33

3 1 0
                                    

Tamang papasok kami ng café nang naunang bumukas ang pinto at niluwa doon ang dalawang bata. Nagulat rin sila nang makita ako. Sa hula ko ay sila ang nagturo na puntahan ito. Lagi kasi kami dito. Kumaway ako sa kanila pero ang kasama nila ay hindi nagpakita ng anumang reaksiyon bagama't ang mga mata ay nasa kasama ko.

"Carissa! You're here too?" Naunang lumapit sa'kin si Devi hawak-hawak ang kamay ni Steffi. Sabay silang yumakap sa bewang ko.

Natatawang niyakap ko sila pabalik.

"Pauwi na ba kayo?" Tanong ko sa kasama nila pero mukhang walang balak na sagutin ako kaya kay yaya Fe ako tumingin.

"May biglaang lakad raw po si sir," si John Zenn ang tinutukoy niya. Baka kailangan siya sa office niya.

"Sige ate kayo na'ng bahala sa dalawa ha."

Hindi na ako tumingin kay John Zenn nang nagpaalam sa dalawang bata. Mukhang wala naman siyang pakialam sa mga nangyayari. Hindi man lang siya umimik o nagsalita man lang kahit kilala niya rin naman si Karlo.

"You had a child?" Mukhang hindi na rin nabigla si Karlo nang magtanong sa'kin para makasiguro sa nakita niyang sitwasyon namin ni John Zenn.

Ngumiti ako at tumango. Kahit awkward pag-usapan ang bagay na iyon hindi ko naman itatanggi ang anak ko.

Nag-order lang kami ng snack at drinks na sinabayan ng kung maraming kwentuhan tungkol sa mga nangyari nitong nakaraang taon. Parang bumalik iyong very approaching feeling na nararamdaman ko kapag kasama ko si Karlo. Iyong willingness niya makinig at umintindi.

Ganoon naman talaga tayo hindi ba? Ramdam natin kung sino iyong handang makinig talaga sa kwento natin at kung sino iyong nakikinig lang saglit at naghahanap ng tiyempo para malipat iyong usapan sa kaniya. Karlo isn't like that. Makikita mo talaga sa kaniya na he's interested in what you are saying kaya rin siguro hindi ko na namalayan ang sarili ko na sinasabi na sa kaniya lahat lahat ng mga nangyari sa'kin.

Sanay akong itago lahat ng sakit, lahat ng paghihirap ko at lahat ng mga negatibong damdaming nararanasan ko. Ang hirap kasing ipagkatiwala sa ibang tao ang damdamin mo. Parang when you depend your happiness to others or you believe na you'll be good when you speak to someone, masasanay ka na lang sa konsepto na kailangan mo ng karamay sa tuwing nahihirapan ka. Paano kung wala na? Paano kung wala nang natirang dadamay sa'yo? Paano kung sumuko na ang lahat sa'yo? Babalik ka na naman sa dati na sarili mo lang ang nariyan para sa'yo.

Nakakapagod na kasing makaranas ng disappointments. Giving your full trust is too risky. Because we're humans and we're supposed to break trust.

Totoo nga yata na once your trust was broken, it would be very hard to get it back again. Anyway kahit pagdikit-dikitin natin yung mga broken parts, the foundation won't be that strong anymore.

Papa tortured me that day. I think he told the HR Department na bigyan ako ng maraming gagawin. Walang oras na wala akong ginagawa at kapag matatapos na ang gawain ko ay may kasunod na naman. Halos patayin ko na sa tingin ang mga kasama ko but they weren't affected. Siguro nakatanggap sila ng warning mula kay papa.

Sa sobrang pagkaasar ko ay umuwi ako nang walang paalam. Kahit naman nakita nila akong umalis, wala namang nagtangkang pigilan ako which is good dahil sa pagod ko ay baka kung ano ang magawa ko.

Pabagsak na sinara ko ang pinto pagkapasok kaya kaagad na lumabas ang dalawang bata mula sa room nila.

"Mommy!" Yumakap sa akin si Steffi habang si Devi ay kinuha ang bag ko.

That's what they do when they know I had a bad day.

I kissed them in their forehead. Pasalampak akong umupo sa couch at hinilot ang sentido. Ang dalawa naman ay nakatingin lang sa ginagawa ko.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Onde histórias criam vida. Descubra agora