14

2 1 0
                                    

"Maybe we could have a double date some other time?" Iyon ang huling sinabi ni Amber bago kami naghiwalay nang hapong iyon. Doon natapos ang araw namin sa Cauagan Falls. Hinatid ako ni Karlo at si Gela naman ay sinundo ng driver nila.

"Sorry kanina ha. Sa pagiging makulit ng kapatid ko." Aniya nang makababa ako at binigay sa kaniya ang gamit na helmet.

"Ayos lang yon!" Pinilit kong ngumiti at nagpaalam na para hindi na humaba ang usapan. Una pa lang ramdam ko na na mangyayari ito at akala ko ayos lang sa akin pero bakit ngayon parang biglang nawala iyong pagiging komportable ko kapag kasama ko siya.

"Sorry. I shouldn't have said that." Natigil ang tangka kong pagbukas ng pinto at tumingin sa kaniya. Ngayon ay halatang pilit ang kaniyang mga ngiti dahil hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"Sorry." Tanging nasabi ko lamang dahil pakiramdam ko may kasalanan din ako. Responsable rin ako sa nararamdaman niya pero hindi ako pwedeng magkamali at tanggapin ang panliligaw niya dahil kung gagamitin ko ang isang pagkakamali para hindi makasakit ng tao, tingin ko mali yata iyon.

"Isay? Nagtatrabaho ka pala dito?" Isang araw ay napadpad si Alex sa pinagtatrabahuan ko kasama ang isang babaeng halos kasing tangkad ko at may hanggang balikat na kulot na buhok. Ang balat ay gatas sa puti at pwedeng pag-salaminan. Napansin siguro ng lalaki ang halos hindi ko pagkurap man lang habang nakatingin sa kasama niya kaya binigyan niya ako ng nang-uuyam na ngiti.

Tumikhim ako at binalik ang tingin sa monitor at pinagpatuloy ang ginagawa. Sila na pala ang sunod sa pila.

"Nika nga pala. Girlfriend ko." Aniya na hindi pa rin nawawala ang ngisi. Akala yata ay apektado ako dahil sa pagdala niya ng girlfriend niya dito ngayon. Marunong akong mag- appreciate sa ibang magagandang babae but I would never ever see myself less of them. Oo hahangaan ko ang pagiging maputi ng balat nila at ang pagiging makinis nila pero hinding hindi ko kakainggitan iyon. Magagandahan ako sa mukha nila pero hindi ko ituturing ang sarili ko na mas mababa sa kanila.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at sinimulan nang itapat isa-isa sa counter ang pinamili nila.

"Akala mo kasi ikaw ang pinakamaganda. Pero sa totoo lang, hindi ka naman talaga maganda e! Ginagamit mo lang ang katawan mo para maaakit ang mga lalaki. Una yung anak ni Mayor. Ngayon naman si Karlo? Ano ka? Tirador ng mga anak ng mayaya—" Bago pa matapos ni Alex ang sasabihin ay may malaking kamao nang dumapo sa pisngi niya. At dahil hindi iyon inaasahan ay bumagsak siya sa sahig. Lumayo ang mga tao at nagsisikuhaan na ng video.

"Oh my gosh! Alex! What did you do!" Sigaw ng babaeng kasama ni Alex kay John Zenn sabay pinuntahan ang kasama para alalayang tumayo pero tinaboy lang siya ng lalaki sa halip ay ngumisi at tumingin kay John Zenn na nagpupuyos pa rin sa galit.

"Tarantado ka pala e!" Agad siyang bumangon at pinaundayan ng suntok si Zenn na hindi rin agad nakagalaw kaya naging dahilan para matumba silang dalawa kasama ang stall na nasa likod niya. Nagkalat ang mga groceries doon pero hindi pa rin sila tumigil sa pagsuntok sa isa't isa.

"Hoy! Ano ba! Tumigil kayo!" Lumapit ako at pinilit silang paghiwalayin pero natumba rin lang ako kaya kinuha ko ang isang sachet ng powdered juice at binuhos sa kanilang dalawa. Dahil sa pagkapuwing ay tumigil naman sila. Doon pumasok ng store ang may-ari at nakita kaming tatlo na nakalupasay sa sahig kasama ang mga nagkalat na paninda.

Sa huli ay natanggal ako sa trabaho at binigay na lamang ang isang buwan kong sahod. Galit na tumingin ako sa dalawang lalaki pagkalabas namin ng store at matapos kausapin ng may-ari ng store.

"Ano? Masaya na kayo?! Mga gago! Wag kayong magpapakita sa'kin ha! Baka masapak ko lang kayo!" Sabi ko na dinuro-duro pa ang dalawa. Pagkatapos ay tumalikod na ako para umalis.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now