Chapter 41

203 11 5
                                    

Magkahawak-kamay sina Theo at Rina sa asotea. Matapos gumaan ang pakiramdam ni Theo, nakumbinsi rin siya ni Rina na lumabas sa silid.

Malaki naman ang pasasalamat ni Rina dahil sumunod si Theo sa kanya kaya ngayon ay nasa asotea silang dalawa at pinagmamasdan ang kalangitan. Kahit lumubog na ang araw, hindi naging hadlang iyon para makakita sila sa dilim sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa mga bituing nagkalat sa kalangitan, idagdag pa ang liwanag ng buwan.

Maaliwalas ang panahon kung saan ay katamtaman lamang ang samyo ng hanging binibigay ng mga puno at halaman mula sa hardin ng mansion. Mula kasi sa kinatatayuan nila ay makikita rin ang hardin. 

"Okay ka na?" tanong ni Rina samantalang lumapit naman si Theo sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"I'm fine as long as you're here."

Bahagyang nakaramdam ng kiliti si Rina sa winikang iyon ng lalaki, idagdag pa ang mainit na hininga nito na dumampi sa gilid ng kanyang tainga.

"Galit ka pa rin ba sa pamilya mo?"

Hindi nakaimik si Theo sa tanong niya sa halip ay mas lalo lamang siya nitong niyakap nang mahigpit mula sa likod na tila ba isa siyang mamahaling kagamitan na ayaw nitong pakawalan. Umiiral na naman ang pagiging gentle na pag-uugali ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kinasasanayan dahil madalang nito iyong ipakita sa lahat.

"Don't leave me again, Rina. Dito ka lang sa tabi ko dahil ikaw na lang ang kakampi ko."

Sumilay ang tipid na ngiti sa labi ni Rina dahil itinuturing siyang kakampi ni Theo at dahil nagtitiwala ito sa kanya. Kaya nga lamang, hindi naman niya makuhang maging masaya nang lubusan lalo pa't ayaw niyang isipin ng lalaki na siya lamang ang puwede nitong masandalan. Gusto niyang maisip nito balang araw na mayroon pa rin itong pamilya na masasandalan kung bibigyan lamang niya ng pagkakataon ang mga ito.

"Hindi mo naman ako sinagot. Galit ka pa rin ba sa kanila?"

Narinig ni Rina ang paglunok ng laway ni Theo.

"Yes I am."

"Hindi mo na ba sila mapapatawad?"

"I'm afraid that they might betray me again."

"Pamilya mo pa rin sila. Kung mayroon man silang nagawang mali, resulta iyon ng pag-aakala na iyon ang makabubuti sa 'yo. Lahat naman tayo nagkakamali ng desisyon. Maging ikaw ay nagkakamali rin kasi may mga bagay tayo na pinipili na tama para sa pananaw natin, mali naman para sa iba. Pwede ring mali sa pananaw natin subalit tama para sa iba...naniniwala ako na ginawa ng mga magulang at ng iba pa ang bagay na 'yon dahil iyon ang inaakala nilang tama o makabubuti sa 'yo."

"They only thinking about themselves. Kahit na makasakit sila, wala silang pakialam as long as makabubuti iyon sa negosyo o sa hotel na pinapatakbo ng pamilya. They are all acting like a selfish. Ang hotel lang ang concern nila."

"Nag-aalala rin sila sa 'yo at sana balang araw makita at maramdaman mo iyon...at sana subukan mo ring intindihin sila."

"Pero hindi nila ako inintindi."

Hindi na nakapagsalita pa si Rina sa huling sinabi ni Theo. Hindi pa niya mapipilit ang lalaki sa isang bagay dahil sarado pa ang puso nito dala ng sugat nang panloloko ng pamilya. Ang maaari niya lamang gawin sa oras na iyon ay ang damayan muna si Theo at intindihin na nagdaramdam pa ito. Panalangin niya na sana maging mabilis ang paghilom ng sakit na nararamdaman nito.

Humawak si Rina sa kamay ni Theo na nakakapit sa tiyan niya. "Ano'ng oras na. Magluluto muna ako ng hapunan natin. Nagugutom ka na ba?"

Umiling-iling si Theo. "Hindi pa naman."

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon