13

1 0 0
                                    

"Nandoon na si Gela. Hinatid ng driver namin." Linggo kasi ngayon at kagaya ng sinabi niya, sinundo niya ako ng bandang patanghali para pumunta sa Cauagan Falls. Naramdam naman ako ng excitement dahil pangalawang beses pa lang akong makakapunta doon at noong una ay hindi pa gaanong nadedevelop iyon dahil wala namang gaanong pumupunta. Isa lang naman iyon sa mga wild adventures ni Lucy.

"Sakay na." Aniya nang hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan. Ngumiti naman ako at umangkas na sa likod niya.

Ibang iba na nga dito kaysa noong una kong punta. Sementado na ang daan kaya pwede nang makapasok ang mga sasakyan. May bakanteng lote din naman nagsisilbing garage. Mas lalo pa akong namangha nang makalapit kami sa falls. May ilang mga nakatayong kiosk na rin sa gilid ng falls na pwedeng pag-iwanan ng gamit at pasilungan ng mga turista. Marami nang tao roon na taliwas sa unang imahe ko ng talon. Pumasok kami sa isang kiosk at nilapag ang mga gamit at pagkaing dala.

"Kuya is that her?" Napatingin ako sa isang balingkinitan at matangkad na babaeng lumapit sa amin. Basa na ang buhok at ang suot na two piece bikini. Namumula rin ang balat dahil sa matinding sikat ng araw.

"A oo. Carissa this is my sister Gela. Gela, si Carissa." Si Karlo na pinagpabalik-balik ang tingin sa amin. Ngumiti naman ang babae at nilahad ang kamay na agad kong tinanggap.

"Nice to meet you ate!" Ngayon ko nakita na magkamukha nga sila ni Karlo dahil sa paraan nang pagngiti na hindi pinapakita ang ngipin. Hanggang balikat ko siya na kung tutuusin ay matangkad na para sa edad niya. Sumisingkit ang mata niya kapag ngumingiti siya at lahat yata ay mabibihag sa maamo at inosente niyang mukha.

"Nice to meet you." Ganti ko at ngumiti rin.

"Babalik na ako dun kuya! Sumunod na kayo ha!" Kaagad siyang tumalikod at ako naman ay sinundan siya ng tingin.

"Ang ganda pala ng kapatid mo." Nang sa wakas ay nawala na sa paningin ko si Gela ay tinulungan ko si Karlo na ilabas ang mga pagkaing dala namin.

Naiiling na tumingin sa'kin si Karlo at binalikan ng tingin si Gela na nakikisama na sa mga naroong lumalangoy.

"Kaya nga ayaw ko pa sana na may manligaw jan?" Aniya na tinawanan ko lang.

"Kapag pinigilan mo naman magtatago yan!" Tinapik ko ang balikat niya na ikinatawa niya lang.

"Yun na nga e. Kaya hanggang maaari binubuntutan ko kahit saan pumunta."

Pagkatapos naming inayos ang mga pagkain ay hinubad ko na ang suot na shorts at T-shirt para ilantad ang suot kong one-piece bikini. May maliit ma CR naman doon kaya may mapagbibihisan. Paglabas ko pa ay halos matalisod ako dahil nakatingin sa akin ang lahat nang naroon. Hinanap ko ang tingin ni Karlo at nahihiyang kumaway. Ngumiti naman siya at gumanti rin ng kaway at pagkatapos ay nawala ulit ang mga mata sa'kin. Luminga-linga ako para hanapin kung saan sila nakatingin at muli ay nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita hindi kalayuan sa tayo ko sina Amber at John Zenn na kabababa lang yata ng sasakyan.

Hindi naman pala sa'kin nakatingin!

Padabog akong bumalik sa kiosk namin at umupo habang iniikot ang buhok sa gitna. Bumalik ang tingin ko sa dalawa na ngayon ay papalapit sa kiosk namin. Maging si Karlo ay napatingin sa kanila nang makitang doon ako nakatingin. Mabuti na lang at nawala na sa kanila ang atensyon ng lahat at bumalik na ulit sa sari-sariling katuwaan. Karamihan ay naroon sa floating cottage sa gitna malapit sa binabagsakan ng falls. Nahagip ng tingin ko si Gela na kumakaway at tinatawag kami papunta roon.

"Karlo! We met again!" Si Amber na nakalapit na pala sa amin. Saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti kaya gumanti na rin ako kahit pa parang nahalata niya na napakapeke ng ngiti ko dahil umirap siya. Nasa likod niya si Zenn na nakatingin sa'kin nang may nakakalokong ngisi. Ako naman ang umirap sa kaniya.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now