15

4 1 0
                                    

"There you are! Kanina pa namin kayo hinihintay. Anyway, thanks Karlo  for inviting us." Ang energetic na si Amber ang sumalubong sa amin Sa table na pinagdalahan sa'kin ni Karlo. Hindi ko na kailangang kumpirmahin kung sino ang kasama niya dahil sapat na ang biglaang pagtahip ng dibdib ko at ang umaahong kaba sa loob ko. Bigla rin akong nailang na sa tingin ko naman ay hindi dapat.

Pero bakit nga ba nandito sila? Ano bang mayroon? Inimbita sila ni Karlo? Bakit?

Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa katabi. Hindi niya man lang sinabi sa akin na may plano siyang ganito. Nag-peace sign lang siya at ngumiti na pabirong inirapan ko lang kahit ang totoo ay naiinis talaga ako.

Pabagsak kong binitawan ang bitbit kong sapatos bago naupo sa isang upuan doon dahilan kung bakit napunta sa'kin ang mga mata ng mga kasama ko. Sumunod na rin si Karlo at nagtawag na ng waiter.

Hindi ko naman naiwasang pasadahan ng tingin ang nasa harap ko na kanina pa walang imik. Hindi na ako nagulat na nakatingin rin siya sa'kin. Nakataas ang kilay na may halong pang iinsulto. Muli akong umirap, siniguradong kita niya.

"It was my idea to have a double date. I hope you don't mind." Si Amber na ngayon ay biglang umamo ang mukha. Muntik pa nga akong matawa dahil sa kaplastikan niya. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Ayos lang. Ang saya nga eh!"Sabi ko na sinabayan pa ng tawa para maging kapani-paniwala.

Naramdaman ko naman na nasa akin ang mata ng kaharap ko kaya sinubukan kong huwag salubungin ang titig niya pero nabigo ako dahil kahit anong pigil ko, sa huli nagtama pa rin ang paningin namin. Seryoso ang mga mata niya na pakiramdam ko ay pati ang mga naiisip ko ay nakikita niya. Is that even possible? I don't know! Hindi ako sociable na tao pero marunong ako tumingin ng emosyon at kumilatis ng damdamin at alam ko ngayon, sa paraan ng pagtitig niya, naghahanap siya ng emosyon sa mga mata ko. Malas niya lang dahil matagal nang nakatago ang mga iyon. Sinubukan niyang itaas ang specs gamit ang hintuturo habang ako ay nakanasid lamang. Malabo ba ang mata niya? Bakit kaya siya may salamin? Pero ano bang pakialam ko?

"Kuya!" Tumikhim ako dahilan upang maputol ang titigan namin at napunta iyon sa paparating na naka spaghetti strapped fitted yellow dress. Mas lalo siyang pumuti sa suot niya. Oo, si Gela na ngayon ay palapit na sa table namin at hindi nawawala ang makahulugang ngiti habang ang mga mata ay nasa kaharap ko.

"Gela! Bakit ka nandito!" Si Karlo na pinagalitan ang kapatid pero sa halip ay kumuha ito ng upuan sa katabing table na walang tao at nilagay iyon sa tabi ni John Zenn pagkatapos ay di nawawala ang ngiting umupo roon.

"Kuya bakit di mo ako sinama! Buti na lang sinabi ni Mommy na nandito ka!" Ngumuso siyang tumingin kay Karlo.

"So childish!" Komento naman ni Amber na dahilan para mamula ang pisngi ni Gela at nahihiyang tumingin kay Zenn bago tumungo. Natutuwa akong pagmasdan siya dahil halatang halata na may crush siya sa katabi niya.

"Pasensya na kayo sa kapatid ko ha." Nahihiyang paumanhin ni Karlo na palihim kong pinanlakihan ng mata. Mas lalo kasing namula ang pisngi ni Gela dahil sa pagkapahiya.

"Ayos lang naman na narito ka Gela." Ngumiti ako para patunayan ang sinabi at bigla namang nagliwanag ang inosente niyang mukha. She's just so cute.

"Ate Car! Gusto ko ikaw ang kasama kong mag-enroll next week! Ayoko kay kuya!" Si Gela na ngumuso at tumingin ng masama sa kapatid.

"Ano ka ba! Baka may gagawin ang ate Isay mo! Ako na ang sasama sa'yo."

"Hindi! Ayos lang! Sabay na tayong mag-enroll Gela!" Sang-ayon ko tutal wala pa rin naman sina Lucy at Sophy. Wala rin akong kasama mag-enroll.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon