29

4 1 0
                                    

"Saan ka galing?"

Sinalubong ako ni mama nang makita niya ako. Kanina pa yata siya nakabantay sa pinto habang naghihintay sa'kin. Napansin ko lang, simula nang magkita kami parang ang laki ng itinanda ni mama. Ganon siguro ang epekto ng pagbubuntis sa kaniya. Parang nakakatakot tuloy kapag ako na ang nasa kalagayan niya.

"May kinausap lang ako Ma," sagot ko at sabay na kaming pumasok sa loob dahil nagsilabasan na naman ang mga kapitbahay namin para makiusyuso.

"Iyong lalaki na naman bang 'yon?" Si John Zenn ang tinutukoy niya.

"Hindi po."

Nakakalungkot lang isipin na lahat ng nangyari sa lugar na ito ay dapat ko na ring kalimutan at kasama na siya doon. Pinagtagpo lamang kami ng mga alaalang 'yon at ngayon, kailangan na naming maghiwalay ng landas. Dahil may sari-sarili kaming buhay at hindi namin makaka-move on sa nangyari noon kung patuloy naming makikita ang isa't isa. Ipapaalala lang namin iyon sa isa't isa at patuloy na naman kaming babalik sa araw na iyon.

"Susunduin tayo ng papa mo mamayang hapon. May inaayos lang siya ngayon."

Iyon ang sabi ko kay papa. Gusto kong makaalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Pakiramdam ko, kapag nakaalis na ako dito, magiging maayos na ang lahat.

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom nang bigla akong nahilo. Nabitawan ko ang pitsel na kinuha ko sa ref. Buti na lang ay plastic iyon at hindi nabasag.

"O bakit?" Lumapit si mama para alalayan akong umupo.

"Nahilo ako bigla."

Minasahe ko ang noo ko para mabawasan ang nararamdamang pagkahilo pero tila mas dumagdag lang iyon. Bigla ring umatake ang sikmura ko. Agad akong tumakbo sa lababo at nilabas ang lahat ng kinain ko kanina. Kahit puro tubig na lang ang lumalabas sa bunganga ko ay patuloy pa rin ako sa pagsuka.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Ibabalik kita sa ospital! Halika!" Inakay ako ni mama palabas ng bahay at nagtawag ng masasakyan. Sobrang nanghihina na ako dahil sa pagsusuka dagdagan pa ng grabeng pagkahilo na nararanasan ko.

Isinandal ako ni mama sa upuan za trycicle dahil medyo malayo ang ospital sa amin. Ngunit hindi pa man kami nakakarating sa doon ay umayos na ang pakiramdam ko. Nawala na ang pagkahilo ko kaya nagsabi akong uuwi na lang dahil baka nalamigan lang ako sa paglabas ko kanina.

Tiningnan ako ni mama ng masama.

"Dumeretso na tayo para malaman natin ang dahilan ng pagkahilo at pag—"

Naputol ang sasabihin niya at napatingin sa tiyan niya. Hinaplos niya iyon bago muling tumingin sa'kin nang may takot sa mga mata. Ako naman ang kinabahan.

"Bakit ma? Anong nangyari?"

Napatuwid ako ng upo.

"Bakit? May masakit ba?"

Hindi siya sumagot at nakatulala lang sa'kin kaya mas lalo akong kinabahan.

"Ma!"

Napakurap-kurap siya at seryosong tumingin sa'kin.

"Buntis ka ba?"

Napairap ako sa hangin. Akala ko ay may nararamdaman na siyang kung ano iyon pala ay nag-iisip lang siya ng kung anu-anong walang kabuluhan.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo ma? Pa'no akong mabubuntis—"

Shit. Don't tell me—

"Hindi! Pwede ba umuwi na tayo ma? Hindi pa ako tapos mag-empake ng mga gamit ko! Kung anu-anong pinagsasabi mo jan!"

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now