Chapter 29

240 14 3
                                    

Alas nuwebe ng umaga nang magising si Theo. Pagkabangon niya ay agad siyang dumiretso sa kusina at doon ay naabutan niya si Rina na naghahain na ng almusal. Umupo siya at nangalumbaba at walang buhay na tiningnan ang mga pagkaing nakahain doon. Ganoon palagi ang set up nilang dalawa sa umaga. Dideretso siya sa kusina, uupo at maghihintay na ipaghanda siya ni Rina ng makakain.

"Gutom na ako," aniya.

"Kumain ka na."

"Ikaw? Hindi ka pa ba kakain?"

"Mauna ka na, may gagawin pa ako."

"Kumain ka na."

"Mama—"

"Isa," pinutol ni Theo ang sasabihin pa sana ni Rina pagkatapos ay tumitig nang masama sa babae. Kung tatanggi itong sabayan siyang kumain muli ay siya mismo ang magsusubo ng pagkain dito.

"Oo na nga," napipilitang sagot naman ni Rina.

"Rina..."

"O?"

"Rina..."

"O? Ano ba 'yon?"

"Rina..." Nagdadalawang-isip si Theo kung itutuloy niya ba ang sasabihin.

"Ano nga 'yon?"

"Mahal kita."

Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Rina dahil sa hindi inaasahang sasabihin ni Theo sa kanya. Pero mas pinili niyang ngumiti na lamang sa lalaki. Gusto niyang maniwala na mahal nga talaga siya nito subalit nangangamba pa rin siya na baka hindi lamang alam ng lalaki ang sinasabi.

"Kumain na tayo," sabi na lamang niya.

"I love you."

"Tigilan mo ako, Theo."

"I really do."

Pilit mang iniiwasang paniwalaan ang sinasabi ng lalaki, may bahagi ng puso niya ang natutuwa habang pinapaulit-ulit sa kanyang utak ang sinabi ng lalaki. 

"Kumain ka na, baka gutom ka lang. O baka gusto mo ng kape? Mukhang inaantok ka pa at 'di pa alam kung ano'ng pinagsasabi mo," pagbibiro ni Rina sa lalaki.

"It's true. I really love you."

"E?"

"I love you."

Paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Theo ang salitang 'I love you' kaya sa huli, naisip niyang sakyan na lamang ang sinasabi nito. Nagbabakasakali na totoo ngang mahal siya ni Theo.

"Oo na. Mahal din kita," sagot niya na ikinabuga naman ng hangin ng lalaki na animo'y nakahinga nang maluwag dahil sa kanyang sinagot.

"Let's eat," anito.

Magkasabay silang kumakain subalit halata pa rin ang ilangan sa dalawa kung saan ay napapaiwas ng titig si Theo kay Rina kapag napapatingin din ito sa gawi niya. Ganoon din ang ginagawa ni Rina, napapatingin siya sa ibang direksyon kapag si Theo naman ang tumititig sa kanya. Para silang mga bata na hiyang-hiya sa atensyon ng bawat isa.

"Rina..."

"Ano?"

"Huwag  ka munang maglinis ng bahay."

"Ha? Bakit naman? Marami pa akong dapat gawin. Matatambakan ako ng gawain kapag hindi ko pa iyon nagawa ngayon. Nagsunod-sunod din kasi ang pag-alis natin sa mansion nitong nakaraang mga araw kaya wala na akong panahon na gawin ang mga trabaho rito."

"Basta, magpahinga ka ngayon," pagdidiin ni Theo sa salitang pahinga subalit hindi makatitig ng diretso kay Rina. "Samahan mo akong manood ng movie."

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon