Chapter 48

182 12 3
                                    

Paulit-ulit na kinokontak ni Eduardo ang number ng nag-message sa kanya pero hindi nito iyon sinasagot. Matapos ang salo-salo nila ay agad siyang nagpunta sa hardin kung saan ay walang makakarinig sa kanya kung saka-sakaling sagutin ng tinatawagan niya ang phone.

Nag-message siya rito.

'Sino ka?'

Matapos ang ilang segundong paghihintay, na-received na niya ang reply mula rito.

'Hindi mo ako kilala. Pero kilalang-kilala kita at ang lahat ng bahong tinatago mo.'

Nag-reply siya rito.

'Magpakilala ka! Sino ka! Hindi mo ako madadaan sa takot!'

'H'wag kang mag-alala, hindi kita tinatakot. Tototohanin ko ang sinabi ko kapag hindi mo pa rin kami tinigilan.'

'Hindi kita maintindihan. Hindi nga kita kilala at wala akong matandaan na naging atraso ko sa 'yo.'

Matapos iyon ay hindi na muli nag-reply sa kanya ang kausap.



Matapos tulungan nina Rosita, Jan at Julius si Rina sa paglilinis ng mesa at paghuhugas ng mga platong pinagkainan, hindi na rin nagtagal ang mga ito at tumuloy na pauwi. Pati sina Dr. Steve, Eduardo at Cliff ay nagpaalam na rin. Balak pa nga sana ni Rina na maglinis sa mansion nang bigla siyang kabigin sa bewang ni Theo.

"Theo, bakit?"

"Wala lang, gusto lang kitang makausap."

"Bakit naman?"

"Wala lang. Hindi mo kasi nabanggit sa 'kin kung ano'ng nangyari sa papa mo. Alam mo na lahat-lahat ang tungkol sa 'kin pero wala akong alam tungkol sa 'yo."

"A, e. Maglilinis pa sana ako."

"Mamaya na 'yan. Mas gusto kitang kakwentuhan ngayon. Please, Rina."

Hinatak siya ni Theo paakyat sa hagdan kung kaya't nakasalubong nila sina Armando at Caridad na pababa na rin ng hagdan.

"Aalis na kayo, Dad?"

"Oo nak, marami pa kaming naiwang gawain sa hotel."

"I will help."

"No, magpahinga ka muna sa ngayon. Okay naman na ang hotel sa Manila. All are settled kaya wala ka nang dapat ipag-alala."

"But, I want to help, Dad."

"Are you sure? Okay na ba sa 'yo ang lumabas ulit?"

"Yes, as long as nandito si Rina sa tabi ko."

"Kung 'yan ang gusto mo. I'll support your decision." 

Napatingin si Armando at Caridad sa magkahawak-kamay na sina Rina at Theo. Nang mapansin naman iyon ni Rina ay sinubukan pa niyang alisin ang kamay ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Theo sa kanya. 

"Malapit na talaga kayo sa isa't isa. Ano na bang status ninyo?" pagbibiro pero may lamang tanong ni Caridad. Pabor kasi siya sa relasyon ng dalawa.

Nag-iwas ng tingin sina Theo at Rina. Napatingin si Rina sa bandang kaliwa at sa kanan naman si Theo.

"A, e," si Rina.

"We both in love to each other," kamapante namang sabi ni Theo na ikipinanlaki ng mata ni Rina. Abot-langit ang ngiti ni Caridad sa sinabi ni Theo, si Armando naman ay nagpanggap na umuubo upang pigilan ang nagbabadyang ngiti.

"We're not against in your relationship pero I hope na ano man ang mangyari ay hinding-hindi ninyo iiwan ang isa't isa. Ano man ang dumating na pagsubok sa inyong dalawa, mas maganda kung magkasama ninyo iyong sosulusyunan. Walang iwanan."

"Yes, Dad."

"By the way Rina, you can call me Dad too."

"Po?" Pinamulaanan ng mukha si Rina.

"Tawagin mo na rin akong Mom, Rina," si Caridad na nakangiti. "Nang magkaroon na ako ng anak na babae."

"Sige po," utal na sagot ni Rina.

"Paano? Mauna na kami. Rina, ikaw na bahala kay Theo. Theo, ikaw na bahala kay Rina. Kayo nang bahalang dalawa sa mansion."

"Ok, Dad."

"Sige po."

Matapos magpaalam ay nagpatuloy na sa pagbaba sina Armando at Caridad samantala nagpatuloy naman sa pag-akyat sina Theo at Rina.

Dumiretso ang dalawa sa silid ni Theo kung saan ay naupo si Rina sa kama at tumabi naman sa kanya si Theo. 

Ang nakakagulat sa ginawa ni Theo ay nang bigla na naman niyang kabigin ang bewang ni Rina upang idamay ito sa paghiga niya. Kaya naman, magkapareho na ang dalawa na nakahiga.

"Ngayon simulan mo nang magkwento."

"Ha? Pa'no ko sisimulan? Sa'n ako magsisimula?"

"Tss. Kapag kay Dr. Steve, marami kang kwento tapos kapag sa akin wala."

"Selos ka na niyan?"

Napangisi si Rina sa inasal ni Theo. Hindi niya talaga maiwasan ang hindi makyutan kapag nagseselos si Theo. Pakiramdam niya ay mahal na mahal siya nito kapag may pinagseselosan ito.

"Nope. Selos na selos." Hinarap ni Theo si Rina sa kanya at mas lalong nilapit pa sa kanya. Hawak pa rin niya ang bewang ng babae.

"Gaano na ba kahaba ang napag-usapan ninyo ni Dr. Steve? Lahat ata alam na niya tungkol sa 'yo."

"Loko ka. Paano mangyayari 'yon? E, bibihira lang magpunta rito si Dr. Steve."

"Okay, too much about Dr. Steve, let's change the topic. Basta ito tatandaan mo..."

"Ano 'yon?"

Nilapit ni Theo ang bibig sa tainga ni Rina. "I am yours and you are mine."

Bahagya pang napakilos si Rina nang maramdaman ang mainit na hininga ni Theo sa tainga niya.

"Okay. Sa 'yo lang talaga ako at akin ka lang," sabi rin ni Rina saka ngumiti. Matapos iyon ay nagtama ang kanilang mga mata at matagal ding nagkatitigan hanggang sa tuluyan na naman silang nagpatangay sa anod ng damdamin kung saan ay namalayan na lamang nila ang mga sarili na unti-unti nang naglalapat ang mga labi.

Mas lalong nilapit ni Theo ang katawan ni Rina sa kanya. Mas nais niyang maramdaman ang init ng katawan ng babae habang nagtatagpo ang labi nila ni Rina. Hindi pa siya nakuntento dahil hindi sinasadyang napisil pa niya ang bewang nito pero hindi naman iyon ikinabigla ni Rina.

Mayamaya pa ay tuluyan na rin silang nagpalitan ng mga yapos at yakap. Mula sa likod ni Theo, unti-unting gumapang ang mga palad ni Rina paakyat sa leeg ng lalaki at kumapit doon. Si Theo naman ay pumusisyon sa itaas ni Rina at mas lalong siniil ng halik ang babae. Ang isang kamay niya ay ginamit niyang pantukod, ang isa naman ay unti-unting tinatanggal ang pang-ibaba ni Rina. 

Hindi rin naman nagpahuli si Rina dahil sinabayan din niya ang ginagawa ni Theo. Tinulungan niya rin sa pag-alis ng damit si Theo. 

The moment they had been both naked, the moment they both granted their body to each other, is also the moment they feel the heaven inside. The warm, luscious, and electrifying emotion began to control their whole system. It is lust, but with love. Everything that everyone wants to have that's why how lucky they are for having these mutual feelings. Those feelings they considered to be blessings.

"I love you, Theo."

"I love you too, Rina."

"Akin ka lang."

"You're mine too. Your heart, your body and your soul are all mine."

Theo gave Rina a smile before he completed his final entrance.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon