Chapter 35

1K 58 19
                                    

APHRODITE'S POV

Dalawang linggo na kaming nagpre-pretend ni Trojan na magjowa at dalawang linggo na rin kaming walang imikan ni Yojan.

Simula nung nalaman nina Samantha na magjowa kami ni Trojan ay hindi na nya ako pinansin pa. Kapag kapag kakausapin ko sya nage-earphone sya bigla, kapag naman magkasama kami hindi nya ako iimikan na para bang wala ako. Hindi na nya ako iniimikan tulad dati kapag magkasama kami.

Sa tuwing may freetime naman ako ay pinupuntahan ko sya sa kwarto nya pero lagi itong naka-lock. Hindi na sya tulad dati. Natatakot ako sa tuwing kukulitin ko sya tapos tititigan nya lang ako ng walang kaemo-emosyon.

Kung dati si Yojan ang sinasamahan ko sa tuwing hindi ko magets ang mood ni bakla ngayon sya na mismo ang hindi ko maintindihan kaya naman si Trojan na ang palagi kong kinakausap at sinasamahan.

Minsan nga nababalitaan ko na lang kay Marietta at Kuyang driver na palaging lasing si Yojan. Gusto ko man syang lapitan pero sya mismo ang lumalayo sa akin.

Minsan naiisip ko na lang na sobrang pangit ko na sa paningin nya kaya nya ako iniiwasan. Namamalayan ko na lang sa tuwing natutulala ako na tumutulo na pala ang luha ko.

"Oh bruha? Ano na naman ang iniiyak-iyak mo dyan?"

Agad kong pinunasan ang luha ko atsaka hinarap syang naka-ngiti. Ayokong makita nyang umiiyak ako, tatawanan nya lang ako pag nagkataon.

"H-Ha? Hindi ako umiiyak gaga. Nakikipag Staring Contest kasi ako sa araw." Sabi atsaka suminghot dahil nararamdaman ko na ang sipon ko na tutulo. Ayoko naman maglamutak mukha ko sa sipon 'no.

"Bitch, I know you're crying. Tsk."

Gulat ko syang nilingon na ngayon ay naka-upo sa tabi ko at nakatingin din sa akin. 

"P-Paano mo nalaman?"

"Gaga ka talaga. Staring Contest daw sa araw eh umuulan oh." Itinuro nya pa yung glass wall na basang basa ng tubig ulan. Lalo akong nalulungkot dahil sa panahon.

Hindi na ako umimik at tumitig na lang ulit sa glass wall nila. Ito talaga ang pangalawang favorite place ko sa buong Mansion ng mga Elisher eh. Maganda kasi dito umaga man o gabi.

Sa umaga makikita mo ang magandang sinag ng araw at ang mga ibon na lumilipad. Sa gabi naman makikita mo ang buwan at ang mga libu-libong bituin na kumikinang tuwing sasapit ang gabi. Wala lang, ang ganda lang dito magrelax-relax.

"Is that because of Yojan?"

Kapag naririnig ko ang pangalan nya naaalala ko ang pag-iwas nya sa akin. Nasasaktan ako ng very light. Muli na namang nag-unahan sa pag patak ang aking mga luha.

Alam nya na rin naman na umiiyak ako, edi itutuloy ko na ang naudlot kong drama moments. Tuluyan na akong umiyak. Hindi ko na pinansin pa kung anong magigkng itsura ko basta iiyak ako kasi gusto ko!

Ang sakit kaya ng ginagawa nya sa akin. Isipin mo na lang na ginawa kang tulay ng crush mo para mapalapit sa bestfriend mo.  Oh diba? Ang sakit?

Hindi ko maintindihan si Yojan. Dati naman hindi sya ganyan sa akin. Kahit kailan ay hindi nya ako ginanyan, ngayon lang nangyari 'to.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya naman umiyak na talaga ako. Bakit ba sya ganon sa akin? Ano bang nagawa kong mali sa kanya para tratuhin nya ako na parang kahit isang beses hindi nya ako minahal. Nagmumukha na akong tanga sa kakapapansin sa kanya.

Nagulat ako nang bigla nya akong yakapin kaya naman lalo akong naiyak dahil bigla kong naalala ang pagyakap sa akin ni Yojan nung mga araw na ayos pa kami. Niyakap ko din sya pabalik. Namimiss ko na ang yakap nya nyemas!

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now