Chapter 2

525 60 87
                                    

Kasalukuyang inaayos ni Theo ang puwesto ng mga alcoholic beverages sa estante nang dumating si Dr. Steve, ang personal psychiatrist niya.

Huminto siya at binaba ang basahan na ginamit niya sa pagpupunas ng bote. Humarap siya kay Dr. Steve. Marami siyang gustong sabihin dito.

"Kumusta?" tanong nito.

"Ayos lang," sagot naman niya.

Inabot niya muna sa doktor ang paborito nitong drinks bago naglagay ng sariling inumin sa baso. "You know, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko..." Tumungga siya sa baso. "Alam kong hindi mo sasabihin sa iba ang kinukwento ko."

Tumango si Dr. Steve kay Theo. Bago lang nang magkakilala sila ni Theo. Siya ang pumalit sa dating personal psychiatrist nito na si Dr. Cabrera.

"They are forcing me to go out in this house...malaki na raw ako. Dapat pag-aralan ko nang humarap sa mga tao."

Hinawakan ni Theo nang mahigpit ang kaniyang glass. Kung alam lang ng mga magulang niya ang naranasan niya ay baka maunawaan siya ng mga ito kung bakit takot siyang lumabas ng mansion.

"After what happened seventeen years ago, ayoko nang lumabas pa..."

Tumango-tango lang si Dr. Steve. Nauunawaan niya ang lalaki. Normal lang na ma-trauma ito at tumangging lumabas pa matapos ang nangyari.

Tumungga muli si Theo ng wine. "Pero hindi lang 'yon ang problema..."

"Ano 'yon?"

"I think I'm attracted to my mom..."

Pinagmasdan ni Theo ang psychiatrist. Hinihintay niya ang response nito. Akala niya magugulat ito sa inamin niya pero nanatili lang itong tahimik at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Kaya unang kita niya pa lang sa doktor ay palagay na ang loob niya rito.

"I started to realize it nitong nakaraan lang..."

Umiling-iling si Theo at napahawak sa sintido. Ang doktor pa lang ang nakakaalam ng bagay na iyon. Sigurado siya na kapag kinuwento niya iyon sa mga magulang ay magugulat ang mga ito. 

"Normal lang na maramdaman mo iyan." Pinatong ni Dr. Steve ang kamay sa balikat ng pasyente. "That's why I really recommend na subukan mong lumabas dito."

Tumungga ulit siya. "I have no plan na gawin iyan. Nabuhay ako ng ilang taon sa loob lang ng bahay na 'to. Kaya ko pang mabuhay nang mas matagal dito."

Tumawa si Dr. Steve at tinapik-tapik ang balikat ng kausap. "Okay, I understand. But what if...what if mawala na ang daddy at mommy mo? Sinong mamamahala sa negosyo niyo?"

Nagbaba si Theo ng tingin at iniwasan ang mata ng doktor. "Andyan naman ang tito at pinsan ko..."

Nais niyang tumulong sa negosyo nila pero paano? Hindi nga niya magawang iapak ang mga paa sa labas nila. Paano siya makakatulong kung hindi siya makalabas dito? Puwede siyang tumulong sa pamamagitan ng internet at computer pero hindi sapat iyon.

Lalong humigpit ang hawak niya sa kaniyang baso. 'How worthless and useless he is!'

"At isa pa, I have my online business so I can live." Pinilit niyang ngumiti habang sinasabi iyon sa doktor. Ayaw niyang ipahalata rito ang totoo niyang nararamdaman.

Tumango-tango lang si Dr. Steve kahit na gusto niyang ipamukha sa kaharap na hindi nito kakayaning mabuhay ng mag-isa, kailangan nito ng tulong mula sa ibang tao. Pilit niyang iniintindi si Theo dahil sigurado kasi siyang hindi nito magugustuhan kung kokontrahin niya ang bawat sinasabi nito.

"How about your mom?" tanong ni Dr. Steve.

Naalala ni Theo ang kaniyang ina. Ang ina niya lang ang nag-alaga sa kaniya noong panahon na iyon. Inintindi siya nito—pinakain, pinaliguan at binihisan. Naalala niya pa noong bata siya na tinataboy niya ito sa kaniyang kuwarto pero hindi ito sumuko. Pinaramdam nito ang pagmamahal sa kaniya. Kaya naman noong bumisita ito sa kaniya noong nakaraang araw, na-realized niya ang nararamdaman.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon