Chapter 12

295 22 18
                                    

Dala-dala ni Rina ang malaking lalagyan na may mga lamang bagong labang kumot, punda, sapin at tuwalya. Papunta siya sa silid ni Theo upang palitan na rin ang sapin nito sa kama. Maglalaba na kasi siya.

Kumatok siya sa kuwarto ni Theo subalit walang sumasagot. Kabilin-bilinan pa naman sa kaniya ng lalaki na huwag pumasok sa kuwarto ng walang pahintulot nito. Kumatok siya nang maraming beses subalit wala pa ring sumasagot. Gusto niya nang makapag-umpisa sa paglalaba para mabawasan na ang kaniyang gawain kaya pinihit niya na nang tuluyan ang siradura nang mapansing hindi iyon naka-lock. 'Bahala na nga!' 

Binuksan niya ang pinto at tuluyan nang pumasok sa loob. Hindi niya nakita si Theo sa loob. Marahil wala iyon doon at nakatambay sa paborito nitong silid para abalahin ang sarili sa paghahalo ng mga alcoholic drinks. Puwede rin na nakaharap ito sa laptop para tumulong sa negosyo ng pamilya nito o kaya naman ay nagpupunas na naman ito ng mga mga bote.

Napangiti siya habang binubuo sa utak ang imahe ni Theo na nagpupunas ng bote ng alak. Ganon kahalaga para sa lalaki ang mga collections kaya naman kahit alikabok ay ayaw nitong kumapit doon.

Nilibot niya ang kabuuhan ng silid ni Theo. Nakakatuwang isipin para sa isang lalaki ang pagiging organisado nito sa gamit. Malinis ang kuwarto nito. Nakasalansan nang maayos ang mga libro sa maliit na cabinet, nakahilera ang mga bago at mukhang hindi pa gamit na sapatos base sa kulay ng mga ito at ang mga painting sa pader ay may sinusunod na posisyon para makabuo ng zigzag na pattern.

Nilipat niya ang tingin sa kama ng lalaki. Plantsado ang pagkakatupi ng kumot at ang sapin ay tuwid na tuwid ang pagkakalagay. Natawa siya. Napakalinis ni Theo sa kuwarto, huwag lang talagang gagalitin dahil siguradong babagyuhin ang kuwarto nito.

Bigla siyang kinabahan nang maalala ang huling pasok niya roon. Naging sobrang gulo ng kuwarto nito noon at nagkalat ang bubog sa sahig. Ayaw na niyang maulit pa ang araw na iyon.

"Send me his profile now."

Nagitla siya nang marinig ang boses ni Theo. Nasa banyo ito at mukhang may kausap sa phone.

Hindi sinasadyang nabitiwan niya ang hawak na lalagyan dahil sa gulat sa boses ni Theo kaya lumikha iyon ng tunog.

"Rina?" tanong nito mula sa loob.

Natataranta niyang tinayo ang lalagyan at pinasok doon ang mga bagong labang punda at kumot.

"Ah, sorry. Kukuhain ko lang 'tong sapin sa kama mo. Maglalaba na kasi ako. Papalitan ko na rin ang punda ng unan mo at saka kumot," mahabang paliwanag niya.

Narinig niya ang pagbukas ng shower.

"Hindi mo talaga sinusunod ang sinasabi ko," sabi nito.

Hindi siya sigurado kung galit ba ang lalaki sa kaniya. Ang monotone kasi ng boses nito kaya hindi niya mawari kung naiinis, nayayamot, naaasar, nagagalit o napopoot na ito sa kaniya. May level kasi ang galit. Hindi niya alam kung alin sa mga iyon.

Lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Rina, come here."

Natigilan siya sa narinig. "Ha?" tanong niya upang siguraduhin kung tama ba ang narinig niya.

"I said, come here."

Napalunok siya ng laway. "Utang na loob Theo! Malaki ka na! Kaya mo nang paliguan ang sarili mo!" wala sa sariling sigaw niya. Nang ma-realized kung ano ang kaniyang sinabi ay napatakip siya ng bibig habang paulit-ulit na hinahampas ang noo.

"What?" takang tanong ni Theo.

"Wala, wala...ang sabi ko ay maligo ka na. Lalabas na ako. Saka ko na lang papalitan ang punda at kumot mo," nauutal sa sagot niya sa lalaki.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon