Chapter 27

220 16 5
                                    

Kamuntik nang matumba si Rina sa biglaang pagsulpot ni Theo sa kanyang silid.

Sabado ng umaga kaya nasa mansion lamang sila. Napahawak si Rina sa kanyang dibdib at nilingon ang lalaki.

"Tingnan mo 'to. Kalat na kalat na sa social media ang hotel. Magaganda ang comments nila. Mabuti na lang talaga at mayroon tayong video ng buong event kaya makikita nang marami."

Tiningnan naman agad ni Rina ang phone ng lalaking ngiting-ngiti upang ipagmalaki sa kanya ang tungkol sa LED hotel.  Bibihira lang ngumiti si Theo kaya iyon din ang ikanatutuwa niya.

"Kaya nga. Big success talaga ang event, Theo. Ang galing mo talaga."

Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa labi ng lalaki at tinanong siya, "Sa tingin mo, matutuwa rin kaya sina Dad at Mom sa 'kin?"

"Bakit naman hindi? Anak ka nila kaya magiging proud sila sa 'yo. Ano ka ba, kung wala kang ginawa, tuluyan nang hinihila pababa ang hotel. Pansin ko rin naman na maayos mong nama-manage ang hotel. Sumusunod din ang mga tauhan sa 'yo at manghang-mangha sa 'yo kaya sigurado akong matutuwa rin ang mga magulang mo."

"You think so?"

"Oo naman."

"But, I'm really happy for the success of this event. Malaki man ang nilabas na pera ng hotel, triple naman ang pumasok. Aside from that, mas nakilala pa sa publiko ang LED Hotel."

"Kaya nga congrats na agad."



Samantala, habang nagpapahinga naman ang katawan ni Armando, wala namang tigil ang kanyang utak sa pag-iisip at pag-aalala sa naiwan niyang responsibilidad. Hindi lang siya nag-aalala sa hotel sa Baguio kundi pati na rin sa hotel na pinamamahalaan ni Theo sa Manila.

"Mahal, tingnan mo 'to." Nilapit ni Caridad ang phone sa asawa upang ipakita ang news tungkol sa event na naganap sa LED Hotel sa Manila.

"Ang galing ng anak mo," papuri ni Caridad.

Inalis ni Armando ang tingin sa screen at nagpanggap na walang pakialam subalit ang totoo ay masaya siyang nakikita ang improvement ng kanyang anak. Kaya nga lang, may kung ano'ng alalahanin ang gumugulo sa kanya. Paano na lamang kaya kung malaman ng kanyang anak na si Theo ang ginawa niya? Mapapatawad kaya siya nito? 

Nangangamba si Armando na baka kapag nalaman ni Theo ang lihim niyang kasalanan ay sa halip na tuluyang maka-recover ang anak, mas lalo pang lumala ang kondisyon nito at matakot sa tao.

"Wala ka bang sasabihin sa anak mo? Hindi mo ba siya pupurihin?" tanong ni Caridad kaya napalunok-lunok si Armando.

Nais ni Armando na gawin iyon ngunit hindi naman lingid sa kanya kung gaano na kalayo ang loob ng anak niya sa kanya. Gustuhin man din niyang ilapit ang sarili rito, mas nangingibabaw sa isip niya ang kasalanang ginawa kaya iyon ang kinatatakot niya na kapag mas lalo silang naglapit ng anak, mas lalo niya itong masaktan kapag nagkabukingan na.

"Sabihin mo na lang na pag-igihan niya pa lalo," aniya at bumalik na sa pagkakahiga sa kama. Gusto niya sanang siya mismo ang kumausap kay Theo upang purihin ito pero pinangungunahan talaga siya ng pangamba at hiya.

"Ba't hindi na lang ikaw ang magsabi?" 

"Alam mo namang malayo ang loob sa akin ng anak ko."

"Anak natin, Armando. Hindi lang ako ang kailangan niya, kundi ikaw na tunay na—"

"Caridad, hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na huwag mo na'ng babanggitin ang tungkol sa bagay na 'yan?" Napabangon si Armando mula sa pagkakahiga. Salubong ang kilay nitong tumitig sa asawa at pati nga ang suot nitong salamin sa mata ay tumabingi na rin dahil sa biglaan nitong pagbangon.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon