Chapter 17

265 20 12
                                    

Napatingin ang lahat sa kakalabas lang na doktor mula sa emergency room. Sinalubong nila ito lahat habang naghihintay ng ibabalita nito sa kanila.

"Dok, kumusta ho ang asawa ko?" bungad ni Caridad.

"Hindi naging maganda ang pagkakatama ng ulo niya, mabuti na lang at walang naging internal bleeding. Under observation pa siya hanggang sa magising siya. We will observe kung may epekto ba ang pagkakahulog niya sa psychological and even physical health niya."

"Okay Dok, puwede na po ba namin siyang makita?" tanong muli Caridad.

"Yes, puwede na kapag nalipat na siya sa private room niya."

Nang malipat na si Armando sa private room nito, nagsipasukan na silang lahat. Wala pa ring malay si Armando kaya nag-aalala pa rin sila. Sobrang nag-aalala si Caridad sa asawa dahil napalakas talaga ang tama ng ulo nito sa sahig. Kung kaya niya lang sana lumipad ay gagawin niya huwag lang ito tuluyang mahulog sa hagdan subalit wala siyang kakayahan, ang tanging nagawa niya lang noong nangyari iyon ay ang sumigaw.

"Theo, umuwi na kayo. Ako na bahalang magbantay sa daddy mo," utos ni Caridad.

"But, paano ka? Paano ka makakapagpahinga?" nag-aalalang tanong naman ni Theo sa ina.

"Okay lang ako anak, ikaw ang inaalala ko. Magpahinga na kayo, kaya ko na ang sarili ko," sabi ni Caridad.

"Sige," napipilitang pagsang-ayon na lang ni Theo pero ang totoo, ayaw niya talagang iwanan ang ina at ayaw niya ring umuwi hangga't hindi pa nakikitang gising ang kaniyang ama. "But, you should call me kapag gising na si Dad."

Tumango si Caridad kaya naman napalagay na rin si Theo. Umuwi na sila. Hinatid sila ni Cliff sa mansion.

Nakatulala pa rin si Theo sa loob ng kotse. Iniisip pa rin nito ang nangyari sa araw na iyon. Subalit nahalata naman ni Rina ang pangamba sa mukha ng katabi kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na hawakan ang kamay ng lalaki. Ikinalingon iyon ng lalaki. At sa halip na mailang siya sa pagtitig ni Theo sa kaniya, pinakitaan niya ito ng ngiti.

Ganoon kahalaga sa kaniya ang lalaki. Kung kaya niya lang alisin lahat ang pangamba at pag-aalala sa utak nito ay gagawin niya. Hindi niya gustong nahihirapan ang lalaki. Hindi pa naman ito palakuwento ng totoong nararamdaman. Pansin niya na mas pinipili nitong itago iyon kumparama sa malaman ng lahat ang laman ng isip nito. Mas gugustuhin pa nito na isipin ng lahat na galit ito kaysa ipakita ang takot. Hindi niya rin ito masisisi. Siguro takot lang din itong mahusgahan.

Pagdating sa mansion ay nagprito na lang si Rina ng canned meat products. Alam niyang gutom na si Theo dahil wala silang kinain na tanghalian. Hindi na nila naalala pang kumain noong oras na iyon dahil sa pag-aalala.

Pagkahatid sa kanila ni Cliff ay umalis na rin ito. Dumiretso naman si Theo sa itaas papunta sa silid nito.

Samantala nang matapos si Rina magluto, pinuntahan niya na si Theo sa kuwarto nito upang yayain na kumain na sila.

"Theo, luto na ang pagkain. Bumaba ka muna para kumain."

"I'm full," sagot nito sa kaniya mula sa kuwarto.

"Pero, wala ka pang kain simula kanina."

"I said, I'm full. Kung gutom ka na, you can eat alone."

Huminga siya nang malalim. Gusto niya sanang pilitin itong kumain pero alam niyang magtatalo lang sila. Ayaw niya namang painitin ang ulo nito lalo dahil hindi niya na gustong magkaroon muli ng tila bagyo sa kuwarto nito katulad nang huling nagalit ang lalaki. Hindi niya gustong umaakto si Theo na parang isang halimaw. Kaya hangga't maaari iniiwasan niyang galitin ito.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon