6

3 1 0
                                    

Sinikap kong sundan ng tingin ang araw hanggang nakarating ito sa patutunguhan. Walang pag-aalinlangan, walang pinangangambahan, ibinuhos ang lahat ng liwanag na mayroon siya. Nang nagdidilim na ang paningin ko sa tindi ng sikat ay binawi ko na iyon at saka pinagsawaan ang pinakadulong linya kung saan nanggaling ang araw. Payapa ang bawat alon, taliwas sa magulong paligid dahil napakaraming tao na rin doon. Gaya ko ay inabangan ang pagsikat ng araw, tila isang palabas at nang matapos ay unti-unting nagsialisan. Maliban sa ibang natira na siguro ay magswi-swimming. Hindi pa nadedevelop ang Tambak beach dahil bukod sa malayong probinsya ang Romblon ay tagong lugar din iyon sa bayan ng Sta. Isabel. Konti lang ang nakakapunta doon kundi'y ang malalapit na Barangay lang kaya malaya akong nakakalabas-masok doon.

Lumapit ako sa isang cottage doon kung saan ay nakareserve sa mga tinitindang kakanin at kung anu-ano pang pagkain at meryenda. Bumili ako ng bibingkang bigas at tumingin sa iilang mesang naroon na may malaking payong sa gitna. Pinili ko ang walang tao at nilapag doon ang machine-made coffee na in-order ko rin sa may cottage. Hindi nawawalan ng tao rito pero hindi lalampas sa singkuwenta dahil nga tago ang parteng ito ng Sta. Isabel.

Tinanaw ko ang mahihinang hampas ng alon na humahalik sa baybayin. Masyadong mabilis iyon. Di ko masundan.

"Tara na late na tayo." Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa'kin. Ilang araw na rin kaming halos naglampasan at nag-iiwasan ng tingin sa school mula noong eksena sa bahay. Bitbit niya ang parehong baso ng kape at umupo sa harap ko.

"7 na e' sabay ka na." Hindi yun patanong. Ginawa niyang pahayag at di ako nakasagot.

Tinaas niya ang salamin sa mata kahit di naman iyon naalis dun bago sinundan ang sinabi.

"Ano?" Hinihintay niya ata ang sagot ko pero tumayo na ako at inubos ang natitirang kape. Naintindihan niya naman iyon kaya tumayo na rin siya at nauna nang naglakad. Nang makarating kung saan naka-park ang CVO ay inabot niya ang isang helmet sa'kin. Kataka-taka na dalawang helmet lagi ang dala niya pero hindi na ako nagtanong. Dahan-dahan akong sumakay roon at kasasakay ko pa lang nang bigla niya iyong pinatakbo kaya agad akong napakapit sa bewang niya.

"Tangina!" Sa bigla ay sigaw ko sabay bawi sa kamay ko nang makabawi. Narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Gusto mo ba akong ihulog ha?! Edi sana di mo na ako inayang sumakay dito! Pakyu ka!" Sa sinabi ko ay mas lumakas ang tawa niya na inirapan ko na lang kahit di naman niya nakikita.

"Kumapit ka at lilipad tayo!" Sigaw niya para marinig ko at sakaas bumilis pa ang pagpapatakbo niya kaya napipilitang yumakap ako sa kaniya. Wait. Nasususka ako okay? Hindi naman yakap! Kapit lang!

Dineretso niya iyon papasok kung saan naka-park ang mga sasakyan at mga motor ng ilang faculty at estudyante. Tamang pagbaba ko ay dumating si Alex na sakay ng kaniyang Suzuki AEM na ang mga mata'y hindi winalay sa'kin hanggang sa nakababa na rin siya ng motor niya. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya.

"Woah! Pagkatapos ng mga magulang nyo kayo naman?" May halong pang-aasar ang tinig at ang titig ay nanatili sa'kin. Hinihintay ang reaksyon ko na ipinagkait ko naman. Ngayon ay bumaling siya kay Zenn na may kung anong hinahanap sa safe box ng motor.

"Pre alam mo bang hindi na virgin 'to? Ngayong alam mo na, iiwan mo na?" Hindi ko alam kung narinig niya yun o hindi pero pinatong niya na ang dalawang helmet doon na ang isa'y sinabit sa may mirror at bumaling sa'kin.

"Hindi. " madilim ang pagkakatitig niya sa mga mata ko na di ko nahanapan ng emosyon. Hindi naman talaga ako sanay na pag-aralan ang bawat titig at galaw ng isang tao pero may something sa kaniya na nagtutulak sa'kin na gawin iyon. Nilampasan niya ako at may kung ano sa'kin ang nagtulak na sumunod na rin ako. Kahit likod niya lang ang tanaw ko, at pasimpleng pagbawi ng tingin kapag lumilingon sya sa'kin, napapaisip pa rin ako. Tama ba na nakakasama ko siya? Pero mali ba na kasama siya?

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now