8

4 1 0
                                    

Pagdating namin sa mansion nina Mike ay magsisimula na ang kasiyahan. Napuno ang malawak nilang garden ng ilang kilalang panauhin. Sa poolside kami dumeretso dahil naroon ang totoong party. Syempre hindi papayag si Mike na sumali kami sa party ng mga nakatatanda. Sinalubong ako ni Lucy at Sophy na umahon pa sa pool nang makita ang pagdating. May ilan ding napunta ang atensyon sa amin o sa katabi ko? Hindi ko alam.

"Sorry Isay. Di pa rin kasi nakakabalik si manong kaya nagpasundo na ako kay George." Sabi niya sabay tingin sa likod ko. Parang mas nang-aasar pa kaysa magsorry.

"Hubarin mo na yan Isay! Sa pool tayo!" Si Sophy na binalikan ng tingin ng pool.

"Oo sige na! Puntahan ko kayo mamaya jan!" Tumango ang dalawa at bumalik na ulit sa pool. Saka ako bumaling sa likod ko. "Salamat nga pala sa pagsundo sa'kin. Bihis muna ako." Sabi ko at umalis na para magbihis.

Agad kong tinungo ang side ng pool kung nasaan sina Lucy. Sa dami ng taong naroon ay halos kinailangan ko pang tumigil at luminga-linga.

"Hi Isay!" Ang nakasalubong kong lalaki sabay sipol na hindi ko na lang pinansin.

"Si Mike?" Tanong ko nang naupo sa gilid at nilublob ang paa sa pool.

"Nasa mga bisita niya sa kabila. Mamaya pa daw pupunta rito." Si Sophy ang sumagot dahil abala si Lucy sa kausap niyang lalaki na hindi ko kilala pero mukhang nakikita ko sa school.

"Tingnan mo yung kasama mo!" Tinaas ko ang kilay na nagtataka pero agad natukoy nang tumingin sa nginunguso nya.

Si John Zenn. Suot ang isang itim na trunks at walang pang-itaas na damit. Hindi ko na pinasadahan ng tingin ang katawan niya dahil ayaw ko. Bumaling ako sa katabi niyang babae na sya ring kasama nya noong isang araw sa cafe. Suot ang two piece bikini at nakalugay ang straight na buhok na hindi umabot hanggang balikat. Natural brown ang kulay ng buhok nya na bumagay sa mala-porselana nyang balat. Nagtagal ang tingin ko doon at naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kaniya kaya nagtama ang aming paningin pero agad ko rin iyong binawi at bumaling kay Sophy na ang titig ay tila nanunuri. Sinabuyan ko ng tubig ang mukha niya.

"Tanga nagkasabay lang papunta dito! Hindi kami close no!" Gumanti naman siya sa ginawa ko ag hinila ang paa ko dahilan kaya bumagsak ako sa pool.

Naroon na sa isang side ang sari-saring inumin at may mesa rin kung nasaan ang mga pagkain. Magkasama naming tinungo iyon ni Sophy dahil nasanay akong kumain muna bago uminom ng alak. Maging siya ay gutom na rin daw. Iniwan namin si Lucy ma busy pa rin sa kausap niya.

"Hindi na mahiwalay si Lucianna dun sa taga-section A!" Nag-tsk si Sophy at nilingon muli si Lucy na parang may sariling mundo. Tamang pagdating namin sa mga pagkain ay lumabas na si Mike na agad kong sinalubong.

"Happy birthday!" Sigaw ko sabay yakap sa kaniya. Binati rin sya ni Sophy na nagdalawang-isip pa kung yayakap din kay Mike. Bumitaw na ako at tinulak siya. "Hiya hiya pa eh! Si Mike lang yan oy!"

"Regalo mo Isay?!" Ngumuso naman ako sa kaniya at natatawang lumapit sa mga pagkain.

"Kiss na naman!" Kunwari ay nagtatampo. Inabutan niya kami ng tig-isang plato at kumuha na kami ng pagkain.

"Oh pre! Buti nakapunta ka!" Baling niya sa papalapit na si John Zenn. Tumingin siya sa'kin bago napunta ang atensyon kay Mike na narinig kong binati niya rin. Tinapik lang sya ng huli sa balikat at nagpasalamat. Umalis na rin para puntahan ang ibang bisita. Lumapit naman si John Zenn sa amin.

Akala ko kukuha rin sya ng pagkain pero hindi pa rin sya gumagalaw mula sa kinatatayuan at nang tingnan ko ay nakadikit ang mga mata sa suot ko. Hanggang nagtama ang mata namin.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now