19

2 1 0
                                    

"Bakit hindi nyo kasi sinabi na nasa likod ko pala yung gagong yun?" Hanggang noong nasa room na kami ay issue pa rin sa'kin ang pag-walk out ni John Zenn sa harap ko.

Pagkatapos nang sinabi niya ay walang-lingon siyang naglakad palabas nang cafeteria at naiwan kaming nakanganga at hindi pa rin maka-move on sa gulat. Malay ko ba na nasa likod ko siya di'ba?

"Tanga! Hindi nga namin napansin! Kung anu-ano pa kasing sinabi mo! Hindi na lang umamin na may gusto ka rin sa gagong sinasabi mo!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Lucy at sa halip ay nagpatulong kay Sophy.

"Anong gagawin ko? Hindi ko naman sinadya na ganun. Gusto ko lang naman maniwala si Gela na wala akong gusto dun! Kasi wala naman talaga." Depensa ko sa sarili at bored na tiningnan lang ako ni Sophy.

"Bahala ka problema mo yan!"

What the hell Sophy?!

Hinayaan ko na lang ulit na pag-usapan nang lahat ang nangyari sa cafeteria. Bakit kailangan kong mag-explain na hindi ko sinadya iyong mga nasabi ko? Bakit kailangan kong isipin iyong iniisip ni John Zenn dahil sa mga sinabi ko? Wala akong dapat na problemahin. Nangyari iyon nang hindi sinadya edi hahayaan ko na lang din.

Isang hapon pagkatapos ng klase ko ay dumeretso ako sa bayan para kunin ang perang padala ni mama at para mamili na rin nang mga kakailanganin sa bahay. Una akong pumunta sa helera ng sari-saring gulay at prutas.

"Kuya isang kilo nga po nito," sabi ko sa nagbabantay at agad niya namang inasikaso ang sinabi ko.

"Manong may ampalaya po kayo?" Agad akong tumingin sa may-ari ng pamilyar na boses na iyon. Sino bang hindi makakapansin sa boses niyang parang nakakapanindig-balahibo at may pagka-husky.

Hindi ko pinakita ang pagkagulat at sa halip ay nagkunwaring pumipili sa ibang gulay na naroon kahit hindi ko naman alam kung anong hinahanap ko. Basta tingin tingin lang ako.

"Wala na ho yatang ampalaya boss. Na-cancel kasi ang tracking." Sabi ng nagtitinda matapos tingnan ang lalagyan ng paninda niyang ampalaya.

"Pwede ba ito na lang?"

Natawa ang tindero kaya napatingin ako muli sa kaniya at sa'kin siya nakaturo kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bitter ka rin naman. Baka nga mas bitter pa sa ampalaya e."

"Eh?" Sabi ko dahil wala na akong masabi like seryoso ba sya?

Nang ibigay na sa akin ni kuya ang binili ko ay agad akong nag-abot ng bayad at umalis na pero rinig kong may humahabol sa lakad ko at hindi ko na kailangang tingnan kung sino iyon.

Liliko na sana ako para pumunta sa paradahan ng mga tricycle pero hinila niya ako.

"Doon tayo. Doon ako pumarada," sabi niya sabay hawak sa kamay ko at nauna nang naglakad. Mukha naman akong tanga na nagpahila na lang.

"Akala ko ba wala akong thrill? Bakit nanlalamig ang kamay mo?"

Kahit yata napakaraming tao sa palengke at sobrang ingay hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ko ang komento niya sa nanlalamig kong kamay pero nagkunwari pa rin akong hindi narinig ang sinabi niya.

Nang marating namin ang kinaroroonan ng CVO ay siya na mismo ang nagkabit ng helmet sa'kin. Hindi ko rin alam pero baka nawala ako sandali sa ulirat dahil namamalayan ko na lang nasa tapat na kami ng bahay ko.

Magsasalita pa lang sana ako para magpasalamat pero nauna na siyang nagsalita.

"Wag ka na magsorry. Ayos lang. Alam ko namang hindi totoo iyong mga sinabi mo tungkol sa'kin. Okay na tayo," aniya sabay lahad ng kamay.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now