Chapter 39

1K 55 1
                                    

APHRODITE'S POV

Kinabukasan ay umuwi na kami para kunin ang uniform namin dahil may pasok na rin kami. At as usual, sabay kaming pumasok. Ang sabi ni Manang ay ala siyete pa lang ng umaga ay umalis na si Yojan. Ang aga naman nya masyado eh 10:00 AM pa naman ang klase namin.



Excited akong pumasok dahil makakasama ko na si Yojan after ng araw na nagkainitan ang dalawa. Nasa hallway kami nang salubungin kami nina Stan. Nagbeso-beso sila. At syempre dahil sikat ang mga kasama ko ay maraming bumabati sa kanila. Pagkatapos nilang batiin ang apat ay tataasan nila ako ng kilay o kaya naman pagbubulungan ako na akala mo naman kung sinong magaganda.




Imbis na ngitian ni Trojan ang mga bumabati sa kanya ay ini-snob nya lang ang mga 'to. Famous talaga ang baklang 'to eh 'no? Ganda-gandahan din eh.


Kailan kaya may babati sa akin ng ganon?


"Hi Aphro! Ang ganda mo ngayon ah?"


Napangiti ako bigla nang batiin ako ni Justine. Naks naman, nambobola pa eh, may kailangan siguro ito sa akin.


"Hala sya, hindi naman. Sobrang ganda lang." Biro ko sabay hampas sa braso nya. Natawa kami pareho dahilan para samaan ako ng tingin ng mga babaeng nakatitig sa amin. Kasalanan ko bang lapitin ako ng mga gwapo dito sa Campus? Char. HAHAHAHA! Bahala sila, mainggit sila!




"By the way? Free ka ba mamaya after ng lunch?"



Wait? Yayayain nya ba akong mag-date? Shems. Pasensya na Justine pero hindi porke gwapo ka ay makukuha mo agad ako? Sorry pero kay Yojan lang ako kakalampag. Hehe.



"Oo, bakit mo natanong?"




"Yayayain sana kita luma---"




"Sorry but she's busy doing her fucking lectures, re-search and her job." Singit bigla ni Trojan at pinaglayo pa kaming dalawa ni Justine. Problema nito?


Tapos na ako sa lectures ko tsaka duh wala kaya akong re-search na gagawin. Etong baklang 'to pwedeng maging writer, galing gumawa ng kwento eh.


"Kung gusto mo ako na lang isama mo?" Dagdag pa nya.



Ay ayon! Kaya naman pala, selos si bakla. Oo nga pala, nalimutan kong ultimate crush ni Trojan 'tong si Justine. Tsk.



May pusong babae parin talaga sa kanya eh 'no? Tss. Akala ko lalaki na. It means, matatagalan pang matapos ang misyon ko. Jusko!



"A-Ah hindi na pala. Busy din pala ako mamaya hehe."




Gusto ko na sanang tumawa dahil napahiya sya pero bigla ako nitong sinamaan ng tingin kaya pinigilan kong hindi humagalpak ng tawa. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang tawang gusto ng lumabas sa bibig ko.



"Ahm sige Aphrodite, aalis na kami." Paalam nya sa akin atsaka umalis kasama ang tropa nya. Nauna nang naglakad si Trojan matapos mapahiya. Tahimik naman kaming tumatawa sa likod nya nina Stan.



Nang makarating na sila sa room nila ay pumasok na ang mga bakla except kay Trojan.


"Hindi ka pa ba papasok?" tanong ko.



"Hatid na kita. Let's go."



Hatid daw pero nauuna syang maglakad. Bobo amp. Tatakbo naman akong sumunod sa kanya. Saka ko lang na-realize na first time nya akong inihatid sa room ko.



Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu