Chapter 3

440 48 49
                                    

Maraming bata ang umiiyak sa paligid niya. Pare-pareho ng sinisigaw, hinahanap ang kanilang mga magulang. Umiyak na rin siya.

Lumapit sa kaniya ang isang babae. Hinawakan siya nito sa buhok at kinaladkad papunta sa madilim na silid...

"Theo!"

Nagmulat si Theo ng mata at tumambad sa harap niya ang mukha ng isang babae. Napatayo siya at natulak ito sa kama. Huli na nang matauhan siya at makilala kung sino iyon dahil tuluyan nang natumba ang babae dahil sa ginawa niya.

"Ba't nandito ka?" tanong niya kay Rina saka mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga.

"Narinig kasi kita na sumisigaw kaya nag-alala ako," sagot naman nito habang tumatayo. Pinagpag at inayos din nito ang nagusot na damit.

Kinusot niya ang bed sheet at yumuko. Napanaginipan niya na naman ang pangyayari noon. Gusto niya nang makalimutan ang bagay na iyon pero paulit-ulit iyong nagpapakita sa kaniyang panaginip.

Lumapit siya sa pintuan. "Labas," sabi niya bago binuksan nang malaki ang pinto. "Do not enter my room without my permission. Don't forget to knock," bilin niya na tinanguan naman ni Rina.

Nang tuluyan na itong makalabas ay padabog niyang sinara ang pinto. Umupo siya at napatingin sa salamin sa gilid niya kaya hindi sinasadyang mapansin na naman niya ang pilat sa kaliwang pisngi.

Nakuha niya ang peklat na iyon labing pitong taon na ang nakalipas. Ilang beses na siyang pinilit ng mga magulang na magpa-surgery pero siya ang tumatanggi. Ayaw niyang lumabas ng bahay. Ayaw niyang pumunta sa hospital o sa ibang bansa para maalis ang peklat dahil takot siya! Takot siyang harapin ang mundo sa labas ng mansion!

"Theo, kung nagugutom ka na...nakapagluto na ako ng pagkain." 

Kahit pinagtabuyan na si Rina ni Theo sa kuwarto nito ay nanatili pa rin ito sa labas. Sa hindi malamang dahilan, may parte sa puso niya na naaawa siya sa lalaki.

Magkapareho silang nakasandal sa pinto at hinihintay ang sasabihin ng bawat isa.

"Sige," sagot ni Theo mula sa loob.

Humawak si Theo sa sintido. Naalala niya ang ina na dating nagluluto sa kaniya ng pagkain. Ang ina niya kasi ang madalas na nag-aasikaso sa kanya noong nangyari ang nakakatakot niyang nakaraan. Ito ang palagi niyang nakakasama noong bata pa siya pero simula nang mag-labing walong taon siya ay bibihira na rin itong dumalaw sa kaniya. 

"Rina?" tanong niya. Nagbabakasakali na nasa labas pa ang babae. "Do you know the meaning of love?" Lumunok siya. Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang itanong iyon sa babae. Gusto niya lang kasi talagang maunawaan kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa ina.

Naghintay siya sa sagot nito ngunit walang nagsasalita, marahil nakaalis na ito. 

Babalik na sana siya sa kama pero napahinto siya nang marinig muli ang boses ni Rina.

"Love is something to be treasured. Being loved and to love is a special gift from God. Hindi ka tao kung hindi ka marunong magmahal."

Bahagya siyang napangiti nang marinig si Rina. Nangangahulugan lang iyon na normal siya, dahil marunong siyang magmahal. He love his mother dahil sabik siyang makasama ito. Gusto niyang  nasa piling niya lang ito palagi. Araw-araw niyang hinahanap ang pag-aasikaso nito sa kaniya dati. There is no doubt sa nararamdaman niya.


Alas dos na ng hapon nang magpasyang lumabas si Theo sa kuwarto. Napansin niyang may nabago sa bahay nila. Naging maaliwalas iyon sa paningin niya. Wala na ang mga alikabok at mga agiw na dati ay nandodoon.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon