Chapter 24

234 23 3
                                    

Sinimulan ni Rina ang araw na iyon sa pagdidilig ng mga halaman at bulaklak sa hardin. Katulad din nang palagi niyang nakagawian, abot pa rin hanggang tainga niya ang ngiti sa labi sa tuwing pinagmamasdan ang mga bulaklak sa paligid.

Malawak ang garden ng mga Ledesma, at kahit pa malaki ang lugar na kailangan niyang diligan at alagaan, hindi siya nakakaramdam ng pagod dahil ang pagmasdan pa lang ang ganda ng mga ito ay nakakapawi na nang pagod.

Huminga si Rina nang malalim upang damhin ang sariwang hangin sa labas pagkatapos ay napatingala siya nang maramdaman ang maligamgam na sapo ng sikat ng papalabas pa lang na sikat ng araw.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang araw sa gitna ng dalawang bundok sapagkat kahit hindi niya nakakasama ang pamilya, nararamdaman niya pa rin ang pag-asa sa tuwing titingnan iyon. Kung baga ang lakas makabigay ng positive vibes ng araw na tinitingnan niya.

"Hello, Rina."

Napalingon siya sa nagsalita. Si Dr. Steve.

"Dr. Steve. Ang tagal mo nang hindi nagpupunta rito, a."

Umayos nang tindig si Dr. Steve bago nagsalita. "Oo nga, e.  Masyado lang naging abala sa hospital."

"A, kaya pala...pero teka, kumain ka na ba?"

"Ang totoo niyan, hindi pa." Ngumiti ang doktor sa kanya, "Baka pwedeng makikain," pagbibiro pa nito.

"Pwede naman," aniya na sinundan nang malakas na tawa. "Pero hindi pa ako nakakapagluto."

"Ayos lang, hihintayin kitang makapagluto," pagbibiro muli nito. "Puntahan ko lang si Theo."

"A, sige sige. Pero baka tulog pa 'yon ng ganitong oras."

"Gano'n?" Napaisip nang malalim si Dr. Steve. "E, di, sasamahan na lang kitang magluto."

"Hala, nakakahiya."

"Ayos lang 'yan."

Sa huli ay walang nagawa si Rina kundi ang pumayag kay Dr. Steve. Tinulungan siya sandali nang doktor sa pagdidilig ng halaman at nang natapos sila, dumiretso sila sa kusina upang magluto.

Nag-assist din sa kanya ang doktor. Ito ang tagakuha o tagaabot ng mga ingredients na kailangan niya sa pagluluto. Mabuti na lamang talaga at nakapamalengke na siya noong nakaraang araw kung kaya maraming laman ang refrigerator at marami-rami rin siyang choices na lulutuin. At para sa umagang iyon, balak niyang magluto ng kaldereta.

"Mukhang madami kang alam gawin, a," simula ni Dr. Steve.

Napahinto naman sandali si Rina sa paghihiwa ng sibuyas para sumagot.

"Hindi naman, sakto lang. Kailangan din kasi, e. May mga hindi rin ako kayang gawin pero dahil kailangan ko ng pera, kailangan ko rin 'yong kayanin."

"Bakit hindi mo tapusin ang pag-aaral mo? Diba tapos mo na ang first year ng nursing?"

"Oo. Tapos ko na. Pero hindi muna ako mag-aaral ngayon kasi balak kong pag-aralin muna ang dalawang kapatid ko."

"Ibig-sabihin kapag napagtapos mo sila, doon ka pa lang din makakapag-aral."

"Parang gano'n na nga," sabi niya nang natatawa.

"I adore you."

"E?"

"Oo, maswerte ang pamilya mo sa 'yo. Pati na rin ang boyfriend mo."

Sumilay ang pekeng ngiti sa mga labi ni Rina. "Wala akong boyfriend."

"Totoo?" Halos manlaki naman ang mata ni Dr. Steve sa hindi pagkapaniwala. Totoong nakapagtataka iyon dahil kitang-kita naman kung gaano kaganda si Rina. Morena subalit nangingibabaw pa rin ang sariling ganda.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon