Chapter 42

209 12 1
                                    

Walong taong gulang lamang noon si Theo kasa-kasama ang mga magulang nito na si Armando at Caridad. Habang kinukuhaan ng mag-asawang Caridad at Armando ang batang si Theo, nasa gilid lamang si Eduardo at tahimik na sinasaksihan ang eksena ng pamilya. 

'Happy Family,' aniya sa isip. Kung siya ang tatanungin hindi karapat-dapat ang kanyang kapatid sa kasiyahan na natatanggap samantalang siya na mapahangggang sa oras na iyon ay hindi pa rin nakakalimot sa pagkawala ni Luisiana. Pinapahirapan siya ng pagdadalamhati samantalang ang nakababata niyang kapatid ay nagpapakasaya sa tinatawag nitong kumpletong pamilya. 

"Dad? Nasaan po si Mommy? Ba't wala akong mommy?"

Napalingon si Eduardo sa batang si Cliff na walong taong gulang din ng mga oras na iyon. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot dito dahil wala na rin siyang balita sa totoo nitong ina. Basta isa lamang ang segurado siya, hindi niya totoong minahal ang ina ni Cliff dahil nananatili kay Luisiana ang kanyang pag-ibig. Kung nabubuhay pa sana ang babae, baka si Luisiana ang pinakilala niyang ina ni Cliff subalit malabong mangyari iyon.

"Umalis anak, pero andito naman ang dad mo. Hindi kita iiwan," aniya kay Cliff.

Lumipas ang maraming araw at oras. Sa tuwing makikita ni Eduardo ang masayang pagsasama nina Caridad, Armando at Theo, hindi niya maiwasang hindi mainggit at magalit lalong-lalo na sa kapatid kaya naman isang araw ay naisipan na lamang niya na gumawa ng paraan para masira ang mga ito.

Kinuha ni Eduardo ang kanyang phone at may tinawagan. "Nasa'n ka? May ipapagawa ako sa 'yo. Magkita tayo," bungad niya sa kausap sa kabilang linya na agad namang sumagot.

"Saan ho tayo magkikita?"

"I me-message ko na lang sa 'yo."

"Sige ho."

Kausap ni Eduardo ang ama ni Dr. Steve na si Dominador na sunod-sunuran sa kanya noon pa man. Malaki kasi ang utang na loob nito sa kanya lalo pa't siya ang nagpapalamon sa pamilya nito. Bukod pa ro'n, siya rin ang nagpapaaral sa mga anak nito kaya wala itong magagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Nagkita sila ng ama ni Dr. Steve sa isang restaurant na malapit-lapit sa Hotel na mina-manage ni Eduardo sa Cebu. Nang makarating siya sa restaurant ay nandoon na agad si Dominador na mukhang matagal nang naghihintay sa pagdating niya.  Hindi pa man siya nakakaupo ay nilapag na niya ang larawan ng batang si Theo na may hawak na story book. Nagtataka namang kinuha iyon ni Dominador at tiningnang mabuti. 

"Kuhain mo ang batang 'yan."

"Ki-kidnap-in ko?  Pe-pero...pero sa'n ko siya dadalhin?"

"Kahit saan. Wala akong pakiaalam. Kahit ibenta mo pa, wala akong pakialam."

Kinuha ni Eduardo ang sobre sa bulsa na naglalaman lang naman ng higit sa sampung libo. "Alam ko kailangan mo ng pera, madadagdagan pa 'yan kapag malinis ang trabaho mo."

Binulsa ni Dominador ang sobre pagkatapos sinuksok niya rin sa kabilang bulsa ang larawan ng batang si Theo. 

"Hindi na ako magtatagal. Balitaan mo na lang ako." Pagkatapos sabihin niyon ay nagmadali na rin lumabas si Eduardo at nagpalinga-linga sa paligid kung wala bang taong nakakita sa kanya. Nang nakasigurong walang nakakakilala sa kanya, agad siyang pumasok sa kanyang kotse at nagmaniobra na palayo sa lugar.

Isang araw ang lumipas bago narinig ni Eduardo ang balita tungkol sa pagkakawala ni Theo, ganoon na lamang ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang magtagumpay siyang guluhin ang pamilya. Matapos iyon ay natanggap din niya ang message ni Dominador na 'mission accomplished'. Lalo siyang napangiti dahil malinis ang paggawa nito sa trabaho.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon