9

3 1 0
                                    

Pag gising ko nang mag-umaga ay nasa bahay na ako. Hindi ko alam kung paano ako nakarating doon dahil ang importante, bakit iba na ang suot ko?! Nakapag-bihis ba ako kagabi?! Magkahalong pagkalito at kaba ang namutawi sa'kin habang dina-dial ang number ni Lucy para tawagan.

"Ano?" Ang tamad na boses ni Lucy ang sumalubong sa'kin. Nagising lang ata mula sa tawag ko.

"Pano ako nakauwi? Sinong naghatid sa'kin at tsaka s-sinong —panong nag-iba ang suot ko?!" Nahirapan pa akong sabihin ang huli. Lumunok ako para mawala ang tila nakabara sa lalamunan ko dahil sa ahon ahong kaba.

"Si Zenn! Sino pa ba?! Sinukahan mo pa nga tanga ka!"

Ngayon ay biglang naglitawan ang mga imahe sa utak ko at nanghihinang pinatay ko ang tawag sabay sabunot sa buhok. Ramdam ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking balat mula sa maliit na bintana ng aking kuwarto. Naunahan na naman ako ng pagsikat ng araw. Buti na lang at sabado ngayon. Walang pasok.

Bumalik ako sa pagkakahiga habang hawak ang ulo na di pa rin nawawala ang pagkahilo mula sa nainom kagabi. Napasobra ata ang inom ko. Hindi ko na matandaan kung ilanng bote ang naubos ko basta pag may nag-aabot sa'kin tinatanggap ko.

Tiningnan ko ang suot. Iyon ang dala kong pamalit nang magpunta ako roon kagabi. Wala rin namang masakit sa'kin kaya siguro naman—

Kahit isipin ang bagay na iyon, hindi ko magawa!!

Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kusina para magkape. Iniisip ang pwedeng gawin sa araw na iyon. Kadalasan pumupunta ako sa Tambak Beach kapag sabado pero sa lagay ko ngayon ay malabong magawa ko iyon. Iniwan ko muna ang tasa ng kape at hinayaang lumamig. Mamaya ko na iyon iinumin. Kinuha ko ang nagtambak na labahan sa kuwarto ki at sinalang sa washing machine para magbabanlaw na lang ako mamaya.

Nasa bahay lang ako buong weekend at lumabas lamang para mamalengke noong Linggo ng hapon. Kumuha rin ako ng padala ni Mama dahil nagtext siya nang umaga.

Mama: Magpapadala ako ng pera kunin mo.

Hindi na ako nag-abalang replyan pa siya. Hindi ko magawang magpasalamat dahil pag naiisip ko na galing kay Mayor ang perang pinapadala niya ay mas nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa kaniya. Hindi ko na rin inalam kung totoong buntis nga siya. Kung totoo man iyon, wala naman na akong magagawa. Sumbatan ko man siya, wala na rin namang mababago. May mga desisyon tayo sa buhay na aakalain nating tama pero kapag andiyan na yung bunga, pag nakita na natin ang kinahinatnan, doon natin maiisip na mali pala. Ganon pa rin ang nangyayari sa tuwing pumupunta ako sa matataong lugar. Nariyan pa rin ang mga tingin nilang hindi man isatinig ay makikita mo ang dismaya, galit at insulto. Sanayan lang yan. Hindi na ako naaapektuhan.

"Ang kapal talaga ng mukha ng mag-inang yan!"

"Malamang kay Mayor aasa yan! Wala namang trabaho yung ina nya!"

"Manang mana sa ina!"

Katulad ng lagi kong ginagawa, pinalalampas ko lang yun sa pandinig. Kung papatol ka pa, kung ipagtatanggol mo ang sarili mo, hindi rin sila titigil. Mas matutuwa pa sila.

"Bakit parang ang lansa ng amoy!" Tumigil ako ng marinig ko iyon. Na kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pagtitingin ng mga pwedeng bilhing gulay.

"Ano? Nahihiya ka sa ginagawa mo?" Sinundan niya iyon ng tawa. "Pati si Zenn naloko mo!" May pait ang bawat pagbigkas nya sa mga iyon. Hinarap ko siya at sinikap pigilin ang nagpupuyos na galit.

"Wala akong ginagawang masama kaya wala akong dapat ikahiya. Sa ating dalawa, kayo dapat yung mahiya kasi pinasusundan nyo ako sa mga tauhan nyo! Hindi ba stalking ang tawag don?! Pareho lang tayong apektado dito Ma'am!" Iyon lang at naglakad na ako paalis sa lugar na iyon. Naghanap ng ibang pwedeng pagbilhan.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now