16

2 1 0
                                    

"Ate Car!" Salubong agad sa akin ni Gela pagkababa ko ng tricycle na sinakyan. Ngumiti lang ako at kumaway sa kasama niya.

"Ang aga nyo naman." Sabi ko nang makalapit kami kay Karlo na nakaupo sa motorbike niya.

"Excited ang bata!" Aniya na tumingin pa sa taas dahil sa pagkayamot.

"Kuya naman! Sabing hindi na ako bata!" Naiinis na nilapitan ni Gela ang kapatid at pinagpapalo ang braso at dibdib. Natatawang tiningnan ko lang sila.

Paano kaya kung may kapatid rin ako?

Ang sabi ni Mama buntis siya pero hindi ko alam kung naniwala ba ako sa kaniya kasi hindi naman na ako nagtanong ng tungkol doon. Pero iyon ang sabi niya. Pero sabi rin niya buntis siya kay papa. Paanong nangyari yun? Ibig-sabihin magkikita sila ni dati pa pero hindi man lang sila nagpakita sa'kin?

Ganon niya ba ako hindi kagusto para hindi man lang maatim na bisitahin o kahit magpakita man lang sa akin? Ganon ba talaga ako hindi ka-importante?

"Ang tagal naman ni Zenn! Nasan na sila kuya?" Pagmamaktol ni Gela habang nakapila kami sa registrar. Kanina niya pa hinahanap si Zenn sa aming dalawa. Hindi ko nga alam na makakasama namin siya ngayon.

"Hoy Gela! Kuya Zenn mo yun! Hindi Zenn lang!" Si Karlo na sinamaan ng tingin ang kapatid pero umirap lang ito sa kaniya.

"Ilang years lang naman ang tanda na sa'kin kaya it's okay na Zenn lang ang tawag ko sa kanya!" Sumimangot ang mukha ni Gela at lumayo sa kapatid niya. Nakanguso at kunot ang noong lumapit siya sa'kin.

"Ate Car. Bakit wala pa si Zenn?" Nalungkot ang singkit niyang mga mata. Mula nang una ko siyang nakita, di ko talaga maiwasang pansinin ang maamo at inosente niyang mukha. Pero iba ang sinasabi ng mukha niya sa pinapakita niyang ugali. Pwede palang ganoon.

"Hindi ko alam e." Sagot ko sa tanong niya kaya mas lalo siyang ngumuso. Pero maya-maya ay biglang umaliwalas ang mukha niya at nanlalaki ang mga matang lumapit siya sa'kin.

"Ate di'ba close kayo ni Zenn?"

Nagtatakang tiningnan ko siya at umiling.

"Pero—"

"Hindi kami close Gela." Hindi ko na siya pinatapos dahil ayaw kong pag-usapan ang topic na tungkol sa kaniya. Nilinaw ko na sa kaniya kagabi. Nilinaw na namin sa isa't isa. Walang closeness na word between us.

Tanghali na nang matapos kaming mag-enroll at tumigil muna kami sa cafeteria para doon na kumain. May mangilan-ngilan ring estudyante ang naroon na katulad namin ay katatapos rin lang siguro mag-enroll.

"Hindi dumating si Zenn!" Padabog na umupo si Gela at binagsak ang bag niya sa table namin. Natatawang nakatingin lang sa kaniya si Karlo.

"Sabi niya ngayon din sya mag-eenroll!"

Nagyaya naman si Karlo na um-order na kami ng makakain kaya iniwan namin siya roon na mangiyak-ngiyak pa rin. Dumugtong kami sa maikling pila ng mga naroon.

"May gusto ang kapatid mo kay Zenn." I stated out of nowhere. Wala lang. Gusto ko lang kumpirmahin o gusto ko lang malaman kung napapansin niya rin ba. Ganon lang.

Tumaas naman ang kilay niya na tila inaanalisa ang sinabi ko at bahagya siyang ngumiti at unti-unting tumango.

"Tingin ko rin."  Nagkibit-balikat siya. Hindi na ako muling nagsalita pa.

"Kawawa naman ang kapatid ko. First crush, first heartbreak agad." Pabiro niyang sabi bago sinulyapan ang kapatid na naiwan sa table namin. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang mood.

"Paano mo naman nasabi?"

"Bakit? Mukha bang pagtutuunan siya ng pansin ni Zenn e may Amber na yun!" Aniya at ngumisi. Bago umurong sa nababawasang pila. Sumunod ako sa kaniya. Mabigat ang mga paa.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now