Bumaba ako sa itaas na bahagi ng kama at dumiretso sa pintuan upang ipihit ito. Pagkabukas ko ay tumambad sa akin sina Mimi at Althea sa tapat ng pintuan. May dala pang supot si Mimi na naglalaman ng mochi at tocilog na nakasilid sa mga tupperware.
Yari! Dapat nagluto ako kanina!
"Good morning Sleeping Beauty!" nakangiting sabi ni Mimi sa akin.
"Magandang umaga Mimi," mahinang usal ko, kasabay ng pagkusot ng aking kaliwang mata at hikab.
Ayan na naman si Mimi sa pa-Sleeping Beauty niya.
"Mukhang ang taas yata ng tulog mo Zenrie ah," sabi naman ni Althea. "Sa pagkakaalala ko maaga kang natulog dahil sa nangyari kahapon."
I look at her blankly and tilt my head as my mind is processing her words. Kagigising ko pa lang kaya medyo lag ang isipan ko at dumagdag pa ang mga oras na napapaisip na naman ako sa mga nangyari kagabi. Hindi ko mahinuha ang lahat ng mga kaganapan sa ngayon.
Matapos ko kasing pumunta sa gubat, dumiretso kami sa dorm building ng SAU at nag-sign in sa tutuluyan naming silid. Bawat kuwarto kasi ay may dalawang double-deck bed at malaki ang espasyo. May munting salas na rin sa silid at ganoon na rin ang kusina para sa dalawang kuwarto. Nakahiwalay rin siyempre ang tulugan ng mga babae at lalake dahil nasa protocol 'yon ng unibersidad.
Hindi na rin ako nakakain ng hapunan n'on at dumiretso na lang sa pagtulog nang sumapit ang hatinggabi. Nawalan kasi ako ng gana simula nang makita ko si Avicta o AI 7663 sa screen kahapon. Pati sa panaginip ko ay nandoon pa rin ang pangyayaring iyon.
"I slept at midnight last time Althea," pahikab kong saad. "Marami na naman kasi akong iniisip tungkol sa nangyari kahapon. Unang araw natin ngayon sa virtual world na nakakulong."
Sumingit naman agad si Mimi. "Tama ka Riri, kaya dahil na rin sa pag-iisip mo nakalimutan mong nakasuot ka pa ng pantulog. Jusmi! Nakalimutan mo naman sigurong suotin ang sweater mo lalo na sa oras na may bibisita. Alam ko kasing iniingatan mo ang modesty mo lalo na't tamang-tama lang ang laki ng hinaharap mo," pambabara naman niya.
Agad kong tinakpan ang aking dibdib dahil sa mga sinabi ni Mimi sa akin. Anak ng tinapang giliw! Ito pa talaga ang tatambad sa paggising ko? Ang asarin ako? Hay! Ibang klase rin ang babaeng 'to kung ano na lang ang makikita niyang puwedeng pambara.
"Mimi naman eh!" pailing kong saad.
"At least it's not flat or big Riri. Your size is normal than mine which is legibly flat," natatawang saad ni Mimi.
"Tinapa ka talaga," mahinang usal ko at marahang umiling.
Mahina namang humagikhik si Althea sa kanyang likuran habang tinatakpan ang kanyang bibig. Alam naman siguro ni Mimi na may kasama pa kami rito. Minsan talaga nakakalimutan niya ang mga tao sa paligid sa oras na aandar ang pagiging madaldal niya.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 11: New Subject
Start from the beginning
