25

1 0 0
                                    

Matagal kong hindi nasilayan ang pagtaas ng araw sa kanluran at kagaya ng dati, isa pa rin iyon sa pinakamagandang pangyayari sa buhay ko. Kung saan ang dagat ang siyang saksi sa paghahari ng araw sa sanlibutan. Wala ng makakapantay sa ganda niyon.

"I didn't know you'll love this thing."

Katabi ko ang taong hindi ko inaasahang maiiwan sa tabi ko kapag iniwan na ako ng lahat.

"Dito ako pumupunta kapag sawa na akong mag-stay sa bahay."

Pumikit ako para amuyin ang mabangong ihip ng hangin. Naramdaman ko ang mga braso niya sa bewang ko at humilig siya sa balikat ko. Hindi ko alam na magugustuhan ko pala ang ganitong pwesto.

" Hoy nakikiliti ako ano ba!" Pilit akong kumawala sa yakap niya.

"Kinikilig ka ba kahit minsan lang? Wala ka bang pakiramdam?"

Tumingin ako sa kaniya. Ang mga matang iyon ang pinaka-totoo sa lahat.

"Hindi," balewalang sabi ko at nag-iwas ng tangin dahil nag-iinit ang mukha ko. Pero pinirme niya ako at tsaka tinitigan sa mga mata. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan na parang hindi naaapektuhan sa ginagawa niya.

"I love you," nang-aasar ang mga ngiti niya at nakaramdam ako ng pagkahiya.

"Gago."

Tinulak ko siya at nauna nang tumayo para pumunta sa mga tindang kakanin. Dito kasi namin napag-pasiyahang mag-breakfast.

Nagtitingin tingin ako sa mga nakahilerang kakanin para pumili ng bibilhin nang naramdaman kong may tumabi sa'kin.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa pag-aakalang si John Zenn iyon.

"Carissa?" Natigilan ako nang boses ni Amber ang narinig ko pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"Ate dalawa nga po nito," sabi ko sa nagtitinda at kaagad niya namang inasikaso ang sinabi ko.

"Bakit pala wala ka sa party ni Lucy last night?"

Napairap ako habang tinatanggap ang order ko kaya akala ng nagtitinda ay siya ang iniirapan ko. Mapagpaumanhing ngumiti ako sa kaniya.

"Dalawang hot chocolate pa po."

Nang makuha ang order ay agad akong umalis doon at binalikan kung nasaan si Zenn pero hindi ko siya nakita doon. Nagpalinga-linga ako para hanapin siya  pero kahit anino niya ay hindi ko makita.

"Hindi mo kilala si John Zenn. Alam mo ba kung anong pinasok mo Carissa?"

Tinig ni Amber iyon mula sa likod ko. Matapang ko siyang hinarap.

"Pwede ba tigilan mo na kami? Tigilan mo na ako! Kung galit ka sa'kin dahil hindi ikaw ang pinili ni John Zenn, wala akong pakialam! Agawin mo siya kung kaya mo at kapag nagawa mo yun, hinding hindi ko sya pipigilang pumunta sa'yo!"

Mukhang hindi naman siya naapektuhan sa sinabi ko dahil hindi nabago ang ekspresyon niya kanina. Parang balewala lang sa kaniya ang mga binitiwan kong salita kaya mas lalo lang akong naasar. Is she that confident na kaya niyang makuha si John Zenn?

Nilampasan ko siya dala ang tray ng pagkain na in-order ko. Tumigil ako sa isang bench at ibinaba ang tray tsaka ko kinuha ang cellphone mula sa bulsa. I dialled Zenn's number then. Naka-tatlong ring na ay wala pa ring sumasagot hanggang narinig ko na ang boses-babaeng nagsasabing unattended ang linya niya. Inulit ko ulit ang tawag at ganon pa rin.

Nasa bahay na ako nang makatanggap ako ng text mula sa kaniya.

JZ: Sorry tinawagan ako ni Dad. May emergency lang. Nakauwi ka na ba?

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now