10

1 0 0
                                    

"Mama bakit hindi mo sinabi sa'kin?! Hindi ako naniniwala sa naririnig ko sa iba dahil ikaw ang gusto kong paniwalaan!" Totoo iyon. Sa kabilang banda, kahit ang dami nang nagtutulak sa akin na maaaring totoo nga ang sinasabi nila, may part pa rin sa'kin na hindi matatanggap ang mga salita nila habang hindi ko pa naririnig mismo sa sariling bibig ni Mama. Mag-ina nga yata talaga kami.

"I-Isay" Nabasag ang boses niya at narinig ko ang pinipigilang mga hikbi na di nagtagal ay naging malinaw na rin. Hindi na rin nagpapigil nag mga luhang lumalandas sa pisngi ko.

"Hindi totoong may nangyayari sa amin ni Johnny kagaya ng mga balitang kumakalat! Hindi totoong kabit niya ako! Ang totoo niyan ay matalik silang magkaibigan ng ama mo kaya tinutulungan niya tayo at ang perang pinapadala ko sa'yo ay galing mismo sa ama mo Isay!" Sobrang tagal na nang huli naming pinag-usapan si papa. Sa sobrang tagal na halos maniwala na ako na wala akong ama. Sensitive si mama kapag nababanggit ko siya sa kaniya kaya sinanay ko na ang sarili ko na kalimutang may ama ako. Sampung taon pa lang ako nang iwan kami ni papa at mula noon ay ako na ang sinisi niya kung bakit bigla na lang kaming iniwan ni papa.

Kaya hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya sa akin ngayon.

"Pero buntis ka ma, s-si p-papa ba?" Mautal utal kong tanong na nahirapan pang banggitin ang huling salita. Nakakapanibago iyon na nagmula sa bibig ko. Mas lalong lumakas ang iyak niya at iyon ang naging sagot niya sa tanong ko.

Ang daming tanong sa isip ko. Paanong may komunikasyon pa sila ni papa? Paanong nagkikita pa sila? Paanong nainvolve si Mr. Faberiño? Paanong wala akong alam sa nangyayari.

Dati lagi niyang sinasabi sa'kin na kasalanan ko ang lahat kung bakit nasira ang pamilya namin. Hindi raw ako naging mabuting anak and I believed in her. Never akong naging mabuting anak para sa kanila.

Nang umalis si papa, pinilit kong wag maghanap at hindi mangulila kasi alam kong wala rin akong magagawa. Mabigat na desisyon ang ginawa niya nang iwan niya kami ni mama at alam kong hindi niya gagawin yun unless hindi siya sigurado but then I was too broke to be broken. Little Carissa was then like how strong she is right now. I was never the showy of my emotions kaya hindi ako umiyak sa harap ni mama. Lahat ng naaalala ko ay mahihina at pigil na hikbi dahil sa poot at hinagpis ng bata kong puso.

"Nag-nagkabalikan kayo?" Lumunok ako para matanggal ang malaking bikig sa lalamunan.

"Ano ka ba Carissa! Hindi mangyayari iyon!" Nagbago bigla ang tono niya. Mula sa kanina'y nahahaluan ng pigil na pag-iyak ay naging galit at puno ng poot. Ramdam ko ang panibagong pagbuhos ng nag-uunanag luha sa aking pisngi. Pinami ko iyon ng likod ng palad.

"Mama naman!" Iyon lang ang nasagot ko dahil sa sobrang nasasaktan ako ngayon. Sobrang komplikado ng buhay namin at sobrang gulo at hindi ko kayang pagtagpi-tagpiin lahat ng nalalaman ko para magkaroon ng sagot sa napakaraming katanungan sa utak ko.

Pagkatapos noon ay hindi na muling tumawag sa mama. Bakasyon na rin at naisipan kong maghanap muna ng summer job. Nakapasok ako bilang cashier sa isang convenient store sa bayan. Doon ko na binuhos lahat ng galit, frustration at sakit na nararamdaman —sa pagtatrabaho.

Dinama ko ang paghalik ng panibagong sinag ng araw sa aking balat. Pinikit ko pa ang mga mata para huminga ng malalim. Tiningnan ang araw kahit nakakapandilim ng paningin iyon. Sa isang saglit, nakalimutan ko ang mga bagay na nagpapagulo sa isip ko. Ang mga hindi maalis-alis na damdamin na gusto ko ng kalimutan. Sa muling pagsikat ng araw sa umagang iyon, muli, aasa ako.

"Miss sa Sta. Isabel ka rin nag-aaral?" Natigil ang titig ko sa monitor nang marinig iyon. Tumingin naman ako para malaman king sino ang may-ari ng boses. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng puting T-shirt at may malaking ngiti sa labi ang nasa harap ko ngayon. Hindi nawala iyon nang inulit niya ang tanong kanina.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon