Chapter 14

292 22 12
                                    

Hindi mapakali si Rina sa paraan nang pagtitig sa kaniya ni Theo. Sinusuyod siya nito mulo ulo hanggang paa at pakiramdam niya ay hinuhubaran siya ng mga mata Theo. Binaba niya ang suot na dress na hanggang kalahati ng mga hita niya lamang ang haba. Hindi talaga siya sanay na nagsusuot ng ganoong uri ng damit. Binigay lang sa kaniya iyon ng kaibigan na si Lauren pero hindi niya pa iyon nasusuot. Iyon pa lang talaga ang unang beses na nagamit niya ang damit.

Hindi siya mahilig sa mga dress. Hindi kasi siya makagalaw nang maayos. Ang mga tipo niyang damit ay iyong malaya siyang makakakilos lalo pa't ang uri ng gawain niya o trabaho niya ay mabilisan dapat sa paggalaw. 

"Okay na ba 'tong ganitong damit?" nag-aalinlangang tanong niya. Mabuti na lang talaga at naisama niya ang damit na iyon sa maleta niya nang dumating sa mansion. Iyon lang kasi ang damit na mayroon siya na naaayon sa pupuntahan nila ni Theo. 

"You look great," sabi nito na ikinapanlumo niya dahil hindi naman ito nakatingin sa kaniya kundi sa phone nito.

"Kumusta Rina?"

Napalingon siya kay Dr. Steve na kararating-rating lang sa mansion. Simula nang nangyari ang araw na iyon sa kuwarto ni Theo ay ngayon na lang ito nakabisita muli sa mansion. Pinatong nito ang palad sa ulo niya kaya tumingala siya rito. "Okay lang naman, bakit ngayon ka na lang nakapunta rito?" nahihiyang tanong ni Rina. 

Nginitian siya ni Dr. Steve dahilan naman para makaramdam siya nang matinding kaba kaya nagbaba na lamang siya ng ulo upang hindi nito malaman na na-tense siya sa presensya nito. Ramdam din ni Rina ang pag-iinit ng mukha nang ngumiti ito sa kaniya.

"Ahem." Umubo si Theo kaya napatingin silang dalawa rito.

"Theo, how are you? Sigurado ka na ba sa desisyon mo na lalabas ka na rito?" tanong ni Dr. Steve.

"I have no choice, pero hindi ko rin talaga kayo maintindihan. Noong una ay pinipilit niyo akong lumabas sa mansion pero nang nag-decide naman ako na lumabas na rito para makatulong sa business ay hindi kayo makapaniwala," sabi ni Theo saka tinukod ang kamay sa mesa. Nagtataka lang kasi siya dahil isa si Dr. Steve sa nagpu-push sa kaniya na lumabas ng mansion at i-explore ang mundo sa labas. At kahit na pinapakinggan ng doktor ang mga kuwento niya o ang mga dahilan niya kung bakit siya tumatanggi sa paglabas, nangangamba  pa rin siya sa tumatakbo sa utak nito. 

"Nag-aalala lang naman ako sa 'yo dahil baka binibigla mo lang ang sarili mo kahit hindi ka pa handa," paliwanag naman ni Dr. Steve.

Salit-salitang tinitingnan ni Rina ang dalawang lalaki sa harap niya. Hindi siya makasabay sa usapan ng dalawa kaya wala siyang magawa kundi ang manahimik na lang at ang matiim na makinig.

"Kaya ko na ang sarili ko, don't worry kapag nagawa kong magtagal sa labas ay hindi mo na kailangang magpabalik-balik pa rito," may hinanakit na sabi ni Theo. Naghihinala kasi siya sa doktor dahil maaaring ito ang nag-frame up sa kanila ng ina dahil ito pa lang naman ang napagsasabihan niya ng tungkol sa nararamdaman niya para sa ina.

Samantala, makikita naman ang pagtataka sa mukha ni Dr. Steve sa sinabi ng pasyente. Pansin ng doktor ang hindi maayos na pakikipag-usap ng huli. Hindi naman kasi ito ganoon magsalita dati kaya iyon ang pinagtataka niya lalo.

"May hinaing ka ba sa akin Theo? Parang ayaw mo na akong papuntahin dito," pagbibiro ni Dr. Steve na bahagya pang siningkit ang mata upang mabasa ang iniisip ng lalaking nasa harap.

"Wala naman. Nag-aalala rin ako sa 'yo na baka napapagod ka na kakapunta mo rito," sarkastikong sagot ni Theo pero hindi kumbinsido si Dr. Steve sa sinabi nito. Sabagay, wala naman ginawang masama ang doktor sa lalaki kaya wala itong dahilan para magalit sa kaniya.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon