3

4 1 0
                                    

Pagkatapos ng ilang araw ay nabalita ang pag-uwi ni Mayor Faberiña sa aming bayan at tumigil na ang usap-usapan tungkol kay mama at sa kaniya at nakahinga na rin ako ng maluwag dahil hindi ko na natatanggap ang tila nandidiring tingin ng mga nakakasalubong ko sa school at kahit saan ako pumunta. Kung mahina siguro ang loob ko malamang wasak na wasak na ako pero dahil nakalakhan ko na rin ang ganito kaya natuto na akong mawalan ng pakialam sa lahat.

Habang nasa klase ni Mr. Duray ay tahimik lang akong nakatingin sa kanya kahit wala naman talaga akong maintindihan. Pamaya-maya nyang sinusulyapan ang grupo namin dahil masyado talaga kaming mainit sa mga mata niya. Si Lucy ay nakikipagdaldalan sa isang katabi nya at si Sophy ay nagtatake ng notes. The usual.

"Isay kamusta naman nung Sabado kanila George?" Si Sophy na panaka-naka ang tingin sakin habang busy pa rin sa pagsusulat.

"Ayos lang. Madaming bagong babae." Hindi ko sya tiningnan kaya hindi ko alam ang naging reaksyon nya pero natigilan sya saglit at nagsulat na ulit.

"Si Mike?" Deretsa ang pagkakasabi nya pero halata kong nabigla rin sya sa tanong nya pero di ko na yun pinansin.

"Ayun may bago na namang girlfriend!" Naiiling na sabi ko ay saglit na sinulyapan ito sa likod. Nagtatawanan sila roon. Siguro ay pinagtritripan na naman si sir.

Bumalik ang tingin ko sa unahan at hindi ko alam kung sa'kin ba sya nakatingin o hindi pero nang nakita nya akong tumingin sa gawi nya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Kanina pa nakatingin sayo yan!" Bulong ni Lucy na nakatingin din pala sa lalaki.

"Baka gusto rin maging jowa ko." Balewalang balik ko na ikinatawa lang naman ng kausap ko.

"Baka. Bakit hindi mo itry? Pogi naman eh!" Sabay hagikgik na nakakuha ng pansin ni sir. Buti na lang hindi sya pinagalitan.

Nang matapos ang una kong klase at sinabing wala ang susunod na teacher ay nagkaayaan kaming pumunta ng canteen para sa isang oras na vacant. Tamang paglabas ko ng room ay lilipat ang section nina Alex sa kanilang susunod na subject. Sakto rin na nakatingin sya sa'kin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Bakit kasi may iba jan nga feeling virgin eh wasak na wasak na naman!" Nilakasan niya ang pagkakasabi nun at sinadyang iparinig sa'kin. Nagtinginan sa akin lahat pati ang mga kaklase ko.

"Pare nakakabastos ka na ah!" Hindi ko inaasahan ang banat na iyon ni George. Nabaling naman ang tingin ni Alex sa kanya.

"Bakit pare? Natikman mo na rin ba yan? Sabagay, hindi malabo yun dahil open for all naman yan. Kung sinong may gusto pwede." Nagtawanan ang mga kasama nya kaya naaaliw na tumingin sya sa'kin. "Hindi ba Carissa? Parang nanay mo lang din!"

Doon na sya sinugod ng suntok ni George tumulong na rin si Mike at ang iba naming barkada kaya nagkagulo na sa hallway. Pilit naming akong pumagitna sa kanila kahit Sa akin na tumatama ang ibang suntok nila. Napansin siguro ng mga kaibigan ko na nasaktan ako kaya tumigil na rin sila. Buti na lang walang teacher na nakakita

"Tama na!" Tumingin ako kay Alex at pagak na tumawa.

"Nasaktan ko ba ng sobra ang pride mo kasi sa lahat ng babaeng pinormahan mo ako lang ang umayaw sayo?" Sinabayan ko ba ng pag-iling kaya mas lalong nagdilim ang mukha niya. Hindi siya nakasagot.

"Alam mo ok lang naman sa'kin na ipagkalat mo sa buong campus na may nangyari sa'tin kahit wala naman talaga. Kung yan yung makakapag-pagaan ng loob mo, sige." Sinulyapan ko ang mga kaibigan at sinenyasan ng 'tara na' kaya sabay kaming umalis doon at iniwan ang grupo ni Alex na di na nakaimik.

Nang hapon ding iyon ay ipinatawag ang grupo namin sa guidance pati ang grupo nila Alex at sa huli ay pinaglinis kami ng buong campus bago mag-uwian. Hindi ko na pinasama si Sophy pero ayaw nya raw kaming iwan kaya pati sya ay napahamak din sa mga magulang nya.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now