27

1 0 0
                                    

Tsaka lang ako nagsalita nang makapasok na kami sa loob ng bahay.

"Biglaan naman yata pa—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sa bigla niyang pagsigaw.

"Carissa makinig ka sa'kin! Sumunod ka na lang dahil para sa'yo rin naman kaya ginagawa ko 'to!"

Oo siya ang papa ko at ngayon ko lang ulit siya nakita pagkatapos ng ilang taon mula noong iwan niya kami ni mama.

"Papa ano ba'ng nangyayari? Pumunta ka dito nang walang pasabi tapos ngayon bigla mo na lang akong isasama paalis? Ano ba? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari! Hindi ko na maintindihan kung anong iniisip ng mga taong nakakasama ko! Pwede ba ipaintindi nyo naman sa'kin? Ipaliwanag nyo kung anong nangyayari!"

Ibinuhos ko na yata lahat ng lakas ko sa pagsigaw ko dahil pagkatapos ko iyong sabihin ay bigla na lang akong nanghina.

"Carissa!"

Kaagad na tumakbo si papa papunta sa'kin pero hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil unti-unti nang nagdilim ang paningin ko kasabay nang pagbagsak ng buong katawan ko sa malamig na semento.

Iminulat ko ang mga mata at ang puting kesame ang sumalubong sa paningin ko. Sinubukan kong bumangon pero wala akong lakas na gumalaw dahil nanghihina pa rin ang buo kong katawan. Dumating ang isang nurse para mag-monitor pero nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay kaagad ring tumakbo palabas at ilang saglit pa ay may nagtakbuhan na papasok sa silid na iyon.

"Carissa!" Si papa ang naunang pumasok at lumapit sa'kin. Makikita sa ayos niya na mukhang ilang gabi na siyang hindi nakakatulog at halatang alalang alala siya nang maiyak-iyak pa siyang lumapit sa akin.

"Papa?" Sinubukan ko ulit bumangon pero bumabalik lang ulit ako sa pagkakahiga dahil mas lalong sumasakit yung ulo ko.

"Anong nangyari?"

May doctor na lumapit sa'kin at pinaalis muna si papa.

"Miss Montero you need to rest for now. We need to see your improvements and after that, we will answer your questions."

Tumango lang ako at sinubukang ipikit ang mata para matulog dahil nanghihina talaga ang buong katawan ko at hindi ko rin matagalang tingnan ang kung anong nakatusok sa kamay ko.

"Mommy! Mommy!"

Ano ito? Bakit nakikita ko ang sarili ko noong bata pa ako, nasa dagat habang hawak ng isang babae at walang tigil ang pag-iyak ko. Unti-unti nang lumulubog ang malaking bangkang de-motor sa harap namin. Sinubukan akong ilagay ng babae sa isang kulay orange na salbabida habang iyak pa rin ako ng iyak. Halos wala ng makita dahil sa sobrang dilim ng paligid dala ng malalakas na bagsak ng ulan. Halos lalamunin ka ng malalaking paghawi ng karagatan. Nakakatakot ang paligid dahil puro sigawan na lang mula sa lumubog na bangka ang maririnig.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now