang utak ko, tagal ko na kasing hindi ginagamit eh. Char.

Pumasok na ako loob. Ibinigay ko ang mga libro na hiniram ni Sir kay Miss Ikay, kapatid ni Sir Atom. Lalabas na sana ako nang biglang may humablot sa braso ko atsaka ako dinala sa pinaka sulok ang library. Si Trojan pala, akala ko sina Stacey na naman eh.

Palinga-linga sya na akala mo'y may tinataguan. Nang makita nyang wala ng tao na malapit sa amin ay saka nya ako hinarap.
"Bakit ka ba bigla na lang nang hahablot ha? Ang sakit kaya?" reklamo ko sakanya.

"Ano kase..."

"Ano?"

"I have a problem and naisip ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin."

Napalingon kaming dalawa sa kaliwa nang mapansin naming may tao kaga agad kaming kumuha ng libro at kunwari ay nagtitingin.

"Bakit ka ba nagtatago ha? Nagnakaw ka ba? May ni-rape ka? ---"

"Gaga! Ako mangra-rape? Sira ka ba?"

Napaisip ako bigla. Ay oo nga pala, bakla nga pala sya. Hehe, sorry nalimutan ko. Sabi ko naman sa inyo kinalawang na utak ko.

"Ay bakla nga pala." Natatawa kong sabi sakanya. Kumuha ako ng isa pang libro. "Ano ba yung problema mo?" tanong ko. Saglit syang hindi nakaimik. Nilingon ko sya at mukhang hindi nya alam kung paano nya sasabihin.

"Importante ba yan? Kasi kung hindi aalis na ko. Gutom na kaya ako." Inis kong saad sakanya.

"I need your help. And you're the only one who can help me with this."

"Sabihin mo na lang kaya ang dami pang paligoy-ligoy eh."

Ibinalik nya yung libro nyang hawak atsaka humarap sa akin.
"Huwag kang mabibigla."

"Oo, ano ba yun?"

"Basta, huwag kang mabibigla?"

"Oo nga kingina naman oh!"

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now