CHAPTER 7

1.6K 87 17
                                    

Aphrodite's POV

"Kuya dito na po!" sigaw ko sa jeepney driver. Wala akong sinipot ni isa sa kambal dahil may date talaga ko ngayon atsaka day off ko ngayon kaya naman may karapatan akong umalis no.

Pagbaba ko ng jeep ay talaga namang nakahinga ko ng maluwag dahil sa sobrang sikip sa loob ng jeep. Napaka sinungaling talaga nung kundoktor, sabi 'Isa pa! Isa pa aalis na!'

Eh sikip naman na pero tuloy parin sa pagtawag ng pasahero bwisit! Inayos ko yung buhok ko na nagbuhaghag na at saka ako pumasok sa loob ng park kung saan kami magkikita ng katext ko.

Palinga-linga ako sa paligid. Ang sbai nya sakin naka blue na polo daw sya tas ripped jeans pero wala naman akong makitang nakaganon dito.

Marami-rami din ang tao dito dahil linggo ngayon. Maraming magdadate, mamamasyal, tutulog, magpi-pictorial etc. Konting sandali pa ay may natanaw ako sa di kalayuan na lalaking naka blue polo.

Ow may gulay!

Likod pa lang halatang gwapo na. Grabe! Isipin mo yun, yung ganitong mukha nakabingwit ng isang Tuna sa dagat.

Lumapit ako dito. "Excuse me, ikaw ba yung —"

"Aphro?"

"Yojan? Anong ginagawa mo dito?"

"W-wala namamasyal lang, ikaw?"

Hayop naman. Akala ko pa naman sya na yung katext ko. Hayst. Nasaan na ba yun? At ako pa talaga ang naghintay sakanya ah? Ayos yun ah.

"May hinahanap kase ak —"

"Yung kadate mo?"

"Oo."

Pinaupo nya muna ko sa tabi nya, sumunod naman agad ako dahil nangangalay na din ako sa pagtayo ko.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan. Tawa don, tawa dito tawa everywhere! Nakakahiya na nga masyado dahil ang lakas ng tawa ko kaya naman napapatingin samin yung mga dumadaan.

Hindi namin namalayan na 1:00 na pala kaya naman nagkayayaan kaming pumunta sa isang Restaurant. May kalayuan ang pinuntahan naming restaurant sa park, marami daw kasing masarap na pagkain dun, good news libre nya daw kaya syempre ako na si patay gutom sumama agad.

Hindi pa kami nakakapasok sa loob ay naaamoy na namin ang masarap na amoy mula dun sa restaurant.

"Yes Ma'am, Sir? What do you want to order Sir?"

Hindi naman sya yung restaurant na as in bonggang bongga pero marami ang kumakain dito. Simpleng restaurant lang sya, parang karinderya ang tinda nila pero may halo ding di pamilyar na ulam.

Ah basta gutom ako!

"Anong sayo Aphro?"

Napatingin naman ako sa Menu. Lahat naman ng nandito masarap kaya nahirapan akong pumili. Dahil medyo naiinip na yung waitress di na ko pumili pa.

"Kung ano sayo, yun na din yung akin." sambit ko sakanya.

Napakamot sa ulo si Yojan. Natawa naman ako.

"Hey Aphro, Let's take a picture?"

Agad naman akong pumayag. Bahagya syang tumagilid para makakuha sya ng litrato kasama ako.

"Okay, Wacky naman!"

Imbis na magpose ako ng naka wacky ay ngumiti lang ako.

"Sabi ko Wacky hindi smile!" aniya.

"Kahit naman kase naka ngiti or seryoso mukha ko nakakatawa na ko. Hindi ko na kailangan pang mag wacky. Ampanget ko kasi. Haha." sabi ko sakanya habang natatawa.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ