Chapter 5

377 41 36
                                    

Maagang nagising si Theo. Lumabas siya sa kuwarto at nakita si Rina na nagwawalis malapit sa asotea.

Huminto ang babae upang hawiin ang kurtina doon.

"Huwag mong bubuksan 'yan," utos niya.

Humarap si Rina at kunot-noong tumitig sa kaniya. "Bakit?"

"Basta," sagot niya. Hindi siya sanay na nakabukas iyon. Palagi kasi siyang mag-isa sa bahay nila at hindi iyon nagagalaw.

Umupo siya sa sofa. Mas mabuti na ring nakasarado iyon palagi para maitago niya ang sarili sa labas. Ayaw niyang may nakakakita sa kaniya tulad na lamang ng mga guwardiya nila.

Pili lang ang mga tao na pumapasok sa mansion nila. Kabilang doon si Dr. Steve, ang tito at ang pinsan niya.

"Anong niluto mo?" tanong niya. Tumingin siya kay Rina nang tuluyan nitong hawiin ang kurtina.

Tumagos sa transparent glass door ang kaunting liwanag mula sa labas. Lumikha iyon ng Tyndall effect na nagpalitaw ng mga alikabok na lumilipad sa hangin. Ang kaninang madilim na loob ay unti-unti nang sinakop ng liwanag.

'Ang tigas ng ulo!' isip-isip ni Theo habang nakatingin kay Rina na abala sa pagtali ng kurtina.

"Isarado mo 'yan. I'm your boss. Sundin mo lahat ng sasabihin ko," utos niya.

Ngumiti sa kaniya si Rina. "Ang ganda kaya tingnan ng pagsikat ng araw," sabi nito saka tumitig sa labas. "Tingnan mo 'yong araw, mamaya lang lalabas na 'to sa pinagtataguan nito. Mamaya lang ay mas magliliwanag na ito at magbibigay buhay sa lahat," patuloy nito.

Napako na ang tingin ni Theo kay Rina. Nakangiti ang dalaga na para bang wala itong mabigat na problema.

"Don't you know how far the sun from the two mountains? It is one hundred fifty million kilometers away from the earth. The sun is bigger than the earth, so it is impossible na makapagtago ito sa dalawang bundok na 'yan. Nag-aral ka ba?" pang-aasar ni Theo kay Rina.

"Hindi naman literal ang kahulugan ng sinabi ko."

"That's why many people are living with a lie because they tend to believe in a fairy tale rather than reality."

Kumunot ang noo ni Rina. "Kaya pala hawak mo ang story book na Beauty and the Beast," natatawang sabi niya. Naalala niya kasi ang picture ni Theo na pinakita sa kaniya ng magulang nito.

"That was a long time ago. The time na wala pa akong alam sa mundo." Nag-iwas si Theo ng tingin kay Rina. 

Aaminin niya na nagustuhan niya ang kuwento ng Beauty and the Beast. Subalit noong bata pa siya. Iyon ang panahon na marami pa siyang gustong malaman sa mundo. Nalulungkot kasi siya dahil matagal na nakulong si Beast sa palasyo. Noong lumaki siya at nawalan ng interes sa buhay sa labas, naunawaan niya na rin ang sitwasyon ni Beast. Mas makabubuti rito ang manatili sa loob ng palasyo kaysa makatanggap ng mga masasakit na salita mula sa ibang tao.

Sandaling tumahimik ang paligid.

"Nga pala, kailan ang huling labas mo rito?" umpisa muli ni Rina para magkaroon sila ng topic na mapag-uusapan dalawa.

"I don't know," pagsisinungaling ni Theo. Ang totoo ay malinaw sa kaniyang alaala kung kailan siya huling lumabas. Iyon din ang araw na nagsimulang maging impiyerno ang buhay niya. "Ayokong pag-usapan."

Napansin ni Rina ang pagbabago sa ekspresyon ni Theo. Lalong lumungkot ang mga mata nito.

"What?" tanong ni Theo sabay iwas ng tingin sa kaniya.

"Sa'n ka pala nag-aral?" Hindi mapigilan ni Rina ang sarili na magtanong. Curious siya sa buhay ng lalaki. Gusto niyang malaman ang dahilan ng lungkot sa pagkatao nito.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon