Chapter 11: New Subject

Start from the beginning
                                        


Maya-maya pa'y dumating sina Emerson at Zoiren sa likuran nina Althea at Mimi. Babatiin sana nila ako nang bigla na lang silang natigilan sa pagtawa ni Mimi.


"Anong meron ngayon Emmie?" tanong ni Emerson.


Lumingon si Mimi sa kanila at naririnig ko pang tumawa kahit mahina lang ito. Talagang mas malakas pa rin ang pandinig ko kumpara sa tunay na mundo. Mukhang nakangisi pa yata ito sa dalawang 'to.


"Si Riri kasi ngayon lang nagising, at---"


Bago pa man niya ipagpatuloy ang kanyang sasabihin ay kaagad kong isinara ang pinto ng kuwarto namin at agad na kinuha ang sweater sa aking item vault upang hindi magiging awkward ang lahat. Isa pa, sa oras na wala akong suot panloob sa itaas o bra ay tanging malaking sweater ang depensa ko. I'm keeping my modesty's safety that's why I'm picky on what I wear.


Binuksan ko agad ang pintuhan ulit at nanlaki ang kanilang mga mata na dinaig pa ng isang lag internet connection ang kanilang mga isipan. Nakanganga naman si Mimi na kulang na lang ay papasukan na ng langaw.


"M-Magandang umaga Zenrie." Nauutal namang bumati si Zoiren at ngumiti sa akin kasabay ng bahagyang pagtaas ng kanyang kanang kamay. Mukhang maganda ang gising niya kahit grabe ang nangyari kahapon sa open field. Sana all na lang sayo Zoiren.


"Magandang umaga rin sayo Zoiren," nakangiting saad ko sa kanya.


"Hoy Riri! Bakit mo naman isinara agad ang pinto?" padabog namang tanong niya.


"Kumuha lang ako ng sweater Mimi," malamig kong saad, kasabay ng pagkibit-balikat. "Hindi ko naman kasi alam na bibisita rin pala sina Zoiren at Emerson dito noh."


Napahimas na lang tuloy si Mimi ng batok at nerbsyosong tumawa. "Tama ka nga naman."


Napansin ko ring hindi nila kasama si Ranzou ngayong umaga. Ngayon ko lang kasi nakitang sina Emerson at Zoiren lang ang magkasama at hindi pa sumama ang isa sa mga magagaling naming pilosopo sa grupo. I wonder what the reason of not showing his presence today is. Siguro apektado pa rin siya sa mga nangyari kahapon.


Hindi ko pa rin maisip kung anong klaseng asignatura ang dinagdag sa bawat college program. Paano na lang kaya kung hindi lang mga college students ang nandito sa virtual world? Isang malaking gulo talaga 'to.


Pumasok agad sila Zoiren sa kuwarto namin at nalaman kong puwede naman palang magpatuloy ng opposite gender dito pero bawal na bawal silang makitulog. Kahit medyo maluwag ang patakaran, mas mabuti pa rin ang ibayong pag-iingat. Inilapag na rin ni Mimi ang mga pagkain sa mesa at binuksan ang mga ito upang makakain na kami. Napagsabay na yata ngayon ang agahan at pananghalian ko ngayong araw.


"Bago ko nga pala makalimutan, nasaan ba si Ranzou?" tanong ko kay Emerson. "Hindi ba't makakasama kayong tatlo sa iisang silid?"


"Tungkol naman kay Ranzou, ayaw pa rin niyang bumangon sa kama at muling natulog pagkatapos naming mag-agahan ni Zoiren. Kanina rin ay pilit namin siyang alisin sa kama ngunit inilabas niya agad ang espada niya." Paliwanag ni Emerson at napakamot sa noo.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now