35

2 1 0
                                    

Lumipas ang mga araw na ganoon lang, na wala lang, na lumipas lang. Siguro dahil sanay na ako sa ganitong depinisyon ng 'normal.'

"Like this?"

"Yes, yes. Let me draw that one."

Nakatingin lang ako sa dalawang Bata habang abala sila sa pagdrawing sa cartoon character na napanood daw nila sa TV. Kakabili ko lang ng drawing board nila kaya excited silang gamitin iyon.

Hindi ako pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Sinisipon at inuubo na ako kahapon pa. Hindi lang ako nakainom kaagad ng gamot kaya tuluyan na akong nagkalagnat ngayon. Mabuti na lang at nandiyan si Karlo na handang saluhin ang trabaho ko. Siya na mismo ang nag-offer na um-absent muna ako ngayon dahil napansin niya raw na kahapon pa masama ang pakiramdam ko.

Eksakto namang humingi ng day off si Yaya Fe dahil naospital ang asawa niya kaya ako lang ang kasama ng dalawang bata ngayon.

"Mommy look at this!" Steffi called me to show her drawing and I smiled even though my mind was not really at her drawing.

"I like it," I said but looking at my daughter's face.

"She's sick." Devi said, looking at me intently. Kanina niya pa pala ako pinagmamasdan.

Si Steffi naman ay tumakbo palapit sa'kin at nagpakarga.

"Are you sick?" Her big round eyes darted at me and I can't help but fell for it. She got my eyes but she got his reactions everytime he's in awe and surprise.

Devi started keeping their things. She's grown responsible in many ways.

"Can I borrow your phone Carissa?"

Tinuro ko sa kaniya ang cellphone ko na nasa center table sa sala at kaagad niya naman iyong kinuha.

"Mommy I want to eat pancakes. More and more pancakes." Si Steffi na nakayakap pa rin sa'kin at nagpapa-cute.

"I want too." Devi got excited by just hearing it.

"Okay, magluluto tayo. Get up baby I'll prepare the ingredients na." Sabi ko kay Steffi na nag-atubiling umalis sa kandungan ko para makatayo ako.

I walked to the kitchen and the girls followed.

Kasalukuyang hinahanda ko na Ang mga gagamitin naming ingredients sa pagluto ng pancakes nang biglang tumunog ang doorbell.

"That's Tito Zenn!"

"Daddy!"

Agad nagtakbuhan ang dalawang bata sa may pinto at ako naman ay sumunod na rin para alamin kung sino ang tao sa labas. Tama nga sila, si John Zenn nga!

Bigla akong na- concious sa itsura ko kaya hinila ko ang sando na suot ko pataas para matakpan ang cleavage ko bago nilagay ko sa gilid ng tenga ko ang mga nagkalat na baby hair sa mukha ko. Ginawa ko iyon ng tatlong minuto bago ko binuksan ang pinto.

Pagkabukas ay tumalikod na ako at bumalik sa ginagawa ko kanina. Hindi ko man lang siya nilapatan ng tingin. Bigla tuloy akong nagsisi.

Pero syempre mas importante ang pride ko! Dapat hindi ko ipahalata na naaapektuhan ako dahil nandito siya!

Bakit ba kasi pumunta pa siya dito! Ngayon pa na wala si Yaya Fe! Hindi ako makakulong sa kwarto katulad ng lagi kong ginagawa. Hinahayaan ko lang sila dito sa sala na makapag-bonding together.

Binuksan ko ang ref para kumuha ng itlog. Naramdaman ko naman ang mga yapak nila sa likuran ko.

"I bought these on my way here."

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now