28

1 0 0
                                    

Ang malalaking alon, ang madilim na paligid at ang patak ng ulan na masakit kapag tumatama sa balat. Ang mga taong nagsisigawan. Ang mga batang umiiyak. Ang lumulubog na bangka.

"A-alam mo ba na dahil sa'yo," umiiyak siya sa harapan ko. "Namatay ang Mommy ko! Tinulungan kita pero hindi ko man lang naligtas ang Mommy ko!"

"Sana hindi pinabayaan ka na lang ni Mommy! Edi sana buhay pa siya ngayon!"

"Ikaw sana ang namatay hindi ang Mommy ko! Dapat hindi ka niya niligtas! Dapat ikaw na lang ang namatay! Halika tingnan mo siya! Tingnan mo ang nangyari sa Mommy ko!"

Ang mga katagang iyon.

"Miss anong ginagawa mo?"

Nanlaki ang mata ng nurse na pumasok sa room ko nang makita ang ginagawa ko. Tumakbo siya sa'kin sabay hawak sa magkabilang kamay ko. Sumigaw siya ng tulong at hindi nagtagal ay naroon na rin ang ibang kasamahan niya pati ang doktor na sumusuri sa'kin. Lahat sila ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa tumutulong pulang likido mula sa palapulsuhan ko. Hawak iyon ng nurse na nakakita sa'kin. Sa kabilang kamay ay hawak ko ang bubog na nagmula sa nagkapira-pirasong baso sa sahig. Pati iyon ay may sugar na rin dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa bubog.

"Please. Calm down. Bitawan mo yan. Please," mahinahong pakiusap ng doktor habang unti-unting lumalapit sa akin.

"Anong nangyayari—Carissa!" Lahat kami ay napatingin sa nasa pinto. Si Mama. Nagpaalam siya para bumili ng makakain sa labas. Hindi ko alam na mabilis siyang makakabalik. Umiiyak na lumapit siya sa'kin.

"Anong nangyari? Bakit?" Hinaplos niya ang buhok ko at ramdam ko ang mga luha niya mula roon. Nanghina ang kamay ko at nabitawan ko ang hawak na bubog. Naging pagkakataon naman iyon para makalapit ang doktor at patigilin ang pagdurugo ng sugat sa kamay ko.

Ilang beses ko nang nagawa ito. Maraming beses ko nang tinangkang ibalik ang buhay na hindi naman talaga dapat na sa akin pero ilang beses na rin akong nabigo. Ano pang silbi nang mabuhay kung araw-araw naman akong pinapatay ng mga alaalang iyon?

"Dear, you have to be strong para gumaling ka. You can't let those memories continue to hunt you. Subukan mong labanan yung fear and trauma. You can't live like that forever." Sabi ng doktor habang tinatahi ang sugat sa kamay ko. Hindi ako sumagot.

"You have to undergo some therapies pero kailangan din namin ang tulong mo dear. Ikaw lang ang may kontrol sa mind mo kaya kailangan natin magtulungan para gumaling ka. You need to leave that memory in the past. You have to move on and let go of that painful past."

I had gone several psychotherapies hanggang isang araw, utak ko na lamang ang nagbura ng mga alaalang iyon at nagising na lang ako isang araw na wala nang inaalalang masakit na kahapon. Pero ngayong malinaw pa sa sikat ng araw na nagbalik muli ang mga alaala ng araw na iyon, hindi ko alam kung paano muling mabubuhay nang hindi pinagsisisihan ang buhay na mayroon ako. Dahil hindi lang nagtatapos sa paglubog ng sinasakyan naming bangka ang sakit na dinulot sa akin nang araw na iyon.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now