CHAPTER 13

1.4K 70 9
                                    

Aphrodite's POV

Tanghali na akong nagising at talaga namang nahihilo-hilo parin ako. Napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Ay anak ka ni papay!" sigaw ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin.

"Putangina."

Agad akong nagpuntang C.R atsaka naghugas ng mukha. Nakakabwisit! Sino ba namang hayop ang nag drawing sa mukha ko? Mukha bang papel mukha ko ha?!

Kumuha ako ng sabon at ang tanging sabon na nandito ay bareta. Punyeta, talo talo na 'to. Mabura lang 'tong drawing sa mukha ko.

Pentelpen pa ata ang ginamit nyeta!
Ang hapdi na ng mukha ko at may bakas parin ng drawing ang mukha ko. Ilang minuto pa ay nabura na din.

Lumabas na ako ng banyo atsaka sinugod si Trojan. Alam kong sya lang ang hayop na gagawa nito sa mukha ko.

"Hoy! — " natigilan ako nang makitang nandun lahat sa salas ang mga tito ni Trojan na nanonood ng PBA. Lahat sila takang-takang nakatingin sa akin.

"Pinoy ako." dagdag ko. "Pasensya na po, kumakanta lang po ako hehe." kakamot-kamot sa ulo kong paliwanag. Natawa naman ang mga ito. Mukhang wala dito si Trojan. Nasaan na ba ang walang hiyang baklang yon?

Nasaan sina Andy? Bakit kaya wala sila dito?

"Si Trojan ba ang hinahanap mo hija?" tanong ng isa sa tito ni bakla na nakangiting nakakaloko. Tumango na lang ako. "Nandun siya sa likod ng bahay dun sa may puno ng mangga." sabi nya sa akin. Agad akong nagpasalamat sakanya.

Natanaw ko na agad si Trojan. Nakatalikod sya sa akin kaya naman di nya ko nakikita na papalapit na sakanya. Magsasalita na sana ako ng bigla akong makarinig ng nagsasalita.
May kausap ata sya.

"Aray kuya masakit."

"Ganyan talaga sa una, hindi na masakit yan kapag sanay ka na."

"Aww kuya, wag mo pong diinan."

"O sige dadahan-dahanin ko."

"Wait lang kuya, feeling ko dudugo na e."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa mga narinig ko. Ow may gulay! Anong ginagawa nila? At ang lakas naman ng loob nilang dito pa gumawa ng kababalaghan?! Base sa boses ng kausap ni Trojan ay mukhang bata pa ito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Sasabihin ko 'to sa daddy nya!
Child Abuse kang bakla ka!

"Ang kapal naman ng mukha nyo —"

Natigilan ako bigla sa nakita ko. Kunot noo akong tiningnan ni Trojan.
"Hi po ate!" bati sa akin ni Kendra na anak ni Tita Luisa.

"A-Akala ko n-nag aano —"

"Ano bang ginagawa mo dites ha bruha ka?"

"Bakit mo dinrawingan yung mukha ko ha?"

"Ah yun ba? HAHAHA ganti ko lang yun sa pagpapahirap mo sa akin kagabi duh! Buti nga yun lang ginawa ko sayo e. Tss."

Ginawa sakanya? Luh? Wala naman akong ginawa sakanya. Napaka sinungaling talaga ng baklang 'to ginagawa pa akong masama.

"FYI, wala akong ginawa sayo kagabi no? Natulog lang kaya ako. Tsaka paano mo naman nasabi na pinahirapan kita ha? Sabihin mo nga?"

"Talaga ba? Eh ano kaya 'to?" sabi nya atsaka inilabas ang cellphone nya mula sa bulsa nya.

May plinay syang video at nakita ko ang dapat di ko makita. Potek. Ako ba talaga 'to? Hala parang tanga. Nigagawa mo cyst?

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now