36

1 0 0
                                    

"You're so loud!"

Biglang sumulpot ang dalawang bata sa harap namin at nang makita akong nagpupunas ng mata ay patakbong lumapit sa'kin si Steffi.

"Mommy, why you're cryin'?"

Si Devi ay masama ang tingin na hinarap si John Zenn.

"What did you do ha?" Devi glared at him. Mas lalo tuloy akong naiyak dahil mas matapang pa sa'kin ang mga anak ko.

"Mommy," Steffi started crying too habang mahigpit na nakayakap sa mga hita ko. Ganoon siya kapag may nakita siyang umiiyak, naiiyak na rin siya.

Yumuko si John Zenn at akmang kakargahin ang anak pero hindi ito sumama sa kaniya. Maging si Devi nang yayakapin niya sana ay umiwas rin sa kaniya.

"Shhh. Mommy's alright." Sinubukan ko siyang patahanin pero hindi na siya tumigil. Sa halip na ako ay siya na tuloy ang inintindi namin.

Mga ilang minuto rin bago namin nagawang patahanin si Steffi sa pag-iyak pero pagkatapos noon ay ayaw nang lumapit kay John Zenn ng dalawang bata.

"I hate you Daddy!"

"I just told your Mom I love her then she started crying. Why is that my fault?" Kinausap niya ang dalawang bata.

"Really Daddy?  You love Mommy?" Kaagad namang nadala ang anak sa sinabi niya. Parang kanina lang she hates Daddy.

"Because she loves you too!" Devi exclaimed and it was too late to stop her.

What to say?
No? Am I not being too harsh? Cannot.
Yes? Isn't it too soon to admit? Do not.

So we all forget about what Devi said.

Mabuti na lang ay biglang nagsalita si Steffi which saved me from that awkward situation. I mean saved us?

"Mommy, sleepy," Malambing na sabi ng anak ko. Kinuha siya ni John Zenn mula sa'kin at sumunod naman para siguro samahang matulog. Inakay niya ang dalawang bata.

Sa wakas ay ako na lang ang naiwan ulit sa kuwarto ko. Nilapitan ko ang malamig nang pagkain at nagsimulang sumubo roon. Hindi ko gaanong malasahan ang kinakain ko pero sobrang gaan ang pakiramdam ko sa katotohanang may ibang taong naghanda ng pagkain ko maliban kay Yaya Fe.

Pagkatapos inumin ang gamot na kasama ng pagkaing dinala ni Zenn ay sinubukan ko ulit matulog at gabi na nang muli akong magising. Medyo maaayos na ang pakiramdam ko kaya sinubukan kong lumabas para tingnan ang mga bata. Naabutan ko silang natutulog sa couch sa sala kasama si John Zenn habang nakabukas ang TV. Nakatulog siguro habang nanonood. Lihim akong napangiti dahil ang cute nilang tingnan habang ang dalawang bata ay nakahiga sa couch at si Zenn ay nakaupo sa sahig at nakaunan sa sofa.

Kinuha ko ang remote para patayin ang TV at mukhang namalayan ni Zenn ang paglapit ko Kaya naalimpungatan siya.

"How do you feel now?" Paos pa ang tinig niya dahil sa pagkagising. I mean lagi namang ganon ang boses niya.

"Medyo okay naman na. Wala ka bang pasok bukas? Sige na ako na bahala sa dalawa."

Baka masyado na kaming nakakaistorbo sa kaniya.

"Can I sleep here tonight? Ah—wala kayong ibang kasama kaya dito na muna ako." He's hesitant for a moment, trying to calculate my facial expressions.

At bakit ba ako tatanggi kung aminado akong di ko rin masyadong maasikaso ang mga bata sa lagay ko.

"I-ikaw bahala."

W-wait! Did I just told him he could do whatever he wants?

Mukhang nagulat rin siya sa sinabi ko pero huli na para bawiin ko pa yun.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now